Chapter 1: Meet Ana Fonetier

229 4 2
                                    

Chapter 1: Ana

 Ana's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla ko na lang naalala ang nangyari nung gabing yon. Pano naman kasi, natutuwa ako dun sa lalaki. Ipinagtanggol ako dun sa demonyong iyon. Sana man lang makapagpasalamat ako sa kanya. Pero never mind na nga.

Nandito na naman ako sa restaurant na to. Wala na kasi akong ibang pupuntahan eh. Tsaka gutom na din ako. Pero swerte ko kasi masarap ang mga pagkain dito.

Anyway, ako nga pala si Ana, I am as simple as my name. Wala akong pera. Wala akong pamilya. Wala akong boyfriend. In short, bokya ako, BOKYA! Pero maswerte pa din ako. Kasi...MAGANDA AKO.

At ang ganda ko lang ang ginagamit ko para mabuhay. Kuha niyo? Kung hindi niyo kuha, ipapaliwanag ko.

Isa sa mga pinakasikat na restaurant dito ang Blooming Garden Foodhauz. Bukod sa sosyal na ang mga pagkain ay mga maharlika pa ang mga kumakain. Pero huwag niyo ding sabihin na mistula lamang akong pusang gala na naligaw sa mamahaling restaurant. Hindi naman kasi halata.

Mahilig akong mangolekta ng mga bonggang damit. Tanong niyo siguro saan ko naman kinukuha? Well, I guess hindi tanong yan. Ang daming kayang pwedeng mga kuhanan na mga  ukay-ukay diyan. Hablot sabay takbo--yan ang trip ko. At gaya ng sabi ko kanina pa, swerte ako, kasi ni minsan di pa ko nahuli.

Sa pakikipagdate naman, syempre pinipili ko din. Kapag mga mukhang big time at mga mala Tom Cruise ang dating ng nag-aalok, go lang ng go. Hay ang sarap mabuhay. Pero pag mga hipon na ang nag-aaya, yung tipong patapon na ang ulo dahil sa pagmumuka, syempre NO DEAL ako!

Ang ganda ko kaya!!!

Ako si Ana Manalastas. Joke lang, Ako si Ana Fonetier, ang untamed beauty ng bayan.

----------------------------------------------------------------------

"Ano ang gusto mong kainin? Wag ka na mahiya. Libre ko naman eh", sabe nitong lalaking prenteng prente ang pagkakaupo sa harap ko. Akala niya siguro ay type ko siya. Mayaman siya kaya ako pumayag na makipagdate sa kanya.

"Ah, wait ha pipili lang ako", sagot ko naman. At tumingin na ako sa menu. Grabe, ang mamahal na ng foods. Sa tinagal tagal ko na kumakain dito, ngayon ko lang namalayan na tumaas na pala ang presyo. Pero sa mukha ng lalaking ito, mukhang pati kaluluwa ng may-ari ng resto na it, kaya niyang bilhin.

Tinawag niya yung waiter at inunang kuhanin ang order ko.

"Skywalker and two alpha sa kin", yun ang inorder ko.

"Mango Bongo and two Firesticks sa kin, tsaka pakisamahan na lang ng grilled tuna belly."

Wow, ang yaman talaga ng lalaking to. Busog na naman ako. Kahit kailan magkasundo talaga kami ng panahon. Sa kabila kasi ng mga kinakain ko sa mga kadate ko, hindi nasisira ang figure ng katawan ko. Sexy pa din!

"Saan ka nga pala nakatira?"tanong nung kadate ko.

"Ha? Ako? Aah, diyan lang sa tabi tabi." hay mali yata ako ng description, natawa pa siya ng mahina, pero nahalata ko pa din.

"Ah, ang ibig kong sabihin, nakatira ako sa isang condo sa Royal Palm, Acacia Homes sa Taguig." Tsaka ko itinaas ang isang kilay ko. Hindi nga lang ako sigurado kung may lugar bang ganun sa Taguig. Hay! Andami naman kasi ng pwedeng tanungin bakit yun pa.

"Ah talaga? Wow naman." Yumuko siya. Parang may kinukuha sa bulsa niya.

"Eto nga pala calling card ko. Text mo ko pag free ka ulet."

Wow ang swerte ko talaga. Pero hindi na pwedeng mangyari yun dahil ayoko pang mamatay. Baka pag nalaman nilang isa lang akong hamak na babaeng kalye, patayin nila ako.

"Ah o sige! Walang problema." Yun na lang ang sabi ko.

----------PAUSE--------------

May gusto sana akong sabihin sa kanya kaso di ko pa alam ang pangalan niya. Pero ok  lang, Pwede namang magsalita na lang ako basta di ba?

"Ah nga pala, ikaw taga saan ka?" para naman alam ko kung saan ako pupunta para di na tayo ulet magkita.

"Ako? Sa Tondo ako nakatira eh. Sa susunod dadalhin kita doon."

Ito na ang pagkakataon ko. Pag may hindi ako nagustuhan sa mga sinasabi ng mga kadate ko, kunwari magagalit ako tapos magwowalk out.

"ANO?"tapos tumayo ako at ipinalo ko ang dalawang palad ko sa table."AT ANO ANG AKALA MO SA AKIN HA? KALADKARIN? KAPAL NG MUKHA MO DIYAN KA NA NGA!!!"

"Ha? Bakit anong masama ang ginawa ko? Teka Bumalik ka!!"

Tumakbo ako. Mabilis na mabilis. Hanggang sa tuluyan na akong nakalayo. Hindi ko na nga alam kung nasaan na ako eh. Nakagown p  naman ako.

AYOS! Busog na naman ako. Ahaha. Sana ganito palagi. Ang problema saan ang susunod kong pwesto? Saglit pa akong nagisip.

HAY! Di bale na nga. At naglakad pa ako ng naglakad.

Madami na din akong naidat. Umabot na sa mahigit 500 na beses. 3rd year pa lang kasi ako nang maulila akong lubos. Nag-iisang anak ng lolo't lola ko si papa, at may isang kapatid ang mama ko. Pero ayoko sa tita ko magstay. Kakawawain lang ako ng mga yun. Tutal may stable job naman ako. Eto nga yun. Makipagdate sa buong mundo.

Humiwalay ako sa kanila. Kilala ko na din kasi ang mga kamag-anak namin. Hanggang sa napadpad ako kung saan saan. Maswerte ako eh. Buhay pa. Nag-eemote ako dito nang mapansin ko ang mga tao sa dinadaanan ko na nakatingin sa akin.

At ano na naman kaya ang problema ng mga to?

"Ha? Yang babaeng yan? Talaga ha. Gold digger pala eh" kunwaring bulong nung isa, narinig ko naman.

"Oo,asawa siya ng bayan. Nakakadiri! Peste siya sa buhay natin!" ayuda naman nung isa.

Tsssk! Kiber nila!? Baka takot na maagaw ko ang mga boylet nila. Pasensiya sila maganda ako eh.

Tinaasan ko pa sila ng kilay habang naglalakad ako sa daan. Taas noo kahit kanino ang Pilipino ay AKO!

Palibhasa kasi, mga hindi nabiyayaan ng mga pagmumukha.

Hay! Inaantok na ako. Baka mahuli ako dito pag nakita nila ako. Lalakarin ko na naman ang pinakamamahal kong dampa. Daig pa nun ang layo mula sa mundo hanggang sa buwan. Pero walang choice. Sige lakad.

 ----------------------------------------------------------------------

ahaha, ayan nasimulan ko na ang story ko. Expect UPDATES every 1-2 days dear readers!

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon