Chapter Two

6.7K 187 40
                                    

"Aussie, ano? Saan next racket natin?" tanong sa akin ni Angelique, best friend ko noon pang college. Aussie yung tawag nya sa akin. Naiinis nga ako pero nasanay na.

"Hindi ko alam Ang, malay ko ba na isasara na nila 'tong day care center," sabi ko pagkatapos kong huminga ng malalim. Ganti ko sa kanya yung palayaw na Ang. Isama mo pa na fan sya ng Avatar.

Nasa may day care center kami sa loob ng mall. Yung tipo ng day care center na pwedeng pag iwan ng mga magulang ng anak nila pag nasa mall sila at 'yong ding kamukha ng normal na day care kaso halatang pang ma pera lang.

"Kase naman masyadong bongga si madam," sabi nya sa akin. Nakakunot yung noo nya, "Kung di naman kasi si ma'am nag expand agad agad at bumili ng mga bagong toys at ibang gamit 'di 'to mangyayari."

Tumangon na lang ako bilang sagot. Nadedepress ako. Ito lang kasi ang trabaho na gustong gusto ko at medyo malaki ang bayad kesa sa normal.

Mahilig ako sa mga bata. Sobra. Kaya mahirap para sa akin na umalis dito. Alam ko na pwede pa naman akong makakuha ng trabaho sa ibang lugar kaso iba rin ang bayad ni madam sa amin. Sobrang laki. Saka ang bait ni madam. Jackpot nga kami sa kanya eh. Pinapayagan nya nga rin akong dalin si Sia dito kahit walang bayad.

"Pabayaan mo na. Makakahanap rin tayo ng trabaho. Mahirap din para kay madam na magsara 'no," sabi ko sa kanya.

Tumayo ako sa inuupan ko at pumasok ako sa indoor playground sa loob kung saan naglalaro 'yung mga bata.

"Sabagay," sabi nya saka sya sumunod sa akin.

Walang masyadong nangyari sa araw na 'yon. Ginawa ko lang yung normal kong ginagawa. Tapos after ng ilang oras tapos na shift ko at pinayagan na ko ni ma'am na umuwi.

"Ate? Ba't ka malungkot?" tanong ni Asia sa akin habang nasa jeep kami at kalong ko sya.

"Hindi ako malungkot Sia. Nag iisip lang si ate," sabi ko sa kanya. Pinilit kong ngumiti at tumango sya. Nasa isip ko pa rin kung saan ako susunod na mag aapply ng trabaho.

"May bago akong friend ate. Ang bait bait nya tapos medyo magkamukha kami," kwento sa akin ni Sia. Ngumiti sya saka tumawa at napangiti na rin ako ng totoo.

"Talaga?"

"Mmmhhmmmm!" huni nya tapos umupo sya sa bakanteng upuan sa jeep. Kakababa lang noong manang at ng anak nya sa may kanto.

"Ate, magkamukha nga kami! Tapos parehas kaming naka violet saka naka braid," pag bibida nya sa akin.

Narinig kong natawa ng kaunti yung lalaki sa tabi ko pero di ko pinansin. Di ko sya masisisi. Sobrang energetic ni Sia eh.

"Pwede ba ulit ako sumama sayo bukas?" tanong nya. Kulang na lang tumalon sya sa may upuan nya.

"Pag pinayagan ka ni mama," sagot ko sa kanya. Piniga ko ang pisngi nya tapos piniga nya rin yung sa akin.

Nag harutan kaming dalawa sa jeep ng ilang minuto. Di ko na pinansin mga kasama namin sa sasakyan. Bakit ako mahihiya eh ang cute ng kasama ko.

After ng ilang minutes, inantok na rin si Sia at kinalong ko na ulit sya. Malapit na kami sa bahay at marami pa kong gagawin.

"Miss, anak mo?" tanong sa akin noong lalaking katabi ko kanina. Nakangiti sya sa akin.

Nainis ako. Hindi nya ba naririnig na ate tawag sa akin ni Sia.

"Hindi, kapatid ko 'to," sagot ko.

Tumango lang sya tapos tiningnan nya ng matagal si Sia. Nacreep out ako sa kanya kaya niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko saka lumayo ng kaunti sa kanya. Provided na marami ulit pasahero sa jeep.

Mommy For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon