September 5, 1994
Isang transferee student si Catalyna galing probinsya. Matalino, masipag, at mapagkatiwalaan-ang katangiang labis na ipinag malaki ng kanyang guro. Isang first year at consistent honors student, outgoing at maraming kaibigan,pero mula nang naghiwalay ang kanyang mga magulang, tila nagbago sya bigla. Naging loner, tamad, and her academic performance became bad. So they decided to transfer her to another school. At pumayag naman sya.
Catalyna: I just want to rest! I'm tired of this!
Mrs. Mendez: That's why I'm sending you Sa bahay ng tita mo para maka pagpahinga ka. Nandoon ang pinsan mo, si Lily, she can help you.
First day of school, bago ang environment, sinikap ni Catalyna na maka-adjust. Sinikap nyang makinig sa kanyang mga guro, pero kahit pinilit nya, di parin niya kaya. Laging iniisip niya if magkabalikan pa ang mama at papa niya. Pagkatapos ng klase, tinawag sya ng kanyang pinsan.
Lily: Cous! Tara! Uwi na tayo!
Catalyna: Cous, mauna ka na lang, susunod lang ako.
Lily: Oi... May date ka noh? Aiyeee! Oi! Isang araw ka pa lang dito at may nakilala ka na ha.
Catalyna: Wala. I just want to think. Sa lugar na matahimik. Gusto ko munang mag-isa. I'll be home at 6 PM.
Lily: take care cous!
Pumunta si Catalyna sa isang bench, nag-isip, nag-iisip kung bakit pa nagkahiwalay ang kanyang mga magulang. Sinisi nya ang kanyang sarili na kung bakit wala syang nagawa? Sa lahat na parusa na kayang maibihay ng tadhana, bakit yun pa. Dahan-dahan nyang naramdaman ang mga maiinit na luha tumulo sa kanyang mga pisngi, mga luha na may dalang malaking pag dalamhati, umiyak sya na parang isang batang naulila.Ang basketbolista
Habang papauwi na si Catalyna sa bahay ng kanyang Tita; palabas sa campus, biglang nag ilaw ang basketball court, may sigawan na narinig si Catalyna. "Execute planting rice, 30 repetitions and jog around the covered court! Move! Move! Move!" Lumapit ang dalagita para tingnan ang mga pangyayari.Nang malapit na ang dalagita sa court, sinalubong sya ng isang bola at muntik na syang matamaan. Buti na lang nailagan sya at suddenly, may isang binata na basketbolista na lumabas sa court para kunin ang bola. Si Clyde, isang varsity at shooting guard sa grupo. Di masyadong mataas, 5'9 ang height, matipuno ang katawan, maputi ang kutis ng balat, matangos ang ilong at may ngiting nakakabighani. Kinuha nya ang bola at biglang lumapit kay Catalyna.
Clyde: Miss! Sorry po!
Catalyna: Ok lang! Di naman ako natamaan.
Clyde: Buti na lang. Pasensya na po. Pangako, do-doblehin na namin ang aming ingat, di na po ito mauulit.Basketball Player:(Sumigaw) Hoy Clyde mamaya ka na mang chicks! Wag mong hintayin na magalit si coach o 50 push-ups ang makukuha mo!
Clyde: O miss, aalis muna ako; practice! O nga pala, ako si Clyde (Tumitig sa mata ni Catalyna at ngumiti) at ikaw naman si?(sabay abot sa kamay ni Catalyna para kumustahin.
Catalyna: (tulala) ahmm... Ako... Uhh... Ahmm... Ako nga pala si...
Basketball Player: Hoy Clyde! Nagbilang na si Coach! Lagot ka pag aabot ito ng sampu!
Clyde: Miss pangalan mo?
Basketball Player: (pasigaw) 8... 7... 6... 5...
Catalyna: Catalyna name ko.
Pero wala na si Clyde tumakbo na. Lumingon si Clyde at sumigaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/95306046-288-k87499.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Mapayapang Paaralan
HororEvery campus has its own ghost stories to tell. Woman in white flashing through the old school building; crying and shrieking can be heard at the old school chapel. Mapayapa High School is not your typical haunted school. It's the only school that d...