Kmusta mga readers? Thanks sa lahat ng mga umabot ditto ha?Pasensya na kung boring ang first part. Please pagtiyagaan niyo po ang story ko. Don’t worry I’ll make Ivo and Ana more intimate with each other sa next chapters. J
Nga pala please comment naman kahit wag na magvote. Tutal I don’t deserve it naman. But I just hope may masabi kayo kahit konti lang. Tandaan niyo na I also accept nega comments. I consider them para mas lalo pang mapaganda ang story. This is my first time kasi eh. d^3^b
--------------------------------------------------------------------
Chapter 6: Bisita To Yaya
Nakakainis naman tong Ivo na to!! Oo na, ako na yung nakitulog sa kanila, at sa kanya na din galing ang mga kinaen ko kaninang umaga. Pero hindi niya dapat ako paghugasin ng mga pinagkainan. Hello! Bisita kaya ako dito!
Leche! Pasalamat siya marunong ako sa gawaing bahay kasi kung hindi, ha, talagang babahain ko etong bahay niya ng tubig at sisiguraduhin kong iaanod siya hanggang Ilog Pasig! Hindi yata naglilinis ang taong to. Yamot na yamot na ako. Ang daming pinagkainan ang hindi nahugasan. Parang 20 na tao ang kumaen. Inaamag pa yung ilan sa mga plates!Eeew. Kadiri talaga!!! At ako naming si tanga, nagpauto ditto sa lokong to, kaya I end up washing the plates. Haha kung makaingles eh. Marunong din naman ako. Matalino kaya ako nung nag-aaral ako. Matataas ang grades ko, at kahit sinong tanungin mo sa mga nagging teachers ko, di ako kelanman bumagsak.
Pero noon lang yun hehehe. Iba na ngayon. Ako, na sana siguro ay nag-aaral ng kolehiyo, andito sa bahay ng malditong Ivo at naglilinis. Daig ko pa ang yaya. Kung ako ang magkakaroon ng bisita, I will never ever make him/her clean my mess!!!
--------------------------------------------------------------------------------------------------
“IVOOOOOOOOOO!!!!” sigaw ko. Tapos na akong maglinis at………. magreklamo. At ayun, nakita ko ang kumag na tumatakbo papunta dito.
“Oh bakit?? Anong prob……… WOW!!!”naibulalas niya. Hangang hanga lang naman siya sa ayos at ganda ng bahay niya ngayon. Akalain mo. Napawow pa. Adik talaga. “Ikaw ang naglinis dito?”tanong niya. “Hindi, yung kampanerang kuba. Dumaan kasi kanina eh” nakakainis na tanong yun ha, hindi pa nga tanong yun eh, nakakainsulto. Anong akala niya saken? Di marunong maglinis?? Tinaasan ko ng kilay. “Ahahaha, Ana, pwedeng humingi ng favor? Please! Ililibre kita mamaya saJollibee” sabi pa niya. Hohoho! Wow! Jollibee! Kaso ayoko dun. Pinoy na pinoy. Gusto ko sa Italian Restaurant. “Ayoko” sabi ko agad.
“Ha? Bakit naman ayaw mo agad eh madali lang naman ipapagawa ko sayo?” bagsak ung mga balikat na tugon niya.”Basta ayoko. ” Tsaka tinaas noo ko at tumingin sa iba. “Eh ano gusto mo? Sige na please naman, kahit ano hiling mo ibibigay ko, basta wag mo lang akong gahasain”tsala siya ngumiti ng nakakaloko aba’t ang kapal talaga ng taong to. Ako pa ngayon ang gagahasa sa kanya samantalang siya yung lumapit kanina sa kin. Halos nakadikit na yung noo niya sa kilay ko eh. Umiinit tuloy pakiramdam ko. Tumawa siya. “Hahahahahahahaha!!! Ana, tignan mo mukha mo sa salamin. Para kang nagmumurang kamatis. Ahahaha, ang pula mo. Bakit may iniisip ka ba ha?”ayan na naman siya lumalapit na naman. Pwede ba tigil tigilan mo ako. Tumakbo na ako, ayokong matrap na naman!!! Pero what shall I do? Hinahabol niya ako.
“Aaaaah!!! Ivo, lumayo ka nga!! Wag mo kong habulin anu ba!” takbo lang ako ng takbo, umiikot lang kami sa table. Buti na lang malaki yun. Pero pwede siyang lumusot sa ilalim. “Hala, Ana nandyan na ko…..kaw ha, sabihin mo sa kin bakit ka namula kanina!” pang-aasar pa niya. At ayan na naman tumakbo na naman siya. Anong gagawin ko!!!!!!!!! Takbo sa hagdan!!!! Pupunta ako sa kwarto ko na mejo mas malayo pa kesa sa mga unang kwarto. Sa dulo kasi yun eh.
“Ana, nandyan na ko. Takbo pa! Hahaha, kala mo mahuhuli din kita!” sabi niya sa kin. Ano kayang gagawin ng lokong to!!! Takbo lang ako ng takbo pero tumatawa kaming dalawa. Hanggang sa may nakita akong door. Dun ako pumasok at ni-lock ko agad. Grabe napagod ako dun ha! Pero nang tiningnan ko ang kwarto na napasukan ko, unang tingin ko pa lang, alam ko na kung kanino yun. Ang malas ko naman!!! Kay Ivo to eh! Narinig ko siyang tumatawa sa labas.
“hahahaha, hoy Ana, lumabas ka na diyan. Kaw talaga, nananadya ka eh. Talagang sa kwarto ko pa nagtago eh. May susi ako diyan. Bahala ka, ikaw din” pananakot niya sa kin pero ako, ang tigasing Ana, matatakot sa Ivo na to?? No way!!! “Hoy Ivo, wag kang papasok ditto, sasakalin kita!” tinakot ko din siya. “Ha? Bakit ako hindi papasok diyan eh kwarto ko yan?? Hahaha, you’re so funny!” tapos nakita kong gumalaw yung doorknob! Papasok nga yata ang kutong lupang to!!! Itinulak ko ang pinto para di siya makapasok. Unfortunately, mas malakas siya sa kin. At nang maitulak yung pinto, sakto napahiga naman ako sa bed niya. Ang bed niyang mabango!!! At ayan na siya.
“Ana, wala ka nang kawala. Hahaha. Hanggang ngayon namumula ka pa rin!” hinawakan niya yung kanan at kaliwang kamay ko tsaka siya nagpunta over me. Oh my God! Why is this happening to me? Pero syempre alam kong di niya naman gagawin “yun”. I tried to go over him or to avoid him. At dahil nga nag-aral ako ng Tae Kwon Do noon, nagawa kong baligtadin ang posisyon. Ako na ngayon ang nakapatong sa kanya. “Tae ka Ivo, sasakalin kita!” pero bago ko pa nadakma ang leeg niya, pumaibabaw na ulet siya saken. At bago pa ako nakapagsalita, pinindot na ni Ivo ang tagiliran ko at kiniliti ako. Kiniliti niya ako ng kiniliti ng kiniliti hanggang sa kapwa na kami humihingal. Ayoko na. At hindi ko kelanman kakalimutan na ako si Ana Fonetier, pinanghahawakan ang kasabihang “Revenge Counts”. Kaya naman, kiniliti ko din siya at dahil dun kumulagtit din siya nang kumulagtit kaya, ako na ang nakapatong sa kanya. Hindi ko talaga siya tinantanan. Tawa lang siya nang tawa. “Hahahaha, Ana, stop it! You’re killing me, Hahahaha!! Please!” Pero di ko siya pinakinggan. I even tickled him harder. “Haha, masama ka, hinabol habol mo pa ako kanina kaya ito ang bagay sayo.” Lalo ko pang diniinan ang kiliti niya at dahil dun, napaangat ang bewang niya………………
“Uhmpppppppppp” oh my gosh! Nasubsob ako! Sa…………………… sa……………………… sa…….
SA LABI NIYA!!!!!!!!!!!!!! Kahit ilang beses na akong nakipag-date, virgin pa ang lips ko! At ang Ivo lang na to ang makakakuha non!!!!!!! Aha!!! Gusto ko nang mamatay!!!!
***mi’s note:
Tahaha, first kiss na di sinasadya, masusundan pa ba? Abangan ang next scene sa Chapter 7! I love you all!!! I hope you won’t find these scenes offensive. If so, tell me. It’s free. *l^3^l*
BINABASA MO ANG
The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)
FanfictionDisney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conquer its victory between the beastly prince and the untamed beauty? owned by: http://cofitwiinstories.yolasite.com/