Chapter 5: Requiem

904 12 1
                                    

Sikat na Paranormal Investigator si Sergei Felipe. Napuntahan na nya ang iba't-ibang haunted places dito sa mundo.

From Waverly Hills Sanitorium sa USA, Tower of London sa UK, La Isla de la Munecas Mexico, at Edinburg Castle.

Ang Ghost Hunting ay kinalilibangan sa grupo ni Sergei at pinagkikitaan din nila ito.

Dala-dala ang kanilang camera at recorder, ang lahat na makukuha at maririnig nila na kakaiba ay ina-upload nila sa kanilang web series... Minsan pini-peke pa nila ang ebidensya.

Castle Morte

Naglakad si Sergei habang sinundan ng camera.
Kasama nya ang mga psychic at paranormal investigator.

Pinakita nya ang kanyang thermal detector sa harap ng nightvision camera.

Sergei: Tagasubaybay, tingnan nyo ang thermal detector, may na detect tayong heat, itong orange at green na nakita nyo. Meron din nadetect ang ating kasamahan na strong magnetic signal dito, indikasyon na posibleng may paranormal presence malapit lang dito.

Bumaba sya sa hagdanan, patungo sa torture chamber at kulungan.

Sumenyas sya kay Alphonse at nilagay ni Alphonse ang recorder sa haligi malapit sa kulungan.

Kinuha ni Sergei ang remote at may pinindot sya, at biglang may narinig silang humahagolhol.

Nakangiti si Sergei at inutusan ang cameramen na i-focus sa kanya ang camera.

Sergei: Shhh... Mga tagasubaybay, narinig nyo? Ang faint sound... May humahagolhol.
Alam nyo ba na dati, ito ay isang kulungan at torture chamber?
Dito rin nakulong ang isang mangangalakal na si Filbert Cooper na kinasuhang nagtaksil sa pamahalaan, at sinentensyahang sunugin.
Pero...
Bago sya sinunog, naranasan muna nya ang torture which lasted for 1 week...
Hanggang ngayon, ang kanyang mga sigaw, iyak, at mga hagolhol at maririnig pa dito. Gaya ng narinig natin kanina...

Pag turn-off sa camera, ang dating nakakatakot at solemn na atmosphere ay napalitan ng hiyawan at palakpakan sa ginawang drama ni Sergei.

Lumabas sila kastilyo habang niligpit ni Sergei ang kanyang gamit.

Hinarap sya ng caretaker ng palasyo at kinompronta.

Caretaker: Sir, Don't you dare make fun of this castle as if you're in an amusement park. There are spirits here that are very malevolent when disturbed. What you've done a moment ago is mockery to them and they take jokes seriously.

Once awakened...

They will stop at nothing to destroy you...

They will come for you...

Pero di Ito pinakinggan ni Sergei, ang importante, ma upload nya ang videos at magkapera.

Di alam ni Sergei na Ang caretaker ay isa rin palang kaluluwang di makakahanap ng katahimikan.

La Isla de la Muneca, Mexico

Sergei:
Guys, focus ang camera sa akin.

Rino ang thermal detector, dapat mainit na para mapapaniwala natin sila na may multo!

Ang Lihim ng Mapayapang PaaralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon