Chapter 11

110K 1.1K 77
                                    

This chappy is for miss21night , thank you thank you sa pagtulong mo sa kin para sa profile ni vince dahil hindi ko maharap sa sobrang ka-bzhan ko. THANK YOU!

Chapter 11

Alex

"Nababaliw na ako!!!!! AAAAAAAAAARRRRRGGGGGG!!!!!!" I let out all my frustrations. Wala naman akong ibang magagawa kundi sumigaw!

Mag-iisang linggo na akong naka-exile dito sa cabin. At nababaliw na ako! Si Chloe pinalipat muna ng admin sa cabin ni Zia, baka daw ma-contaminate ko sila at ayaw ni headmaster na kumalat ang infectious disease ko sa buong campus. Yeah right. My imaginary infectious desease.

Well, at least this is a small price to pay for not being expelled. Mabuti na rin ito, kesa naman na tuluyan na ako may-goodby sa pinakamamahal kong alma matter. Kung isolation lang, kayang kaya ito ng powers ko.

Haaaay, kaya daw, hindi na nga ako mapakali at gustong gusto ko ng magwala!!! 

Dalawang araw na lang ang isolation ko at bibisitahin na ako ni headmaster with the school physician to finally give me clearance. I CAN’T WAIT!!!!

Lahat ng ng mga requirements ko sa mga subjects ko naka email itong lahat. Pero mga assignment and projects lang. Bahala  akong mag-research. Kakainis talaga! Ang hirap magresearch dahil sobrang alien ng mga subjects ko! Nasisira na nga ang ulo ko kaka-self study.

But one good thing that came up from all this madness is.... I found Josh!

One time, I was impatiently waiting for a call or text man lang kay Charles. Syempre naman… hehehe… aaminin ko… NA-MI-MISS KO NA SYA!

Ever since nakabalik kami ng falcon, wala man lang akong naging balita sa kanya. Konti na lang babasagin ko na ang cellphone sa kakaantay mag-appear sa caller ID ng pangalan ni Charles! Masyado ba syang busy? Hindi man lang maka-text kahit hi.. man lang?

Na-mi-miss ko kasi yung bong araw kaming magkasama. Two days ko lang syang kasama, para namang naging dependent ako sa kanya. What happened to the very independent me?

Tinatamaan naman ako ng hiyang tumawag, baka sabihin ni Charles na may gusto ako sa kanya!

Hmmmmm… wala nga ba? E bakit hindi ako mapakali?

A ewan!

Kaya si Josh ang napagbalingan kong kulitin. Tinawag tawagan ko kahit alam kong for the past few weeks ay wala man lang na kahit na isang text akong natanggap sa kanya. Sa wala akong magawa at sya ang gusto kong pagtripan.

I was randomly texting and calling him out of boredom. Wala lang talaga ako magawa. Kaya ayun... tawag dito, text doon.... Hindi ko naman ine-expect na for the 535th time na tinawagan ko sya ay sasagutin na pala nya!

“JUNG HWA!!!”

“Does it occur to you that whenever someone is not answering your phone or your texts means that they don’t want to be disturbed? What’s with the 1,865 missed calls for the past 2 days?! At may gana ka pang tawaging akong Jung Hwa?”

Ooooppppsssa! Sorry naman… nabigla lang. ang sungit!

“Joshua naman… miss na kita e! si Chloe lang palagi kong kausap. I’ve been isolated here for almost a week! Can you believe that?!”

“Serves you right for taking advantage of my gadgets.”

Huh? Pano nya naman yon? May mata ata ito everywhere.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon