EPISODE 01, SEG 01: I Am Sleeping Beauty

21 4 3
                                    


Sabi nila, life is not a fairytale na merong fairy God mother, prince charming, evil witch, and crazy storyline na laging merong happy ending. Despite that harsh reality, naniniwala pa rin ako na posible ang magkaroon ng fairytale life and ending. Sa situation ng buhay namin ngayon, mainam ng tumingin ako sa positive side ng mundo kesa naman magmukmok sa isang sulok.

Ako nga pala si Lady Cruz, 23 years old, simpleng babae lang na merong Narcolepsy or excessive drowsiness. Minsan naiisip ko kung kay Sleeping Beauty ba ako ipinaglihi ng parents ko, kasi naman, ilang balde na ng kape yung iniinom ko pero walang epekto. Kahit saan, kahit kalian, kahit papano basta datnan ako ng antok... Nako! Sure knockout ako. Naiisip ko nga rin minsan, sana one time, pagdilat ko may prince charming nang nakaabang sa akin para manggising sa pamamagitan ng isang masarap at mahabang halik. But then I realized, sa fairytale lang nangyayare yun, nasa reality nga pala tayo. Gising Lady!

Having Narcolepsy is strange and mahirap lalo na when you're on the peak of an urgent matter, last time naalala ko nung nag-aaral pa ako nung college. Hirap na hirap yung mga thesismates ko sakin since I am not able to finish all my tasks well dahil sa sobrang tulog ko. "Lady, tapos ka na ba sa mga research ng mga theories sa study natin. Lady, we're in a hurry na! Please wake up!" Sabi nung isa kong ka-thesismate but then I can't wake up kasi I am in deep sleep. "Sanya, anak, basain mo ng malamig na tubig si Lady para magising." Hiyaw ni papa nung narinig niya yung struggle ng mga thesismates ko. Cold water is all I need para magising ako, I don't know why pero whenever na mabasa ako ng malamig na tubig immediately magigising ako sa katotohan ng mundo.

There is also one instance sa MRT habang pauwi ko from one job interview. "Maam, na sa last station na po tayo, gising na po." Pero wala akong imik, nagulat nalang ako pag gising ko nasa bahay na ako. "Nasan ako!? Tulong!" napahiyaw ako sa sobrang takot dahil nagising ako sa isang madilim na lugar. "Anak! Andito ka na sa bahay. Tumawag ang MRT staff sa akin, di ka daw nila magising." Hiyaw ni papa habang binubuksan yung ilaw ng kwarto ko. "Naku! Buti nalang mabait yung naka-assign na guard kanina at naawa sayo! Malamang kung iba yun, nakatambay ka ngayon sa parking lot ng MRT." Pabirong sabi ni papa habang umuupo sa tabi ko.

Buong buhay ko, si papa na ang nagpalaki at sumuporta sa pangangailangan namin sa bahay. Nakita ko lahat ng paghihirap niya para lang makapagtapos ako ng pag-aaral. Lahat ng sakripisyo ginawa niya para maitaguyod lahat ng kailangan ko kaya naman ngayon, pinipilit kong tulungan siya sa mga gastusin namin sa bahay. Lahat ng sideline at part time jobs pinasukan ko lahat para makabawas sa mga gastusin sa bahay. Minsan nga naiisip ko dahil sa sobrang hirap ng pinagdadaanan namin, sana one time, may dumating na fairy God mother sa buhay namin na mag gagrant ng wishes namin.

Obsessed ako sa fairytale na twist sa buhay ko since naranasan ko lahat ng hirap sa buhay, from broken family hanggang sa pagkayod para mabuhay may add-ons pang mala-Sleeping Beauty na sakit. Pero tulad ng sabi nila, life is not a fairytale.

Dahil sa Narcolepsy ko, madalas din akong mapatalksik sa trabaho. Sanay na ako sa mga linya ng mga supervisor na, "Masipag ka naman Lady kaya lang antukin ka talaga eh." Hindi ko alam kung bakit of all the people na pwedeng magkaroon neto, sakin pa nag stay ang loko. Eto rin ang dahilan kung bakit mayroong makapal na set ng resume sa loob ng kwarto ko na almost ma-occupy na lahat ng space dahil sa sobrang dami. Sa ngayon, jobless ang lola niyo, looking for job na magsusuit sa lahat ng kakayanan ko. Pero hindi na ako magiging choosy, push na tayo kahit saang opportunity!

"Lady! Anak! Tara dito." Hiyaw ni papa habang naghahanap ako ng trabaho sa online job site. "Oh! Pa! Ano nangyare? Aga aga, nakahiyaw ka kaagad!" agad kong sagot habang tumatakbo papalit. "Kasi anak nakita ko sa labas, itatapon na sana ng kapitbahay natin kaya lang nung nakita kong may 'wanted', agad ko nang hiningi. Nagbabakasakali lang." Sagot ni papa habang nilalabas ang nakitang dyaryo sa kapitbahay. "Ang sweet naman ng tatay ko oh! Sige tignan ko po to mamaya."

FEBRUARY 16, 2017 JOB INTERVIEW

WANTED ALL AROUND FACILITY KEEPER: JNS Printing and Media Outlet

"The highest paying media outlet in town!" Work experience not needed, must be pleasing in personality and at least senior high school graduate.

Habang binabasa ko ang binigay na classified ad sakin ni papa, naalala ko na dito nanggaling yung isa sa mga naging kaibigan ko sa trabaho dati. Balita ko, kahit mababang posisyon mataas pa rin ang sweldo kasi mabait yung may-ari ng company na to. Wala namang masama kung ita-try di ba? Saka wala naman akong scheduled interview nun kaya push tayo next week! JNS, wait for me!

FEBRUARY 15, 2017: "Lady, tara dito. May ibibigay ako sa'yo. Gamitin mo to bukas sa interview mo, malaking kompanya pupuntahan mo kaya kailangan maayos din ang suot mo." Nakangiting bati sa akin ni papa habang inaabot ang paper bag na merong lamang mamahaling damit. "Salamat papa! Pero hindi ba masyadong mahal to? Marami pa tayong kailangang bayaran dito sa bahay." "Anak, basta para sa'yo ibibigay ko saka malay mo naman baka bukas may makita kang prince charming dun. Gwapo daw mga lalake dun." Pabirong sagot ni papa habang inaalalayan ako pabalik sa kwarto. "Papa naman nagbiro pa! Kayo muna syempre aasikasuhin ko bago ang prince charming na yan. Sige po, mauna nako matulog maaga pa ako bukas."

Kinakabahan ako para sa mangyayari sa akin bukas. Malaki ang expectations ni papa sakin, at sobrang sikat at laking kompanya yung papasukin ko. Hindi ko alam kung babagay ba ako dun or matatanggap ako, but one thing is for sure... I'll do my hundred percent to prove that I'm worth it! I have to do everything para kay papa! Pero in fairness, mas kinabahan ako sa prince charming part ni papa. Sana wag akong datnan ng Narcolepsy bukas! Cross fingers! AHHHHHHHHHHHH. Good night!

[To be continued]

I Am Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now