Chapter 8

118K 1.2K 158
                                    

Chapter 8

Alex

"Sky!! Oh my God!!! Multo ka ba? Minumulto mo na naman baa ko? Ok lang kahit multo ka na! maganda ka pa rin!!! oh my gosh!! I miss you talaga!!! Nandito ka ba para i-lead kami palabas dito? Tumakas ka ba kay San Pedro para lang matulungan kami? wow! kahit astigin ka sweet ka pa rin talaga!!!"

She wiggled herself trying to get out of my grasp.

"Hoy babae!!! kung sino ka man... tanggalin mo nga yang kamay mo sa kin! hindi ako makahinga!!! At sino naman itong sky na tinatawag mo? Mukha ba akong langit?!"

Hmmmm bakit parang medyo lumiit ang boses ni Sky? Pero, kung lumiit ang boses nya, pansin ko lang na parang tumangkad sya ng konti.

"Sinabi ng hindi ako makahinga e! "

Hinawakan nya ang kamay ko at marahas na tinanggal ito sa pagkakayakap ko sa kanya.

Her delicate features really hides her strength.. Ang lakas talaga nitong babaeng ito! Daig pa talaga ang amazona!

"Nilalambing ka lang e... ikaw talaga Sky kala ko pa man din naging sweet ka na?"

"Hindi ako si Sky at wala akong kilalang Sky! At anong sinasabi mong multo? Itong mukha bang ito mukhang multo?"

Huh? hindi sya multo? Teka wait lang. Medyo madilim pa kasi kaya hindi ko maaninag ang buong mukha nya. Lumapit ulit ako sa kanya at tinitigan ko sya ng husto.

Oo nga. Parang hindi nga sya ang best friend ko. Pero kahit na hindi sya si Sky, bakit kamukha nya? Same shade of red hair. Pero parang mas cute ang ilong nya. At teka, mas maamo ang mukha nya, pero kung titignan mo ang mga mata nya, katulad ni Sky, she has this dangerous aura. actually I really feel that she's more dangerous than Sky! Is that possible? May mas mapanganib pa ba sa babaeng yon?

Matagal ko syang tinitigan, not actually knowing what to think? sino ba sya? at paano sya napunta dito? medyo sumisikat na ang araw kaya mas nakikita ko na ng husto ang buong mukha nya. Hindi nga sya si Sky. pero bakit ang laki ng pagkakahawig nya sa matalik kong kaibigan?

Tinititigan din nya ako. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa utak nya. napaka hirap nyang basahin. walang ka expre-expression ang mukha nya. As in wala lang.

Then she smirk.

Oh my gosh! pareho sila ng ngisi ni Sky!!! who the heck is this girl? And what is she doing here in the middle of nowhere? Is she also a passenger in the bus? Ibang klase talaga at dito pa kami nagkita ng clone ni sky!

Natauhan ako ng magsalita si Charles na nakatayo na pala sa likod ko.

"Hey, I'm Charles and this is Alex." he said extending his hands, he has this calmness in his face but knowing Charles, pinag-aaralan nya ang taong nasa harapan namin.

Tinignan lang ang kamay ni Charles nung kaloka-like ni Sky,and instead of shaking his hands, she crossed her arms over her chest and raised one of her eyebrows.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon