Third Person's POV
Habang pasakay si shanon sa kotse ay muli nyang tinignan ang mga nakasanayang magulang, tinignan nya lang ito na para bang iniintay nyang sabihin na wag silang iwan o kaya wag syang umalis ngunit nabigo sya, kumaway lang ang kanyang ina sa kanya
"Pasok na po ms.sheril"-magalang na sabi ni mr. Yi
Wala ng nagawa si shanon kundi pumasok na lamang at habang umaandar ang sasakyan ay sinudundan pa rin ng tingin ng mga nakasanayang magulang ni shanon si shanon
Habang nasa daan ay nananatiling tahimik si shanon, hindi nya pa rin matanggap ang mganangyayari, may luhang bumagsak sa isang mata ni shanon at agad nya itong pinunasan gamit ang kanyang kamay
"Ayos lang ba kayo ms.sheril?"
"Ah opo, *sniff* ah sorry po sa inakto ko kanina masyado lang po akong nabigla at ayoko lang po talagang iwanan ang mga magulang ko"
"Ayos lang, naiintindihan ko ang sitwasyon mo ms. Sheril"
"Am, kung pupwede po wag nyo na po akong tawang ms. Sheril, shanon na lang po"-pinilit ni shanon ngumiti dito
~~
Sa kabilang dako ay may magasawang hindi pa mapakali at para bang sabik na sabik
"Totoo ba to? Makikita na ba talaga natin sheril? Sya na kaya talaga si sheril?"-sabi ng napaka gandang babae sa kanyang asawa
"Oo, siya na nga talaga si sheril, matagal na syang pinaiimbistigahan ni papa at lahat ng nakuhang impormasyon sa kanya ay tugma sa hinahanap natin"-sabi naman ng gwapong lalaki
"Hindi na ko makapaghintay na makita sya, sabik na sabik na ko makita ang anak natin sa 17 years makikita na natin sya, Ano kayang itsura nya? Kamusta kaya sya? Ayos kaya ang naging buhay nya? Sana lumaki syang maayos"
~
"Ang tagal naman *pout* nasan na ba sila?"
"Tatawagan ko si bernard"
*ehem
Napatingin lahat matandang nakaupo sa sofa
"Hindi na kailangan tinawagan ko na sya, malapit na raw sila dito"
"Mabuti naman"
Lahat sila ay nasasabik na makita ang prinsesa pwera kay jin na naiinis dahil na rin hindi sya nakasama sa tatlo pang prinsepe sa brazil upang magbakasyon
"Emp. (Tawag ng isang tauhan sa matanda) nandyan na po ang prinsesa"
Agad agad silang lumabas ng kwarto upang salubungin ang prinsesa pwera sa prinsepe na hanggang ngayon ay walang emosyon
Bumukas ang napaka laking pinto at lahat ng tauhan at katulong ay nag bow upang pagsalubong sa prinsesa, hindi komportable si shanon sa ganito, naiilang sya dahil ang ayaw nya sa lahat ay ang atensyon ng maraming tao, nahuling lumabas ang prinsepe ngunit naagaw ng prinsesa ang kanyang atensyon
Napako ang mga paa ng prinsepe habang pinagmamasdan nya ang prinsesa sa baba at kakapasok lang, nabighani sya sa taglay nitong kagandahan napakasimple pero napakagalante tingnan
*tug *tug *tug *tug *tug
~~
(Edited)
![](https://img.wattpad.com/cover/95202381-288-k796240.jpg)
BINABASA MO ANG
Im InLove with the Long Lost Princess (TAGALOG)
RomanceMarami po akong iniba dito katulad nung "stars (Moon Lovers) (TAGALOG)" gawa lang ito ng sarili kong imahinasyon