Birthday Girl

8 2 0
                                    

Chapter 30

Kaithlyn

Nagising ako dahil biglang nag ring yung alarm ko. Tss. Panira naman ng umaga yan. Ang ingay ingay. Ganda ng tulog ko ginising pa ako. Saka bakit pala tumunog yan? Eh hinfi naman ako nag set? Haayyy... Makatayo na nga. Pumunta na ko ng cr at nag ayos. Bumaba narin agad ako. May nakahandang breakfast na sa baba. Kaya kumain na ako, Pero bago yun. Naalala ko.. Nasaan ba sila? Tulog parin sila? Eh? Di nga? Halos 11:00 na, tingin ko sa wall clock...

At Saka. Bakit Ang bango dun sa kusina? Hala Ang bango. Parang mas gusto ko yun kainin kaysa sa nakahandang pagkain dun sa lamesa. Pumunta na akong kusina at Ang dami nilang niluluto, anong okasyon ngayon? Don't tell me??--

"Oh.. Nak anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nanang.

"Ah.. Eh.. Nang? Anong meron? Bakit Ang daming niluluto?"

"Nak.. Pasko ngayon nakalimutan mo ba? Saka syempre birthday mo.." Sabi niya at nag smile.

"Merry Christmas and Happy Birthday nak.. Dalaga ka na talaga.." Sabi niya.

"Omo! Thank you po Nanang! waahh!! Buti naaalala niyo parin po birthday ko!" Sabi ko

"Bakit ko naman kakalimutan ang birthday mo? O'siya... Mamaya may ibibigay ako na regalo sa iyo.. Kumain ka na at mag ayos para mamaya. Parating narin ang mommy at kapatid mo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon. Na excite agad ako. Binilisan ko na kumain at umakyat na kaagad. Lumabas ako para katukin si Joy sa kwarto nila ni Audrey. Magkasama kasi sila sa isang room. Tapos si Yohann at Migs naman magkasama rin sa isang room. Binuksan ko na yung pinto at, walang Tao sa loob. Hala nasaan kaya sila? Gumala sila? Daya naman... Hindi ako sinama. Pumasok ulit ako ng kwarto ko at pumunta sa terrace nag pahangin. Ganito ako palagi sa umaga simula nung pumunta Kami dito. Tuwing umaga nagpapahangin ako. Sa gabi rin. Pero minsan lang kasi baka mahamugan ako. Ang sarap talaga ng hangin dito... Sabi ko at narinig ko sa labas bumukas yung gate sino Kaya iyon? Hays... Sabi ni Nanang mag ayos na daw ako. Makaligo na nga...
Pagkatapos ko maligo. As usual parang dati. Nasa harap nanaman ako ng drawer ko. Nag iisip kung ano ang susuotin. Mag d-dress ba or, short. Pants ba or palda? Pero parang mas gusto ko mag dress eh hehe. May Nakita na ako! Dress siya. Color red simple lang siya. Then sa bewang may ribbon. Waahh! Ang Ganda nito. Ayos na ito! Ito nalang susuotin ko. Then pumili pa ako ng isang dress. Long sleeves naman siya sa color pink. Heart pattern naman siya. Ang Ganda rin.

Pagkatapos ko mag suot. Nag make up narin ako. Pero light Lang :) Gumamit lang ako ng mascara, eye liner, unting foundation, then pink lipstick. Wow, Ang Ganda ko na. Hahaha. Yung sa buhok ko naman. Ano Kaya bagay? Lugay or Pony. Uhmmm.. Maglulugay nalang ako, mas bagay saakin yun eh :) Pagkatapos kong ayusin buhok ko. Naglagay ako ng earrings at bracelet. Meron na akong ring, kaya hindi na ako maglalagay. At yung kwintas? Hindi narin ako maglalagay. Baka may magregalo saakin. Yun nalang susuotin ko, Nag perfume narin ako. pagkatapos nun. Tinignan ko na yung sarili ko sa salamin. Yun! Perfect! I'm donee!

Habang tinitignan ko sarili ko. May biglang kumatok, at Sabi ko Lang

"Yes??"

"Nak.. Baba ka na. Nandiyan na silang lahat." Si Nanang pala iyon.

"Bababa na po ako!" Sabi ko naman.

At biglang nakaramdam ng kaba. Hala. Bakit ngayon pa? Hays. Kinakabahan talaga ako :< Kinuha ko na yung purse ko at lumabas na ng room. Shet. Alam ko pagbumaba ako ng hagdan nakatingin sila lahat saakin eh. Well, ginawa ko na ito dati pero, ngayon bago to eh. Nandito sila Yohann.. Sila Joy, Migs.. Audrey.. Kumpleto sila. Ay hindi pala wala si papa.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon