Ano ang meron sa Mapayapa National High School? Well... There's nothing unusual. It's just a school in the middle of the city, maganda ang kapaligiran, pinalibutan ang campus ng maraming malalaking kahoy; maganda ang simoy ng hangin. Maraming mga estudyanteng nakaupo sa ilalim ng kahoy, nag aral sa kanilang leksyon; may mga estudyante kang makikita na gumagawa ng kanilang assignment, may mga estudyante naman na nangongopya.
At during afternoon, mga magkasintahan naman ang makikita mo sa labas ng paaralan. Nag de-date, nagtitigan na parang wala ng bukas. I kept on wondering bakit sa labas pa ng paaralan when there are nice parks and malls to spend their quality time together. Hmmm... Seguro, nagtitipid? O sadyang romantic lang talaga ang paligid ng paaralan? With all the tall trees, the fragrance of the flowers, ang ang taglay na kagandahan sa bawat school buildings, kulay puti at ivory para itong palasyo. Sa gilid naman ng gate, may mga estudyanteng tumatago, parang nag hide n' seek, binabantayan si guard at disciplinarian para malanghap lang ang malaparaisong usok sa sigarilyo.
Guard: Hoy! Kayo! Anong kalokohan ang pinag gagawa nyo dyan? Ilag beses ko na bang sabihin na bawal ang sigarilyo sa campus?!
Student: kuya naman... I consider mo na lang kami, tutal wala namang nakakita. O! Eto, may dalawang stick pa ako. Baka gusto mo?
Eto ang kadalasan mong makikita sa labas ng paaralan. Kung papasok ka naman sa loob, makikita mo ang mga basketball varsity na nag practice sa gymnasium. Sa gilid naman; mga dalagitang binigo ng kanilang tadhana.
Nakatingin, nangangarap na sana'y ligawan sila ng kahit isa lang sa mga basketball players. What's with these guys and girls? As long as basketball player-kahit mukhang tipaklong as long as basketball player, ok na!
Sa stage naman, halos araw-araw nag a-argue ang mga miyembro ng English club at Filipino club Kung sino ang makagamit ng stage, ayaw nilang maabotan ng 6 PM na nasa paaralan pa.Sa pagsapit ng gabi... Ang lahat ng ito ay nagbabago. Ang aura ng campus na puno ng buhay at kulay ay didilim. Tahimik... Nakabibinging tahimik. Tanging tinig ng mga dahon, na dahan-dahang nahuhulog sa puno lang ang maririnig... Tinig ng hangin na humahaplos sa pisngi ng mga matatapang na may balak pang pumasok sa pitong-dekadang paaralan.
Ang masayang covered court ay nababalutan ng mga pighati at kalungkutan na kahit kailan man ay di kaya tapatan ng anong kaligayahan na maigbigay ng buhay.
Sa ladies comfort room naman na kung saan puno ng tawa at usap-usapan tungkol sa mga puso na napatibok sa pag-ibig ang maririnig tuwing umaga. Sa pagsapit ng hating gabi, si gitna ng nakakabinging tahimik, may mariring kang humahagolhol, minsa'y umiiwak... Mga pusong nawasak sa pag-ibig. Mga nilalang na napaasa sa mga matatamis na salita; salitang-hangin lang pala. Napagising sa katotohanan na mas masakit pang kumapit sa hangin kaysa sa patalim.Kahit ang court, mga classrooms, music studio, principal's office ay may nagpaparamdam.Sabi ng mga matatandang naninirahan malapit sa paaralan; ang paaralan daw ay saksi ng napakaraming trahedya, at may madilim na nakaraan, kaya bawat sulok dito'y may maraming alamat na nabubuo. According to the people living around the school, ang Grade 11 Mozart ng Music class is haunted. Every midnight they can hear someone humming and whistling kundiman songs at sasabayan ito ng pag rock ng rocking chair. Well, there's nothing new about that, pero ang huling estudyante na nakarinig sa humming ay biglang naglaho at natagpuan na wala ng buhay sa kanal ng school. Walang guard sa Mapayapa National High School. 7:00 PM pa lang ay nagta-time-out na sila, wala rin mga masasamang tao na may tangkang magnakaw sa paaralan tuwing gabi, karamihan sa pagnanakaw ay nangyayari tuwing umaga dahil takot sa mga urban legends regarding sa school. Sa umaga, ito'y isang urban legend lamang na ginawang entertainment ng mga tao... But during night time these legends become nightmares.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Mapayapang Paaralan
HorrorEvery campus has its own ghost stories to tell. Woman in white flashing through the old school building; crying and shrieking can be heard at the old school chapel. Mapayapa High School is not your typical haunted school. It's the only school that d...