Chapter 3- Tuwing maghahating gabi

1.4K 24 2
                                    



"Blag! Blag! Blag!"
Mga katok na narinig ng mag-amang Julio at Abegail na nakatira sa bahay malapit sa Paaralan ng Mapayapa.

Mang Julio: Abegail! Buksan mo ang pintoan... May tao.

Si Abegail ay isang mabuting bata at masunurin, sa pagsigaw ng kanyang ama sya'y naghuhugas ng pinggan. Di nya ito natapus at nagmamadaling binuksan ang pinto dahil sa matinding takot nito sa kanyang ama.

Takot syang magalit ito, baka mag ala-demonyo ang ugali nito at sasaktan na naman sya.
Minsan sinaktan sya ng kanyang ama; na napuno ng pasa ang kanyang katawan. Isang linggo syang nakahiga, at di makatayo. Nagdadasal na sana'y kukunin na sya ng Panginoon at tapusin na ang buhay na puno ng paghihirap.

Binuksan nito ang pinto...

Pero nakita nya na walang tao, mga malalamig na hangin lang na humahaplos sa kanyang mala inosenteng mukha.

Abegail: Pppaaa(nanginginig sa takot.)Paaappa... Pa... Papa... Walang ttt... Tao.

Di kumibo ang ama. May hinahanap ito... Foil at lighter. Kinuha nya ang maliit na sachet sa kanyang wallet na naglalaman ng kanyang itinuturing kayamanan-mga munting bato na nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan.
Sinindihan nya ang foil na may bato. Hinigop ang usok na lumalabas sa bato. Ipinikit nya ang kanyang mga mata... At pagbuka nya'y lumutang na sya sa kataas-taasang ulap.

"Blag! Blag! Blag!" Mas lumakas ang ingay sa pagkatok at lubos itong ikinagagalit ni Mang Julio dahil na istorbo sya sa kanyang pinag gagawa.

Mang Julio: P***ng ina ka talaga Abegail! Sagutin mo yan kung ayaw mong makakatikim sa akin!

Tumakbo ang dalagita patungo sa pinto , iniwan ang kanyang ginagawang pagpapa plantsa sa damit, binuksan nya ito. Hinawakan ang door knob sa sobrang payat nyang kamay.

Subalit...

Wala pa ring tao...

Nagsimula na itong umiyak at nagmamakaawa na itigil na ang pagbibiro dahil ayaw nitong masaktan.

Akala ni Abegail na may mga batang nagbibiro sa kanila, ayaw nyang maistorbo ang kanyang ama sa mga illegal nitong ginagawa, dahil pag ilalim ito sa hawak ng droga, malilimutan nyang may anak pa sya, at minamaltrato syang parang aso. Minsan pinapaso ng plantsa, sinusuntok, at pinapalo ng bakal na tobo.

Abegail: Parang awa nyo na... Huhuhu...itigil nyo na po ito.

Bumalik sya sa loob ng kanilang bahay at nagtago sa ilalim ng kama, doon sya nanginig.

"Blag! Blag! Blag!" Mas malakas na ang pag katok na parang hinampas na ng mabibigat na bagay ang kanilang pintuan.

Mang Julio: Abegail!!! Makakatikim ka na talaga sa akin! Nasaan ka? L*tseng batang to!!!

Kinuha ang plantsa na omuusok pa sa init at kinuha nito ang bakal na tobo.

Mang Julio: mamaya ka lang Abegail! Uunahin ko muna itong nasa pintuan!

"Blag! Blag! Blag!" Umingay na naman.

Mang Julio: P***ng ina! Teka lang... Parating na ako.

Binuksan nya ito...

At laking gulat nya sa kanyang nakita... Nanigas ang kanyang katawan...

Mga malalamig nitong pawis na dumadaloy sa kanyang noo, patungo sa kanyang bibig.

Nakita nya sa harap ng kanilang pinto...

Nakatayo...


Isang paring pugot...

Ang Lihim ng Mapayapang PaaralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon