Chapter Five

1.5K 47 18
                                    

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Mommy? Mommy?! Mag uusap lang kami ni mommy? Anong pinagsasabi ng lalaking ito?

Wala pa akong boyfriend since birth. Sure ako na mas virgin pa ako kay Mama Mary at mas lalong alam kong di ako nag immaculate conception. Wala pa akong karanasan sa mga mga gawaing na related sa tawag ng laman. Ang pinaka intense ko ng nagawa na may kasamang lalaki eh nung sinayaw ako nung high school crush ko noong high school prom namin a million years ago.

Never pa ako nagkakaanak. I mean nine months din yun, 'di ba? Di ko naman tyak makakalimutan yun lalo na kung inire ko yung anak nya. So, ano pinagsasabi ng lalaki na ito?

Nahalata ata nung lalaki yung pagkagulat ko. Pumikit sya saglit na parang sobrang hirap na hirap ang kalooban saka sya tumingin sa akin na may kasamang pagpapaawa.

"Miss, pasensya na. Please, I beg you sumama ka na muna sa amin?" mahinang sambit nya sa akin. Kitang kita ko yung pagkadesperado nya sa mga mata nya.

Napalunok ako. Ayokong sumama. Paano kung bagong modus pala 'to? Oo mukha silang mayayaman at alam kong pang isang taong sweldo ko na yung presyo nung mamahaling relo na suot ni kuyang gwapo pero matatalino na mga budol budol ngayon.

I mean, hindi ko pa nga alam kung ano mararamdaman ko kay Clark tapos eto naman?

Naputol yung magulong takbo ng isipan ko nung niyakap ako nitong bata na tinawag akong mommy. Napatingin ako ng maigi sa kanya. Magkamukha ba kami ng mama nya kaya napagkamalan nya ako na mommy nya? I mean, sige kung tutuusin medyo magkamukha sila ni Sia pero di naman ata enough na justification yun. Maraming magkakahawig na tao dito sa mundo.

Habang nagsisimula ng gumulo ng gumulo ang takbo ng isip ko napaisip ako kung ano kayang nangyari sa mag daddy na ito at sa mommy nya? Bakit halatang sabik na sabik itong napakagandang bata na ito sa mommy nya. I mean gwapo naman yung daddy nya at halata pang mayaman. Ayoko mang isipin pero iniwan kaya sila nung mommy nya at naglaho na lang ng parang bula?

"Mommy, Let's go!" sabi sa akin nung bata. Nagnining ning yung mga mata nya. Magkamukhang magkamukha sila ng mga mata ng lalaki na nasa harap ko.

Hinawakan ng bata ang kamay ko at hinila nya ako. Hindi ako makagalaw. Sasama ba ako? Hala, Australia? Ano na? Pagkataranta ko.

Siguro nakita nya yung pagkabalisa ko. Bigla syang tumigil sa paghatak sa akin at saka sya tumingin ng diretso sa mga mata ko. Kung kanina kumikislap yun dahil sa pagiging masaya nya dahil nakita na nya ang "mommy" nya, ngayon namumuong mga butil ng luha na ang mababakas ditto.

"Mommy?" bulong niyang tanong sa akin.

Napapikit ako. Hindi mo ako mommy, baby girl. Magsisimula na sana akong iexplain lahat sa bata na ito na nagkakamali sya, na hindi ako yung mommy nya. Kaso naunahan na nya ako.

"Mommy, don't you want to be with us? Bakit parang di mo ako namiss?" isang hikbi, ".. ayaw mo ba sa akin, mommy?" tanong nya pa ulit. Binitiwan nya ang kamay ko saka nya niyakap yung sarili nya na parang pinoprotektahan nya ang sarili nya sa rejection at disappointment na manggagaling sa akin.

"Do you not want to be with me and dad?" bigla kunot ng mga noo nya at nagsimulang tumulo yung nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

Bigla akong kinabahan. Ayokong ayoko sa lahat na nakakakita ng batang umiiyak. Halos sabay kaming kumilos ng daddy nya para pakalmahin sya. Pero dahil mas malapit ako sumulyap ako saglit sa daddy nya at tinangunaan naman nya ako. Nag aalangan man ako, yumuko ako at niyakap ang anak nya. Tinignan ko ulit ang daddy nya bilang paraan ng pagpapaalam at tinanguan nya ako na may maliit na kunot sa kanyang noo tanda ng pag-aalala para sa anak nya. Binuhat ko yung anak nya at niyakap ito papalapit lalo sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mommy For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon