Hi mga readers. Well, first time ko lang talaga magsulat eh. Pasinsya na neh?
-----------------------------------------------------------------------
Parang ang igsi naman ng gabi. Inaantok pa ako eh! But I know I need to go na sa aking STABLE JOB para maaga akong makakain.
Ligo muna ako. Pumasok na ako sa banyo kong sako ng bigas ang haligi. Sosyal di ba? Sila mama kasi hindi nag-aral ng mabuti. Wla tuloy naipamana sa akin. Buti nakapagtapos pa ako hanggang 4th year high school kaya medyo matalino ako. MEDYO.
HANLAMEEEEEEEEEEEEEEG!!! Anu ba to! Nakakagulat naman! Nagyeyelo ang tubig ko. Nangangatog na ako. Binilisan ko nang maligo. Pagkatapos ng dalawang buhos, shampoo, sabon. Tatlong buhos ulet.
WOOOOHH!!! Tapos na din sa wakas! Wala yata akong isang minuto sa banyo. Hay nevermind. Ang importante, mahalaga! Ok, goodbye my dearest dampa! See you tonight! Hahaha
Grabe ang aga pa pero gutom na ako. Nakarating na ako sa mga lugar na puno ng kainan. Naglakad pa ako ng naglakad. May naaamoy kasi akong mabango sinusundan ko lang. Hanggang sa narating ko nga yun. Grabe. Feeling ko tuloy naglalaway ako.
Nakatitig lang ako sa mabangong amoy ng lechong manok nag sitain ako ng may ari.
"Miss bibili ka ba?"
"Ah ha?? Ah oo pero nag-iikot pa ako eh. Babalik na lang ako ate." palusot ko naman.
Paalis na ako nang may narinig akong nagtanong.
"Gusto mo ba nito??"
Napalingon ako. Nakatingin sa akin yung taong nagtanong. Grabe ang cute naman niya.
"A-ako ba ang tinatanong mo?" tanong ko, kahit nakakahiya man. Sana naman may mabuting kalooban ang taong ito.
"Oo. Gusto ko din kasi sana niyan eh. Wala nga lang akong kasabay."tapos ngumiti siya. Ay ang gwapo.
"Ah ganun ba? eh kung gusto mo, kung ako ok lang sa kin eh."pacute naman ako
"Ate bigyan mo nga ako ng one whole" tapos tumingin ulit siya sa kin.
AHAHAHA! Kahit kelan ang swerte ko talaga!
Tapos, kinuha na niya yung buong manok.
"Halika na join me. Hanap tayo ng pwesto naten."
Ayun nagpacute naman ako. Tapos sumunod na ako sa kanya.
"May kasama ka ba?" tanong ko sa kanya. Tangek! Anong klaseng tanong yun? Di ba obvious? Eh pasensya na wala akong mahagilap na sabihin eh. Ayoko ng masyadong tahimik.
"Ah, oo. Meron, kaso mamaya pa sila dadating" sagot naman niya. At least naman di ako napahiya. "Halika dun tayo", yaya niya sa akin sa isang bakanteng lugar na may round table at 4 na upuan. Sumunod na lang ako.
"Ano nga pala name mo?"tanong niya sa kin.
"Ah, ako nga pala si Barbie." sagot ko.
"Ha? Barbie?" tanong niya na nagtataka pa.
"Hindi, joke lang, sa mukha ko ako si Barbie. Pero ang totoo ako si Ana. Simple nga eh" tapos tumawa ako ng medyo mahina at nakatakip pa ang kaliwang kamay ko sa bibig ko. Wala lang nagpapacute lang. hehe.
"Ah, haha ganoon ba? Ok ha. Ako naman si Travis. Taga saan ka naman?" tanong pa niya.
"Ha? Ako? Sa Thailand Village sa Ortigas", tapos mejo yumuko ako para di halata.
"Ang layo naman. Ako sa Pateros. Bakit ka pala nagpunta dito? Mula Ortigas hanggang dito? May imimeet ka ba?" tanong pa niya.
Nakakainis naman! Puro siya tanong. Hindi pa ba kami kakaen? Gutom na ko eh. Pag di ko napigilan ang gutom na to baka pati siya makain ko.
"Ah, haha wala noh. Naglilibot lang ko." sabi ko
Parang nakaramdam naman siya kasi binuksan niya na yung foil ng chicken at kumuha ng dalawang plastic plates at mga utensils.
"Haha, pasensya ka na ha. Matanong lang ako. Kain na tayo." ayun! salamat naman! Kakain na naman ako.
"Ah, sige." Mejo ginawa ko namang mahinhin ang mga galaw ko para di halatang taga kalsada lang ako.
Kain lang kami ng kain. Hanggang sa maubos.na yung manok. Masarap kahit walang kanin. Haha. Namapak lang kami ng ulam. Ang bigat na ng tiyan ko. Busog na ako. Pero ok lang para kahit di na ako maglunch kaya ko pa. Magpapaganda pa ako mamayang gabi. Ang susunod na plano: SAAN AKO KUKUHA NG GOWN KO?
-------------------------------------------------------------
Change tayo ng POV para makilala natin lalo mga characters
Travis' POV
Ako nga pala si Chess Travis Corpuz. Ayos ba ang name ko? CHESS? Mahilig kasi ang mom at dad kong magchess. Naglalaban pa sila. Nakakatuwa nga eh. Kahit na mga matatanda na maganda pa din ang pagtitinginan sa isa't isa. May kapatid pa akong isa. Babae siya. Volley Shay Corpuz. Infairness, sumabay naman sa name niya. Mahilig siyang magvolleyball eh. Puro sports kasi kami. Pero ako hindi kinonsider. Hindi naman ako mahilig sa chess. Hell!
Wala na namang magawa sa bahay! Boring. Kaya lumabas ako. Mall, department stores, para lang malibang. Hanggang sa makit ko itong babeng to. Kilala ko ito eh. At sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya? Eh siya lang naman ang tinaguriang gold digger. But still, I didn't judge her. Nilapitan ko siya at inalok na sabayan akong kumain. Pumayag naman. Nagpapacute pa. Pero di ko siya type. Wala akong care sa kanya. Kung anu ano pang sinabi sa aking address na very fictitious pa. Taga Thailand Village daw siya sa Ortigas. Ano bang klaseng babae to? Nag-iisip ako kung paanong huhulihin ang babaeng to. Ipa-plot ko siya kasama ng mga kabarkada ko. Tignan lang natin kung ano pa ang ihaharap niyang mukha sa amin.
"May pupuntahan ka pa ba?" pagkatapos naming kumain ay ito tanong ko sa kanya.
"Ah? Wala na. Maglilibot na lang ako." yun naman ang sabi niya. Ewan ko lang kung ano talaga gagawin niya.
"Ah sige. Pwedeng sabay ulet tayong kumain mamayang gabi? I'll wait for you dito din mismo. Ipapakilala kita sa mga kabarkada ko."
"TALAGA??"tanong niya sa akin na halatang excited. Nakanganga pa siya at hanggang ngala-ngala niya kitang kita pa. Hay wa-poise.
"Oo. Para naman may new friend kami" saka ko siya nginitian.
"Wow! sure! Sige ba." parang nakahalata siya kasi umayos siya ulet.
"Ah kunin ko ang fone number mo pra itext kita".
"Ha? Naku wag na. Kita na lang tayo dito. Low batt ako eh Wag ka mag-alala pupunta ako", sabi niya. Pero halata namang wala siyang cellphone eh. Hahaha. Natatawa tuloy ako.
"Ok sige. I'll see you!"
Pagkatapos non ay naghiwalay na kami ng landas. Opposite direction ang pinuntahan ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)
FanfictionDisney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conquer its victory between the beastly prince and the untamed beauty? owned by: http://cofitwiinstories.yolasite.com/