KaithlynHinila ko na si Joy dun sa lalaki kanina. Sayang yun ah? Kung ako siya nako! Kukunin ko na jacket nung lalaki, Pero char Lang HAHAHA. Ayoko nga gawin yun -.-
"Lynnn!! Joyyy!! Tara picture tayo ditoooo!!" Sabi ni Audrey.
"Papunta na po kamiii!!" Sabi ko naman.
Umakyat kami doon malapit sa lion. At nagpicture picture kami dun, at nilabas na ang phone ko. Pagkatapos namin mag selfie doon. Tumawag ako ng isang Tao dun. Sabi ko ;
"Ah.. Ate!! Papicture naman po kami doon po.. Salamat!"
"Guys!! Umayos kayo!! Pi-picturan tayong lahat." Sabi ko sa kanila at biglang lumapit saakin yung dalawa.
Sino pa ba? Edi si migs at yohann. Kung baga nasa gitna nila akong dalawa.Nang matapos kaming picturan. Sabi ko sa kanila
"Solo ko naman!!" At tumabi na sila. Nag pose pose ako dun sa taas. Alam kong nakatingin na saakin yung mga Tao. Pero wala akong pakielam. Hahaha.
"Hoy! Tama na yan! Ang dami na!" Sabi ni Audrey. At bumaba na para kuhanin ang phone dun sa babae kanina. At nag thank you.
Pumasok na kami sa kotse at umupo na ako ng maayos. Binuksan phone ko, tinignan pictures ko. Waah! Ang Ganda ko dun sa pic! Hahaha. Tinignan ko isa isa yung pictures nang mapansin ko yung isang picture na may Tao sa likod. Photo bomer yun ah! Zinoom ko at Nakita ko. Si migs yun ah!?
Tumayo agad ako sa kotse at nagsalita. "Migs!!!!" Sabi ko. At napa lakas ata ang sabi ko? medyo nagulat si Audrey eh? Na katabi ko ngayon...
"Bakit??" Sabi niya habang tumatawa siya. Silang lahat tumatawa. Ano bang pinaguusapan nila?
"Photo bomer kaaaaa!?"
"Saan? Hindi naman ah?" Sabi niya at nilabas phone ko. Pinakita sa kanya yung picture. Tapos ni-swipe niya. Nakita ko sa isang picture din si Yohann naman ang photo bomer...
"Halaaaaa!! Ang dayaaaaa!! Ang Ganda ng pose ko dun eh??! Photobomer kayoo?!!" Sabi ko kay Yohann naman at tumawa lang silang lahat.
"Sige magkampihan lanh kayo lahat. Ganyan naman kayo lagi eh." Sabi ko sa kanila at bumalik na sa inupuan ko. Tumayo kasi ako.
"Manong? Malapit na ba tayo sa bahay?" Tanong ko sa driver namin.
"Malapit na po tayo mam." Sabi naman niya.
At napansin kong nananahimik sila ah? Bakit kaya? Pfftt.
"Nandito na po tayo." Sabi ni manong. At nakaiglip ata ako? Hahaha. Tumigil na ang kotse at nauna na kong lumabas. Kinuha ko narin ang mga gamit ko. Nang biglang lumapit saakin si Migs.
"Cha.. Ako na magdadala ng gamit mo." Sabi niya.
"Ako na. Thank you nalang." Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay. Mas maganda pala sa loob ng bahay. Sa labas kasi, Ang daming flowers. May garden din ata sa likod. Parang may naaalala nga ako dito sa bahay eh. Parang napuntahan ko na :)
Umakyat na ako. At Nakita ko yung isang kwarto. Color light purple ang walls. And I know this is my room :)
Ni lapag ko na ang gamit ko at. May nakita akong terrace, lumabas ako dun. Tama nga ako. May garden nga sa likod ng bahay. Kitang kita dito. Ang Ganda. Sana dito nalang kami nakatira hahaha. Tapos may swimming pool din sa right side. Ang lamig lamig na nga may swimming pool parin? Hahaha Baka hot spring naman kasi yun. Pfftt. Haha. Kinakausap ko nanaman sarili ko.
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionSi Kaithlyn Chandria Ay Hindi parin makapag move-on Kay Cyan. (Ung first love niya). At Habang nalulungkot sa nangyari si Kaithlyn dun sa pag lipat ni Cyan ng school. Naroon naman ang kanyang bestfriend na matagal na palang may gusto sa kanya. Palag...