6

3.7K 134 8
                                    

Shanon's POV

Tumayo ako sa kama at nakita ko sa gilid ng mesa ko yung pinabigay sakin ni lolo na envelope, ang totoo nyan hindi ko pa binubuksan to kase nakalimutan ko kagabi naligo kase ako tas nawala na to sa isip ko

Umupo ako sa kama at binuksan ang envelope na mayroong sulat at may kasamang card

"Sheril ito ang allowance mo for the whole month just ask if you need more -love lolo"

Binuksan ko yung parang card ng coop

Halos manlaki ang mata ko sa allowance ko seriously?

5,000,000?! Just for the whole month?

May pa "just ask if you need more"  pa

Grabe sila magwaldas ng pera, kun saming mahihirap kailangan naming magbanat ng buto para lang may ipang bayad sa utang at sa mga bayarin sa bahay at para may makain

Isang kayod isang tuka kami at kahit ultimo piso ay napakahalaga sa amin pero sa kanila? Parang napaka dali lang sa kanila na maglabas ng napaka laking halaga

Sinubukan kong bilangin ang mga zero pero nagsayang lang ako ng oras dahil anim talaga ang mga ito

Napaka layo ng isang daan sa isang buwan sa limang milyon para lang sa isang buwan daig ko pa ang nanalo sa lotto

Pero kahit ganun kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang buhay ko noon kesa sa ngayon

Oo maliit lang bahay namin pero sama sama kami, ngayon? Malaki nga itong mansion pero dahilan yon para iparamdam sakin na nasa isang kulungan nga kami pero nasa ibat ibang sulok naman sila

Nilagay ko na ulit sa mesa ang envelope at tumayo na

Third person's POV

Naligo at mag ayos na si shanon ng sarili ng biglang

*ding *dong *ding *dong

Binuksan ni shanon ang pinto at tumambad sa kanya si jess at ang leader ng mga katulong

Ang totoo nyan ay simula ng dumating si shanon ay inakala ng lahat na si shanon ay isang Mataray,masungit,bossy,maarte dahil halata sa balat nito na alagang alaga etc. Lahat na ng masasamang bagay ay naimbansag na kay shanon, pero kahit ganun hindi nila maipagkakaila na maganda ito

Nagulat sila sa pinakita nito sa kanila, napaka bait nito, narinig din nila ang naging buhay nito dahil halos lahat sila ay nasa dining room nung nagkwento si shanon ng kanyang buhay sa labas, ibang iba sa mga babaeng tumira sa mansyon na pinagkamalang siya

"Ms.shanon kailangan nyo na pong malig-----"-naputol ang sasabihin ni jess dahil nakita nilang basa ang buhok nito

Ibang iba si shanon sa mga pinagkamalan na prinsesa at pinatira sa wang fu mansion dahil si shanon ay isang babae na napaka simple pero napaka elegante

"Nakaligo na ko, good morning sa inyo😊"-nakangiting bati ni shanon, agad namang dinapuan ng kahihiyan ang mga katulong, dahil late na nga nilang sinabihan na maligo si shanon, nakalimutan pa nila itong batiin, nauna pang bumati ang amo kesa sa mga tauhan,buti na lang ay nakaligo na ito dahil kung hindi lagot sila sa emp.

"Good morning din po ms.sheril/shanon"

"Please shanon na lang"

"Sige po ms.shanon"-sabay sabay na sabi ng mga katulong

"Cut the 'po' thing nakakatanda"-sabi nito sa humagikgik

"Hindi po----"

"Come on bigay nyo na sakin to"-sabi nito at ngumiti

Im InLove with the Long Lost Princess (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon