1

8.5K 124 8
                                    

(Wanghae:Hi mga flairies😍 wala tayong prologue! Sorry😶 feeling ko kasi walang thrill pag may prologue, kaya hindi ko na nilagyan😊 yun lang muah!😘)

Shanon's POV

"Ma! Pasok na po ako!"-sigaw ko palabas na kase ako ng bahay habang si mama nasa kusina

"Huh? Hindi ka pa nagaagahan ah"

"Ihh ma! Pasok na po ako pleasee?"-sabi ko habang nagpa-puppy eyes kay mama

"Hays! Nako bata ka masyado pang maaga! 9:00 am pa ang pasok mo! 8:15 am pa lang masyado kang exited"

"Pero ma! Gusto ko na pong pumasok"-pano ba naman kase sa Light University ako papasok! Isa sa mga pinaka magandang school at bilang lang sa kamay ang nakakapasok na scholar dahil tanging mga mayayaman lang ang may kakayahang pumasok dun, oo TANGING MAYAYAMAN LANG hindi kasama ang mga may kaya, MAYAYAMAN lang talaga dahil royalties lang ang mga nagaaral dun means may mga dugong bughaw

"Naku anak! Baka naman may boyfriend ka na at iniintay ka dun ha"

"Ma-----"

"Oy oy oy! Anong boyfriend boyfriend ang naririnig ko?! Ikaw shanon ah ke bata bata mo pa!"

"Pa naman! Wala pa po sa isip ko yan no! Saka bago ako mag boyfriend sisiguraduhin ko po na nakakatulong na ako sa inyo at kaya ko na pong buhayin ang magiging anak ko"

"Anak, ang pinaguusapan lang natin eh ang pag bo-boyfriend hindi pagaasawa"- mama

"Masyadong advance yang utak mo anak"-papa

"Hay nako shanon kumain ka muna baka mamaya ikaw lang ang tao dun masyado kang exited, hindi naman tatakbo yang school mo"

"Opo *pout*"

"O, nakanguso ka nanaman"-papa

*facepalm

"Ah anak ito isang daan baon mo muna yan sa isang buwan huh? Pasensya ka na kulang nanaman kase ang pera natin para sa bayarin dito sa bahay at sa pagkain natin araw araw"- stress na sabi ni mama

"Ah ayos lang po ma hindi rin naman ako masyadong gumagastos kase kumakain naman ako dito"

"Hayaan mo anak pag nakaluwag luwag dadagdagan namin yang baon mo ha? Konting tiis lang muna"

"Naku kahit hindi na po basta sama sama po tayo kuntento na po ako"

"Napaka swerte talaga namin at nagkaroon kami ng isang maintindihing anak"-mama at hinawakan ako sa magkabila kongpisngi

"Kumain na nga lang po tayo"-natatawang saad ko

~~

"Bye po ma,pa! Love you"-sabi ko sabay halik sa pingi nila

"Sige ingat ka anak ha? Lalampa lampa ka pa naman sa daan, gumilid ka ha? Baka magitgit ka pa ng mga sasakyan"

"Opooooo, babye"-sabi ko at tumakbo na ako, maglalakad na lang ako maaga pa naman 8:30 pa lang may 30 mins. Pa dun na ako sa sakayan ng jeep sasakay para makatipid

~~

Wow! nandito na ko sa harap ng light univ. Grabe! Gate pa lang pangmalakasan na

"Miss? Transfery ka?"-sabi nung guard

"Ah opo! Magandang umaga po"

"Magandang umaga rin, pasok ka na"

"Eh kuya wala pa kong id"

"Naku! Ayos lang! Transfer ka naman"

"Naku! Maraming salamat po!"-sabi ko at nagbow, ngumiti at tumango naman ito

Grabe ang bongga talaga! Ang laki talaga at ang lawak! Pag pasok mo may makikita kang fountain,bench,at alam nyo yung mga halaman na may shapes? Ayun tas may mga magagandang bulaklak na iba iba

"Shanon!"-napatingin naman ako kung sino yun

"Bakla!"-tumakbo sya sakin at niyakap ako, btw babae sya sign lang namin yon

"Nasaan sila kian?"-tanong ko

"Nandun na sila! Halika dali!"-Hinila nya ko

Btw ako nga pala si Shanon Blair Williams, oh diba pangmayaman? Pero kabaliktaran nun ang buhay ko, 17 years old na ko 1st year college

At itong babaeng tinawag kong bakla sya si nica 17 din and take note apat kaming magkakaibigan at tanging kaming apat lang ang pumasa dito para maging scholar

"Yah! Bakla kamusta na!"-Siya si Jessica, 17 years old 'jess" for short

"Wag nga kayo maingay para kayong sampung taon na hindi nagkita"- Siya si kian nagiisang lalaki sa grupo,at isa sa malakas mangasar

"Si jess lang naman ang maingay"-ako

"Oo nga!"-nica

"Grabe sila oh"

"Pst! ngayon ko lang napansin, halos lahat ng mga tao dito nakatingin satin?"-bulong ni nica

"Oo nga"-kian

"Satin o kay shannon lang?"-jess

"Umalis na tayo dito masasama ang tingin ng mga babae dito kay shanon"-kian

"Oo nga alika na"-nica

~~
Third person's POV

"Balita ko may balita na raw tungkol sa prinsesa"-jeff

"Kabahan na tayong tatlo jeff,tim! mukang si jin na talaga ang magiging succesor HAHAHAHA!"-asar ni ralf

"Tigilan nyo ko"-masungit na ani ni jin

"Oh bro, hindi ka naman mabiro"-natatawang ani ni ralf

"Ipag dasal nyo na lang sana na mukang tao yung prinsesa kung hindi, kahit sabihin mong si jin ang tagapagmana malas mo pag mukang aso ang prinsesa"-iiling iling na sabi ni tim

"Pffft. HAHAHAHA! oo nga no! Pero jin, ihanda mo na rin ang sarili mo! is either balyena o aswang ang mapapangasawa mo"-nangaasar na ani ni ralf

~~

Shanon's POV

Grabe 10:00pm na ko nakauwi, nandito na ko sa tapat ng bahay namin

"Ma?! Nandito na po ako!"-katok ko sa pinto, maliit lang ang bahay namin isa lang itong apartment, luma na ito at hindi na sya kagandahan sa labas

"Oh anak! Late na ah"-sabi ni mama pagbukas ng pinto, nagmano ako sa kanya

"Pasensya na po naglakad lang po kase ako at marami po kasing costumer sa trabaho"

"Hala sige magbihis kana at kumain ka na dun, nakahain na ang ulam"

"Opo"

~~

(Edited)

Im InLove with the Long Lost Princess (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon