Chapter 4: The Beginning

1.1K 23 0
                                    

Maraming nagtanong kung bakit nababalot ng kakaibang Hiwaga ang paaralan ng Mapayapa National High School. Maraming lumabas na iba't-ibang bersyon nito, pero kahit sa gitna ng napakaraming bersyon, lumalabas rin ang pangalan ng dalawang tao. Si Don Guillermo Salvador at Padre Santiago Montalvan.

Ika 14 ng Hulyo 1880

Nagkaroon ng napakalakas na lindol na yumanig sa karamihang bayan ng Luzon. Tumakbo si Guillermo, dinala nya ang dalagitang nagngangalang Cecilia patungo sa lamesa, at doon sila nagtago habang ang buong paligid ay niyanig ng lindol.
Si Cecilia ay sekretong kasintahan ni Don Guillermo, anak ng kanilang Kasambahay. Minahal ito ng labis ng binata at pinangakuan na dalhin nya sa Englatera upang doon pakakasalan, mahigpit na ipanagbabawal noon na magkarelasyon ang dalawa dahil sa katayuan nila sa buhay.

Matapos ang lindol lumabas si Don Guillermo upang tayahin ang pinsala na dulot ng lindol.

Nakita nya ang libingan ng kanyang mga pamilya at kasambahay, nasira, nadamay rin ang Musoleyo ng kanilang lolo't lola. Tinawag nya ang isa sa kanyang kasambahay na si Procorpió.

Don Guillermo: Procorpió maghanap ka ng mga tao at ipapaayos mo ang libingan.

Naghanap si Procorpió pero wala syang nakita. Nagsimula nang dumilim ang paligid kaya ipinag paliban na lang nila ang paghahanap.

Sa gabing yon, bago natulog, nag-alay ng pagdadasal si Don Guillermo sa kanyang yomaong mahal sa buhay. Binuksan nya ang bintana upang pagmasdan ang buwan at bituin. Bilog ang buwan sa panahon na yon, bilog ito  at masinag. Natukso syang lumabas at pumasyal sa kanyang lupa.

Naglakad sya patungo sa simbahan katabi ng semeteryo. Dala-dala nya ang kandila. Gusto nyang magdasal dahil magulo ang kanyang isip sa panahon na yon. Pagdating nya sa simbahan, bigla syang nagulat sa nakita niya.

Don Guillermo: Dios Mio!!!  Qué clase de maldad es ésta? (Diyos ko!!! Ano bang klaseng kasamaan to?!)

Isang babaeng naka itim, nakaluhod sa altar, humahagolhol.
Marami nang nakapagsabi na may nagpaparamdam daw sa simbahan malapit sa libingan ng pamilya Mapayapa.
Hindi naniniwala si Don Guillermo sa mga sabi-sabi hanggat wala syang nakikita, pero nag iba ang kanyang pananaw nang gabing yon.

Nilakasan nya ang kanyang sarili upang lapitan ang nakaitim na lumuluhod. Kumuha sya nga kahoy at lumang damit, binuhusan ng gasolina, sinindihan ito at lumapit sya sa simbahan upang makitang maigi kung sino ang nakaitim; ito ba ay totoong multo o tao lang na gumagawa ng masamang biro.

Sa paglapit nya muli sa simbahan, nawala na ang babaeng nakaitim. Pumasok sya dito at kinuha nya muli ang kandila, sinindihan, at lumuhod... Nag dasal.

Don Guillermo:

Ave María llena eres de gracia,
(Hail Mary Full of Grace)
El señor está contigo,
(The Lord is with you)
Bendita eres entre las mujeres
(Blessed are you among women)
Y bendito es el fruto de tu vientre Jesús.
(And Blessed is the fruit of your womb, Jesus)

Bigla humangin ang buong simbahan, namatay ang lahat ng ilaw Ng kandila. Bigla syang may narining na malamig na boses, katabi nya.

Santa maria madre de dios,
(Holy Mary Mother of God)
Ruega por nosotros pecadores...
(Pray for us sinners)
Lumingon sa kaliwa si Don Guillermo

Ang Lihim ng Mapayapang PaaralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon