EPISODE 02: The Meeting

4 1 0
                                    


Papunta na ako sa JNS para sa aking job interview. Tulad ng iba, kabado ako at puno ng pag-aalala sa mga posibleng mangyari at papatunguhan nung interview sa akin. Naiisip ko rin baka yung mga kaagaw ko sa posisyon eh galing sa mas matataas na kolehiyo dito sa Maynila, maliit ang chance ko na matanggap. Para sa pamilya, gagalingan ko! Fighting!

Habang naglalakad ako papasok sa malaki, magarbo, at nagliliwanag na building ng JNS, iniisip ko nang dito ako magtatrabaho. "Good morning miss, are you here as an applicant?" bati sa akin ng receptionist ng JNS. "Yes I am. Where to go miss?" buong kompyansa kong tanong habang nagpapakaconfident sa pagsasalita ng english." "Sa Third floor ma'am, kakaliwa kayo and you'll see the conference room. Hinihintay na po kayo doon." Sagot ng receptionist na sa pagkakaakala ko'y hindi marunong magtagalog. "Ah, sige salamat."

Patingin-tingin ako sa paligid habang iniisip ang mga isasagot ko sa mga tanong ng interviewee. Manghang- mangha ako sa mga natatanaw ko sa paligid ko, nakatanyag lahat ng trophies at awards na nakuha ng company locally and international. Lahat din ng nakikita kong empleyado, naka-formal attire at mga amoy mayaman.

"Eto na! Third floor na Lord, guide me." Bulong ko sa sarili ko habang bumubukas ang elevator.

Habang naglalakad ako, napansin kong walang masyadong tao na naglalakad. Wala rin akong nakikitang pila kaya naman kinabahan ako lalo pero inisip ko na lang, siguro na sa loob na sila ng Conference Room. Pagdating ko sa Conference Room, agad akong huminga ng malalim at kumatok. "Please come in." Hiyaw ng lalakeng na sa loob.

Pagpasok ay nakita kong ang naroroon lang ay isang matipong lalake katabi ang isang di katangkaran pero kayumanggi na lalake. Wala akong nakikitang aplikante, malamang tapos na silang ma-interview or late na ba ako? "Good morning po, I am Lady Cruz. I am here to apply for the position of Facility Keeper." Agad silang napatingin sa akin at sinabing, "You are now hired! Congratulations and welcome sa JNS Printing and Media Outlet. We've been waiting for you since a while ago, finally you came! You can start and report tomorrow." Buong ngiting pagbati sa akin ng matipunong lalake. Malakas kutob ko eto yung manager ng company na to. "Po? Tanggap na po ako?" Buong pagtataka kong tanong sa kanila." "Yes you are! No one came kaya sabi namin, once may dumating na isang babae na merong magandang aura, siya na yun! You're the one." Sagot naman ng lalake na feeling ko secretary ni sir matipuno dahil sa mga hawak niyang papeles. "Sir, patas lang po kaya yun na hindi niyo ako ininterview? Nakakahiya po." Pahard to get kong tanong kay Sir Matipuno. "Ok lang yan. You're Lady, right? I want your attitude, you're perfect for my company. By the way I am the COO of JNS Printing and Media Outlet, I am..."

Kring, kring, kring... Kring, kring, kring...

Biglang may narinig akong alarm sa paligid ko at unti-unti akong nadilat sa katotohanang nanaginip lang pala ako! "Teka! Anong oras na?! Pa! Bakit di mo ako binuhusan ng malamig na tubig! Papa! Handa na ba agahan natin?" Buong giting kong hiyaw habang nagmamadaling tumayo sa kama. "Hala! 7:00am na! Alas syete na! Seven na! Papa!!!" Malakas kong hiyaw habang naghihintay ng sagot sa tatay ko.

Paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong nakahandang pagkain sa lamesa na merong note para sa akin, "Lady, tinawagan ako ng boss ko kagabi. Meron kaming importante na gagawin para sa construction nung isa naming kliyente. Hindi na kita nagising kasi masyado pang maaga pero sana hindi ka malate. Inalarm ko nalang yung cellphone mo ng sampung beses para magising ka. Good luck sa interview, naniniwala akong kayang kaya mo yan! I love you anak!"

Ang sweet talaga ng tatay ko, kahit na busy siya sa trabaho napagluto pa rin niya ako ng agahan saka nag-alarm para sakin! "The best ka talaga tay! Ay teka, anong oras na? Kailangan ko makarating sa JNS before 9:00am!" Madaling madali akong kumilos dahil sa takot ko na baka ma-late ako sa interview ko. Nakakahiya para sa mga aplikante na mahuli sa interview, kailangan kasi magset ka na agad ng magandang impression sa mga future bosses mo. "7:40am na! Hala siya, bakit ba kasi meron akong Narcolepsy! Hirap na hirap tuloy akong gumising tapos feeling ko antok na antok pa ako!" Reklamo ko habang inaayos ang mahaba kong buhok.

I Am Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now