Chapter 14

106K 1.3K 109
                                    



AN

Sobrang ikli nito.. Wala masyadong time ang lola nyo magsulat. But I really have to write this, baka malawa ito sa utak ko s asobrang toxic ng buhay ko. No edits whatsoever. Saka ko na lang ulit babalikan kung may time. So ... Pagpasensyahn nyo na ulit ang UD with so many typo errors dahil sa IPAD ko lang ginawa ito habang nakahiga at patulog na, half close na nga ang mata ko... Bawi na lang ako sa susunod na UD, mas maaksyon na siguro yon... So this chappy is just a filler.... But never the less, i hope that you will still enjoy reading this. Gudnyt people!

Chapter 14

Alex

"HEY!" Chloe snapped her fingers in front of my face. " Earth to Alex, earth to Alex, come in Alex! "

Para akong biglang natauhan.

"Huh. May sinabi ka ba?"

"Wala. Wala akong sinabi. E naikwento ko na ata ang buong talambuhay ko, nakatulala ka pa rin dyan." She said sarcastically.

It's only 8:00 in the evening at himalang maagang umuwi si Dyllan na usually ay nag-s-stay, hanggang 11:00 which is the curfew for all students during weekdays. At eto kami ngayon sa kwarto ko at nagkaroon kami ng time para makapag-bonding. The only problem is, I kept on spacing out. At para nga namang iniiwan ko sa ere si Chloe. Feeling ko tuloy na walang akong silbing cabin mate, considering na nag todo effort si Chloe noong naka bartolina ako, tapos ganito ko sya ginagantihan. Hay nako Alex, mahiya ka naman sa balat mo!

Humiga si Chloe sa tabi ko. There's a look of concern in her face.

"Are you really ok? Parang noong saturday ka pa parang wala sa sarili. Ano ba talagang nangyari sa yo?"

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-get over sa nangyari nung fair. Wala pa din akong pinagku-kwentuhan sa mga kaibigan ko.

True, alam nila na na-capture ako ng football team at dinala sa marriage booth but aside from that, wala na silang alam. Ang kwentu-kwentuhan ay pagkapasok ko sa booth ay todo na ang bantay at wala man lang nakasilip. Kaya wala silang alam kung anong nangyari sa loob.

I tried confronting the football players but they are sworn to secrecy. Kahit na i-threaten ko sila ay walang nangyayari. Hindi naman ako pwedeng mag-amok at medyo cautious na ako ngayon. Nag-papaka-good girl na nga e. Kahit na gustong gusto kong sugurin ang mga kumag na yon and sqeezed the truth out of them ay hindi ko magawa. Napakahirap namang magpaka-tino!

Bingo na nga ako sa Daddy ko tapos eto na naman ako. Mabuti nga at hindi pa sya napapasyal dito. Gusto kasing sumama ni Mommy at ni Adrianne sa pagpunta dito. Kaso biglang nagkaroon sya ng project sa New York at kabilin bilinana ni Mommy kay Daddy na wag pupunta dito ng hindi sila kasama. Nakahinga talaga ako ng maluwag ng malaman ko na hindi muna sila makakapasyal. At least I still have time to think of an outrageous excuse. But i doubt that I can save my ass out of it. Knowing my Dad na imposibleng palampasin nya ito. On the positive side, at least by the time na pumunta sila dito ay malamig na ang ulo nito.

"Ano ba talaga Alex? Did something really happened? Kasi parang palagi kang may iniisip. You can say it to me, baka naman makatulong ako."

I looked at her. Napaka-bait talaga nitong taong to. Minsan nga naisip ko na, hindi kaya madre talaga ito at nagpapanggap lang na estuyante? Sasabihin ko ba kay Chloe? It's not only the kiss that has been stressing me out for the past couple of days and I'm really on the edge right now. Mabuti mga ito that she's offering her listening ear.

"Ano kasi e....... "

Paano ko ba sasabihin ito... NAKAKAHIYA!!

Wow for the first time nahiya ako! Oh my gosh! Nagdadalaga na ata talaga ako a! Hala!

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon