Chapter 8: A Letter to Athena

445 10 3
                                    

Prologue
Naalala ko noon, nang nag bakasyon ako sa Manolo sa kalagitnaan ng Septembre.

Oo, Septembre... dahil sa panahong yun maraming mga di ka nais-nais na pangyayari ang nangyari sa aking buhay.

Una, nakita ko ang aming ka klase na tumalon sa ika tatlong palapag ng aming paaralan.

Naalala ko pa ang amoy ng dugo...

Mga estudyanteng nagkagulo...

Ilang linggo matapos ang pangyayari, nagkahiwalay ang aking mga magulang.

Ang nanay ko'y pumunta ng Canada at nag trabaho bilang Nurse at ang tatay...

Ang aming tatay, wala na kaming ideya tungkol sa kanya. Sabi nila, bumalik daw sa Dubai at binalikan ang kanyang trabaho bilang Engineer.

Pinilit kong magpakalakas at magpakatatag pero sa huli, bumigay ang aking katawan at mas lalong lumala ang aking asthma.

So...

Advice ng doktor ay magpahinga muna ng at least dalawang buwan.

Di bale na kung bagsak ako sa klase, babawi lang ako next year.

Mas pipiliin ko pa ang bumagsak sa klase kesa babagsak ang aking katawan.

So yun, umalis kami from Manila at nagtungo sa Bukidnon.
.............................................................................
Bagong Mundo

Naalala ko pa noon, nang dumating ako sa bahay ng aking tita, nagbigay babala sya sa akin tungkol sa pagpunta sa sapa sa loob ng gubat.

Ayon sa kanya, marami daw'ng engkanto ang namamahay dito.

Pero sa kagandahan ng lugar, di maiwasan na mabibighani ka.

Higit na tuwing umuulan,

Mga maliliit na bolang tubig na nahuhulog sa langit,
Tuwing umuulan, karamihan sa mga bata ay nagkukulong sa kanilang bahay,

pero iba ako...

Ayoko!

Lumalabas ako sa bahay upang maligo at malunod sa malalamig nitong tubig,

Mga tubig na dumadampi sa aking pisngi at tumotulo sa aking mga labi na para ko na ring hinahagkan ang langit.

Ilang minuto ang nakalipas, sinundo ako ng aking mga kaibigan.

Nagsitakbuhan kami at naglaro sa mga putik, sa tubig-baha.

A few minutes,

The place was covered with fogs.

Ang malalamig na ihip ng hangin pa para kang niyayakap at dinuduyan,

At ang ulap, na minsan, sinasayawan ng kidlat at sinasabayan ng mala drums na ingay ng kulog.

Habang naglalaro sila, lumayo ako upang pagmasdan ang kalikasan na naligo sa tubig-langit.

Tinititigan ko ang gubat, may maraming magagandang bulaklak, mga magagandang puno na para akong tinatawag nito.

Tumakbo ako pumasok sa makapal na gubat.

Nakalimutan ko ang babala ng aking tita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lihim ng Mapayapang PaaralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon