Chapter 9 part 1

114K 995 67
                                    

AN. 

Ito lang ang nakayanan ng Lola nyo, dahil nabura ang buong chapter 9, kaya inulit ko na lang ulit...  dapat may kasunod pa ito pero tinatamad na akong magsulat, kaya to follow na lang yung part 2... 

Sorry.. walang masyadong pangyayari dito. 

Chapter 9 part 1

Zia

"Just hand me the phone Zia. You're paranoid right now. Let me handle this. I promise that I’ll relay to you every detail if your Dad calls." Dyllan said, surprisingly, without sarcasam. His hands outstretched towards me, asking me to hand him over my phone.

Napabuntong hininga ako. Tama sya. Napaparanoid na nga ako. Maya't maya ko tinatawagan ang daddy ko for updates. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni Daddy na kahit panay ang tawag ko ay ina-accommodate pa rin nya.

No show sila Charles at Alex. At dahil sa pagaantay ay doon na ako nag overnight sa cabin nila Chloe at Alex, umaasang darating sila. Magdamag akong hindi nakatulog, pero sumikat na ang araw at kahit anino man lang ni Alex ay hindi man lang nagparamdam.

Dito rin nag overnight si Dyllan, katulad ko ay nagbabaka sakaling makabalik na yung dalawa. Si Dyllan talaga, kahit na feeling presko sya ay halata rin na nag-aalala sya sa matalik nyang kaibigan. I can't blame him. parang kapatid na rin ang turing nya kay Charles. Dito kaming tatlo sa salas nagpalipas ng gabi at si Chloe lang ang nakatulog sa aming tatlo. Paano ka nga naman makakatulog sa ganitong mga sitwasyon?

"You're tired. Just go to sleep and let me handle this. I promise to  wake you up if anything turns up. Baka sa kakatawag mo mahawa ng paranoia sa yo ang Daddy mo" he said with a smirk. Even though he tried to maintain is cool façade, I am sure that  there is compassion in his voice right now. Kahit anong gawin nya, may soft spot din sa puso nya. Or maybe, nagkakapuso na sya ngayong nandyan na si Chloe sa buhay nya? That’s good to know that the ice man is now melting. Or maybe the worst situation brings out the best in him. And with that simple thought brings a smile to my face.

Tumayo na ako at nag-inat-inat.

"You're right. Kailangan kong magpahinga para pagdating nila, may lakas ako para bugbugin sila!"

Dyllan smirked.

"That's the spirit. Akyat na!!" He said.

 He cuddled Chloe closer to him who is sleeping peacefully beside him making a pillow out of his chest. He kissed her lovingly at her forehead at inayos ayaos pa ang buhok ni sleeping beauty.

Tumaas ang kilay ko.

Teka.... gusto lang ata masolo nito ang kaibigan ko e! May pa concern concern pa siyang nalalaman. hmmmmp.

Mabilis akong umakyat sa kwarto at hinakot ko ang comforter at unan ko at nagmamadali akong bumaba ulit sa salas... akala nya a...

"I thought you're going to sleep?" Nagtatakang tanong ni Dyllan ng makarating ulit ako sa baba.

"Oo. ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? maliligo?"

Inurong ko ang center table sa gilid at inilatag ko ang comforter sa sahig. Umakyat ulit ako at kumuha ng mga kumot at inayos ng mabuti ang higaan. pagkatapos non ay niyugyog ko si Chloe.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon