Chapter21

84.2K 1.4K 171
                                    

Date uploaded : may 12, 2014

An... Wala pang second look ito,,, kaya malamang, kung dati maraming typo, mas lalo na siguro it... Mobile lang ako nagtype...


Chapter 21

Red

"Ano bang klaseng lugar ito?" umikot ang tingin ko sa napakalawak at na lugar . Parte ito ng Baguio. Hindi ko lang alam kung saan. Ngayon lang ako napunta dito. Naririnig ko lang ang lugar na ito. At totoo nga ang chismis, maganda nga dito!

"Akala ko ba eskwelahan ang pupuntahan natin? e mukhang park ito! At iyan, mukhang hotel! " itinuro ko ang gusaling nasa tapat namin.

"This is a boarding school and it's one of the best in the world." Sabi sa akin ng lalakeng nagpakilala sa kin na tatay ko "daw" sya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako naniniwala. Pareho lang kami ng kulay ng buhok, tatay ko na daw sya? At ano yung DNA, DNA na pinagsasasabi nila at ibinalandra pa ito sa mukha ko? Pinakita sa kin na match daw kami? Haist! Wala naman akong naintindihan! A ewan!

Napakadaming nangyari simula ng makulong kami galing sa Batangas kasama nung Alex at nung dyowa nya. Paglabas ko ng kulungan ay bigla bigla na lang nagbago ang takbo ng buhay ko! OK lang din naman, hindi naman ako nagrereklamo dahil saksakan ng yaman naman nitong tatay tatayan ko. At least hindi na ako makikita ng humahawak sa akin na sindikato. Pinalibutan din ba ako ng mga bodyguard. Kaloka, mas siga pa ako sa kanila! Sinubukan ko minsan ang kakayanan nila, pambihira, mga lampa! Kayang-kaya kong patumbahin kahit magsabay sabay pa silang sugurin ako.

Pero ok na rin ang lagay ko. Ang iportante, hindi na ako babalik sa dati kong buhay. Kung feeling nito na anak nya ako. E di magpaka anak! At ito pang nakakatawa.. ang totoo ko daw pangalan ay Rhain! Mukha ba akong liquid?! ANG PANGIT! Di ko feel. Hindi ko pinangarap na maging ulan, parang ang lamya. Bagyo pwede pa.

"Tay..."

"Dad.."

Napangiwi ako. Hindi talaga ako masanay sanay na tumawag ng ganon! Na-ko-kornihan ako!

"Iiwan nyo ko dito?"

"This place is secure."

"Taglog please...."

"You can understand me perfectly well. Don't even think that you can fool me again."

Natawa ako. Inaasar ko kasi sya. Kunwari noong una ay hindi ko sya maintindihan. Pinilit pinilit nya tuloy magtagalog kahit bali-baligtad. Ang tawa ko lang, parang engot kasi! Bwahahahaha! Ang hindi ko lang inakala, ay ang taong ito ay hindi lang saksakan ng yaman, napakamaimpluwensya din pala! Hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa iba pang lugar na pinuntahan namin. Bossing na bossing ang dating! Dinala nya ako sa bahay nya sa Romania, at grabe, muntik ng lumuwa ang mata ko. Hindi bahay yon... PALASYO!

Istrikto at parang halimaw pagdating sa ibang tao, pero napakabait ng turing nito sa akin. Kahit pinakitaan ko sya ng hindi maganda noong una dahil ayaw kong sumama sa kanya, ay pinilit nyang mapalapit ang loob nya sa akin. Feeling ko nga prinsesa ako. Pero hindi ko type ang maging prinsesa, malamya! Hindi ako ganon, wala akong pangarap magpaka demure. Kung iyon ang ine-expect nila... Sorry na lang sila!

Bumalik ang tingin ko sa taong pilit na sinasabing tatay ko. Baka naman totoong tatay ko sya ? Pero kung titignana, wala kaming pagkakahawig, maliban na lang talaga sa buhok na pula. Bahala na nga. Sa ngayon ay makiki-ride muna ako sa trip nya, dahil tutuparin nya ang matagal ko ng pangarap. Ang makapag-aral!

"Honey, I've already informed the administration or our arrival." Lumabas sa Admin building ang kasama naming babae na nagprisintang kumausap sa loob.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon