Good day readers. Thanks nga pala dun sa 7 na nagbasa dun sa latest chapter (Chapter 7: Meet The Most Important Girls in my Life). Anyway, isang handog again ang isusunod ko. I’m just hoping na magpakilala ang kahit isa lang sa inyo. ^_^
This is the 8th Chapter and I hope babasahin niyo pa din! Thank you! Click the video sa gilid para may music habang nanood kayo. Enjoy!
Chapter 8: Household Chores Blues
Ivo’s POV
Saturday na and I’m expecting yaya to be back today. 4days na din si Ana dito sa min. Kahit medyo nakakairita siya, ok na din. Simula kasi nang dumating siya dito, palagi na ding natutulog sila Yome at Jane dito. Pag wala kasi sila mama, ayaw nila akong kasama at pupunta sila sa lola naming at dun matutulog. Buti na nga lang nagustuhan naman nila si Ana. Masaya pala pag may kasama ka. Natutuwa din ako sa kanya kasi hindi naman talaga siya ganon sa sinasabi ng iba.
Buti na lang, lingguhan ang pagpapadala nila mom ng pera. Nagshopping kasi kami nung Thursday para mabilhan ng damit si Ana. Walang isusuot eh. Kaya for the meantime yung mga tees ko na muna na hindi ginagamit ang ipinasuot ko sa kanya. Hindi naman siya masyadong payat para magmukha siyang rimpampanita sa t-shirts ko. Hindi rin naman siya mataba kaya ok lang tignan. Tutal kilos lalaki naman siya kung minsan kaya bagay niya.
------------------------------------------
10am. 11:30am. 12noon. 1pm. Wala pa din si yaya. Matawagan na nga.
Nakailang ring din bago niya nasagot.
“Hilo?” –yaya
“Ah, yaya si Ivo poi to. Uuwi po ba kayo ngayon?” tanong ko sa kabilang linya.
“Naku eho, pasinsya ka na ha. Hindi mona ako makakaowe ngayon at may sakit pa ang tatay ko. Ititixt na lang keta pag magaleng na siya. Epenauspetal na nga namen siya nung isang araw eh. Wala daw pagbabagu. ” kahit di ko nakikita si yaya, alam kong mejo maluha luha na siya sa sinasabi niya.
“Ah ganon po ba yaya? Sige po, ok lang, pakisabi na lang sa tatay mo na magpagaling siya. Padadalhan na lang kita ng pera mo. Huwag ka na mag-alala yaya. Gagaling din siya.” Pinipilit kong palakasin ang loob niya.
“O sige ha Evo. Galingan mo diyan. Wag mo sonogen ang bahay niyo ha. Kung maaare, komoha ka na muna ng yaya kahet panandalian lang” sagot naman ni yaya.
“Ok po. Ingat po lagi.” Ibinaba ko na ang phone.
Lumabas ako para hanapin si Ana. Masyado na kasi kaming madaming labada eh. Wala na akong maiisuot. Paglalabahin ko na lang muna siya kahit kalahati lang ng labahin.
-----------------------------------------------
“Ana” tawag ko sa kanya. Nakaupo siya sa sahig at nanood ng TV. Lumingon naman siya sa kin. “Yes?” sagot niya. “Hindi daw uuwi si yaya ngayon. Maysakit pa kasi yung ama niya. Kaya tayo muna ang maglalaba ngayon. Madami ang labada eh. Pag di tayo naglaba wala tayong isusuot.” Paliwanag ko naman habang nakatingin siya sa kin. Nakakailang namang tumingin ng babaeng to. “Ah, o sige kung yun ang dapat gawin” sagot niya naman.
“Sige na. Simulan mo na’t may gagawin lang ako. Bababa din ako kaagad para tulungan ka.” Pagkatapos non ay tinalikuran ko na siya. Pinatay niya na ang TV at lumabas.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko lang tignan kung anong gagawin niya. At nakita kong pinagbukud-bukod niya ang mga puti sa de-kolor. Parang diring diri pa siyang hawakan yung mga damit. Eh kasi naman pinaghihiwa-hiwalay na nga niya, yung hintuturo at thumb lang ang gamit niyang pinangpupulot.
BINABASA MO ANG
The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)
FanfictionDisney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conquer its victory between the beastly prince and the untamed beauty? owned by: http://cofitwiinstories.yolasite.com/