Chapter Four

4.3K 131 52
                                    

Maaga kaming nagkita ni Ang kinabukasan para mag apply doon sa may mall malapit sa kanila. Wala naman kaming specific na pag aaplyan at parehas lamang kaming magbabakasakali na sana may opening man lang.

"Miss, next time na lang. Wala talaga kaming opening ngayon. Kakafill up lang kahapon nung isang bakante namin. Sorry nakalimutan kong tangalin yung sign," paliwanag sa amin ng babae na nakatao sa cash register sa isang stall.

Tumango kami ni Angie. Parang naawa naman sa amin ang babae at hiningi ang number naming dalawa at susubukan nya daw kaming tawagan kung magkaka opening sila. Alam ko namang nagmamagandang loob lang sya kaya hindi na rin ako umasa na makatangap ng tawag sa kanya kung sakali.

Minsan kasi talaga ganun eh. May taong masyadong mababait. Hindi nila na rerealize na dahil sa pagiging mabait nila nakakapagpaasa na pala sila ng iba at mas nakakasakit pa sa bandang huli.

Ay, ano ba iyan kung ano anong kadramahan na naisip ko. Mag aalas dose na at nagugutom na talaga ako ng sobra. Bukod sa gutom na ako nakakaramdam na rin ako ng pagod. Masakit na rin and paa ko sa kakalakad sa loob ng mall. Napansin ko din na parang pagod na ang kaibigan ko. Medyo nakasimangot na rin ito at parang wala na sa sarili.

"Huy Ang, huwag ka ngang sumimangot dyan. Halika kain muna tayo," aya ko sa kanya sabay hatak sa kanya papunta sa may Jollibee. Malapit lang naman kasi si pulang matabang bubuyog sa pinupwestuhan namin kaya doon ko sya hinatak.

Tumango lang si Angelique at sumunod sa akin ng medyo tahimik. Naninibago tuloy ako sa kaibigan ko na ito. Madalas kasi mas maingay saka mas bully ito sa akin kaya nakakatakot talaga pag nanahimik sya eh.

"Alia, ikaw na mag order sa akin ha. Chicken na lang yung maanghang ha," sabi nya sa akin sabay abot nung pera nya.

Nawiwirduhan ako sa babae na yun pero hindi ko na muna pinansin. Pumila na ako para umorder ng pagkain namin. Mapapansin mo na sobrang busy na talaga sa fastfood chain na ito kasi sobrang haba ng pila. Sabagay, lunch na kasi kaya talagang rush hour. Magmumuni muni ako habang nagiintay. Hindi ko na halos mamalayan na ako na pala ang oorder.

Mabilis kong sinabi ang sa amin ni Angelique. Medyo nainis lang ako na to follow yung inorder ko. Eh dahil wala naman akong magagawa kinuha ko na lang yung number saka yung pagkain ni Angie. Nakakainis. Gutom na ako eh.

Sa sobrang dami ng tao medyo nahirapan akong hanapin ang kasama ko. Ilang beses ata akong luminga linga at saka nag paikot ikot bago ko sya nakita. Ang liit kasing babae eh and hirap tuloy hanapin.

"Oh girl, eto na food mo," sabi ko sa kanya saka ako humarap sa may tapat nya.

Nagthank you lang sya saka tumango. Halatang wala pa rin sya sa sarili. Hindi na ako nakatiis at tinanong ko na sya kung may problem ba.

"Angelique, ikwekwento mo ba sa akin 'yung nasa isip mo o hindi? Gusto mo bang pag usapan?" tanong ko sa kanya.

Napatigil sya sa pagtusok tusok nya sa fried chicken at halatang para syang biglang natauhan. Tumingi sya saglit sa akin saka muling bumaling at tingin nya sa manok na minamassacre nya. Hindi ko mapigilang medyo maawa sa manok kasi parang dinouble kill na ito.

"Ano kasi girl. Nag away kami ni Richard," sabi nya.

Ahhh, problemang puso pala ito. Isa ding rason bakit ayoko pang magkaboyfriend o pumasok sa kahit anong seryosong relasyon eh dahil sa mga gantong parte. Hindi kasi talaga maiiwasan ang away at tampuhan. Sa ngayon na hindi pa stable ang trabaho ko at hindi pa ako bumabalik ng college para tapusin ang fourth year ko ayoko munang makipagboyfriend.

"Ano naman ang pinag awayan nyo?" tanong ko sa kanya.

Hindi pa ako nasasagot ni Angelique ng biglang nagring ng malakas yung phone nya. Napaisip tuloy ako  na buti na lamang di nagring kanina yun habang naghahanap kami ng trabaho or iniinterview pa kami.

Mommy For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon