Chapter Three

3.5K 92 5
                                    

“Ate, sino yung cutie na future boyfriend mo daw?” tanong sa akin ni America. Hindi ko s’ya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa pagliligpit ko sa may salas namin.

Kakauwi lang naming tatlong magkakapatid sa bahay. Binihisan ko lang ng damit si Sia. Pagkatapos nun dali dali ng dumiretso ang bunso namin sa kwarto n’ya. Magsleep lang muna daw s’ya kasi sleepy na s’ya. Gisingin ko na lang daw s’ya pag nasa bahay na si mama.

Bukod sa pagod, inis na inis pa din ako dahil sa stalker na si Clark. Gwapo na sana eh, kaso may matinding ka epalan syndrome. Sa totoo lang wala lang tyak ‘yung magawa sa buhay n’ya kaya ganun. Tapos eto pa si America ayaw tumigil kakatanong tungkol sa lalaki na iyon.

Nilingon ko si America na nag aayos ng gamit n’ya. Napataas ‘yung isang kilay ko habang tinitignan ko s’yang alisin yung cup na nasa clear na supot na may sauce pa at kung ano anong kalat sa loob ng bag nya. Nakakadiri talaga ‘tong babae na ‘to.

“Ateee! Sino nga kasi ‘yun? Isusumbong kita kay mama lagot ka,” banta nya sa akin.

Hindi ko pa rin sya sinagot at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Pinunasan ko ‘yung maliit naming coffee table at nilagay sa kahon ng laruan ni Asia yung mga laruan nya na gumulong pala sa ilalim ng mga upuan sa sala.

“Si ate mukhang bingi! Ihahagis ko sayo ‘tong kalat ko eh!” sigaw ni America saka inumang sa akin ‘yung nakakadiring cup na may sauce.

Balahura talaga ito. Magkakalat pa lalo eh kita namang naglilinis ako. Buti sana kung tumutulong s’yang maglinis eh. Paghuhugas lang ng pingan ayaw n’yang gawin.

Pagtumulo sa carpet ‘yung nakakadiring sauce na mukhang pinaghahalong ewan. Babatukan ko s’ya eh.

“Hindi ko kilala ‘yung lalaki na ‘yun Rica. Nakasabay nga lang namin s’ya sa jeep kaninang pauwi,” paliwanag ko habang inaayos sa lalagyan yung sapatos ko. Napakunot yung noo ko noong naalala ko ‘yung sinabi ni Clark kanina kung isa ako sa katorse o batang ina ba ako.

“Ugh, ‘wag mo ng isipin ‘yung lalaki na ‘yun. Nakakainis, tinanong ba naman ako kung batang ina ako. Sinong matinong lalaki mag tatanong ng ganun sa babaeng nakasakay lang n’ya sa jeep?” inis na sinabi ko sa kanya. Nakakabadtrip talaga. Malas ko lang siguro talagang araw na ito.

Nawalan na nga ng trabaho, nasabayan pa ng abnormal na lalaki.
Nainis ako lalo nung tumawa ng malakas si America. Humahagalpak ang luka at maiyak iyak pa sa kakatawa. Ano kaya nakakatawa doon? Nakakainis kaya ng sobra at saka na kakabastos. Kasi naman ‘di ba? Anong klase nga kasi ng lalaki ang may ganoon kakapal na mukha? Gago lang saka adik ‘di ba?

“Ate Alia, ang harsh mo naman kay Kuya Clark,” sabi ni America na medyo kumakalma na kakatawa. Binigyan nya ako nung isa sa mga sobrang makahulugan n’yang ngisi.

“Mukha ka kasi talagang nanay umasta. Ayan tuloy napala mo,” gatong pa n’ya saka mabilis na umilag sa hanger na naihagis ko sa direksyon n’ya.

“Ano ba ate, napaka pikon mo. Totoo naman eh,” paliwanag n’ya saka n’ya kinuha ‘yung hanger at inabot sa’kin.

Inirapan ko lamang siya at saka hinampas ng mahina yung pink na hanger na inabot n’ya sa akin. Pagkatapos nun hinanger ‘yung pinagbihisan na Sia. Medyo basa kasi ng pawis baka tagluminin pa. Ang hirap pa naman maglaba ng may taglumin. Naiimagine ko palang maiiyak na ako sa torture na magaganap sa kamay ko.

“Umayos ka America, namumuro ka na. Sisigaan ko na talaga yung collection mo,” banta ko sa kanya. Binelatan lang ako ng nakakabata kong kapatid at saka ako pinitik sa noo.

“Napaka sungit mo. Kaya wala kang boyfriend natatakot sayo mga lalaki,” pahabol ni America at dali daling tumakbo papunta sa kwarto naming dalawa. Ang duwag nung luka na ‘yun. Pasalamat s’ya hindi ko pinapatulan mga kalokohan n’ya kundi lamog s’ya sa akin.

Mommy For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon