Hi guys. Eto na ang Chapter 9. Salamat sa mga sumusubaybay sa story na ito. At kahit ala pang comments at votes, Masaya pa rin ako. But I guess mas maeencourage pa kong gawin ang story ko pag alam ko din ang mga insights niyo.
--------------------------------------------------
The Untamed Beauty and The Handsome Beast
Chapter 9: All New…
Ana’s POV
Ouch! Sakit naman ng katawan ko. Unti unti ko nang idinilat ang mga mata kong nasisilaw sa liwanag. Feeling ko isang taon akong nakatulog.
Oh my! Nasan ako? Teka all blue? Kilala ko tong kwarto na to ah!. Kay Ivo! Ang sakit ng braso ko, ng paa ko, ng likod ko, ng buong katawan ko! Ano ba to! At biglang nagflashback sa kin lahat ng nangyari. Yung hindi pagdating nung yaya nila Ivo, hanggang sa paglalaba, hanggang sa brief-bra matter, at sa malakas na hampas ng tubig sa katawan ko.
Ha! Napabalikwas ako ng bangon. Tumingin sa katawan ko, sa paa ko. Teka! Bakit iba ang damit ko???
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!”
Si Ivo kaya ang nagbihis sa kin? No Way!!! Ang katawan ko, ang maganda at kawawang katawan ko. Ahuhuhu! Gusto ko nang mamatay!
Ayoko pa pala. Nasan na ba ang taong yun? Sinubukan kong bumangon sa kama kahit masakit pa ang katawan ko. Hay naku. Buti at nakaipon na ako ng lakas. Anong oras na ba? Ay! My goodness 8am na. Bababa na ako. Dinahan dahan ko lang para hindi sumakit katawan ko.
“Ivo? Jane? Yome?” tawag ko sa kanila. “Hello! Andiyan ba kayo? Wag naman kayong magtago please” sinusubukan kong lakasan yung boses ko at sa tingin ko enough na ang lakas kaso wala pa ring sumasagot.
Tatlong steps na lang sa hagdan para makababa na ako totally nang…
“AY!” and I went down with a loud THUD!!!
“Ana!” saktong pumasok si Ivo kasama ang mga bata. Tinulungan niya akong tumayo tsaka ko siya sinampal. “Aray! Ano ba!” reklamo niya sa kin. “San ba kayo galing ha? Bakit kayo umalis? Pano kung bigla na lang may pumasok dito at pagkukuhanin ang mga gamit??” medyo galit daw ako kunwari. “Hoy, miss tiger, hindi kami pumunta kung saan saan lang! Galing kaming simbahan at pinagdasal ka na sana hindi ka pa patay! Pambihira ka naman. Linggo ngayon noh! Baka kasi di ka nagsisimba diyan.” Tumingin naman ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya, at kahit medyo brutal yung pagpapaliwanag niya, natuwa ako sa kanila. Akalain mo pinagdasal pala na sana di pa ko patay. Nagi-guilty tuloy ako. Pinagdasal ko pa na sana mamatay na lang ako.
Ang sweet grabe!
“Ahehehe, salamat!” sagot ko na lang. Nakakahiya naman kasi sa dalawang batang kaharap namin. “Alam mo ate talagang nagdasal kami kanina kay Papa God na sana gumaling ka na. Nakakatuwa naman. Magaling ka na nga. At ayan nakakatayo ka na din. May pabaon pa talaga. Nasaldak ka sa pwet” tiningnan nila ako nang natatawa habang ako naman ay hinihilot ko ang bumagsak kong pwet!!!
“Haha, oo nga eh. Effective yung dasal niyo. Wag kayong mag-alala ipagluluto ko kayo ngayon.” Lumakad na ako papuntang kusina. “Wag ka nang magluto.” Sabi ni Ivo. “Hoy kung ayaw mo kumain, e di wag, basta pakakainin ko na ang mga batang yan” lumapit siya sa kin. “Ana wag ka na magluto kasi sa labas tayo kakain. Punta tayong Mall at dun na tayo magpalamig tsaka talagang lumalabas kami kada lingo. Kaya tara na!!!” pagkasabi niya nun ay binuhat niya ako at dinala sa kwarto ko. Tsaka ako pinagbihis. Ilang saglit lang ay nakabihis na din ako.
“Oh ano, let’s go!” yaya ko sa kanila. Nakaponytail ang curly na buhok ko Nagsuot ako ng white dress na nahablot ko noon sa Marks and Spencer. “Wow ate bagay mo yang damit mo.” Compliment ni Yome. “Talaga?? Thank you! Ang mga bata talaga di marunong magsinungaling. Hahaha” tsaka sila nakitawa sa akin. “Talaga lang ha? Well,ibahin mo ang mga kapatid ko.” Sabat nitong Primitivo na to. Tinarayan ko ng tingin. “Kinakausap kita?!” pagtataray ko sa kanya. “Bakit? Ikaw ba kinakausap ko?” sagot naman niya. Bwiset talaga tong lalakeng to. Hay! Whatever, bago pa ulet kami magbangayan ay lumakad na kami papuntang gate. Sumakay na ang dalawang bata sa likod. Ako naman sa passenger’s seat. Kaya magkatabi kami ni Ivo. Inalalayan niya pa ako sa pagpasok sa kotse niya. Yung mga tipong talagang hinding hindi ka mauuntog or matatapilok man lang sa sobrang pag-iingat niya sa kin. Hehe, kung ganito siya lage, baka pati pwet niya mahalikan ko pa.
BINABASA MO ANG
The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)
FanfictionDisney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conquer its victory between the beastly prince and the untamed beauty? owned by: http://cofitwiinstories.yolasite.com/