"Anakkkkk! Gising naaaa!" Ayan na naman yung nanay ko. Kaya mahal na mahal ko yan, eh. Parang alarm clock yung bunganga. Bakit niya ba ko pinapagising? Ang aga-aga pa kaya! Tsaka, bakasyon pa din namin. Makatulog na nga ulit.
"Patriciaaaa! Kapag hindi ka pa tumayo dyan, male-late ka na naman!"
Bigla akong napabalikwas sa higaan nun. Tiningnan ko agad yung kalendaryo sa gilid at inalala kung anong araw ngayon. OO NGA PALA! TAPOS NA YUNG BAKASYON! Tiningnan ko din yung oras, 8:00 am na. May isang oras na lang ako para maghanda sa pagpasok. Kaya, dali-dali akong naghanda (naligo, nagsipilyo, nagbihis, at nagsuklay) at kumaripas ng takbo palabas. Nakita ko si Mama na nagluluto. Si Papa naman, nagbabasa ng dyaryo. Kiniss ko sila pareho sa cheeks tapos tumakbo na.
"Hindi ka man lang ba kakain, anak?!" Narinig kong pahabol ni Papa.
"Hindi na po! Pakisabi na lang po kay Kuya Jek na na-una na ako. Bye, Ma! Bye, Pa!" Sinigaw ko na lang para marinig nila.
Nung sinasara ko na yung gate, may narinig akong makina ng sasakyan. "Pat, tara na!" Pagharap ko, si Kuya pala.
"Kuya! Akala ko, humihilik ka pa! Hahatid mo ko?" sabi ko habang naka-bungisngis.
"Oo naman! Ikaw pa! Lakas mo sakin, eh." Sabi niya habang tinataas baba yung kilay.
Pumasok na ako ng sasakyan. Nung nakabit ko na yung seatbelt, bigla niyang pinaharurot ng takbo yung sasakyan kaya nasubsob ako sa dashboard.
"KUYA! Bat mo naman ginawa yun?!" Sinigawan ko siya ng sobrang lakas!
"Ang ingay mo! Eh, late ka na, diba? Tapos, first day mo pa!" Sabi niya tapos tumawa ng malakas dahil sa pagkakasubsob ko.
"Ehhh! Dahan-dahan naman! Baka mamaya, hindi na ako makarating sa school niyan, eh!" Sabi ko, tapos inirapan ko siya.
"Ok, ok! Init ng ulo!" Sabi niya, tapos bumagal ng konti yung takbo ng sasakyan.
After 12345 years, nakadating na ko sa school.
"Good luck sa first day mo, Pat!" sabi niya, tapos kiniss niya ko sa noo.
Ang sweet niya, no? 3 years lang kasi yung agwat namin. Graduating na siya ng accountancy sa school nila ngayon. Pero, wala na kong oras para ipagyabang sa inyo kung pano naging THE best ang Kuya ko.
Nginitian ko si Kuya. "Thanks, Kuya!" Sabi ko sa kanya at dali-daling bumaba ng sasakyan. Naglakad na ko papasok ng school.
Wait! Di niyo pa pala ko kilala, no? Sorry, medyo rude. Ako nga pala si Patricia Anne Mercado. I've been living on earth for 16 years, since the 20th of May, 1997. First year college na ko sa *name of school*. I chose to take up IT (Information Technology) kasi hindi naman nalalaos ang technology. Hindi ako mayaman, may kaya lang ang pamilya namin. My mom's a nurse and my dad's working at *name of company* as the secretary of THE boss. Si Kuya naman, he's a great man for me. Sana makakita ako ng katulad niya someday. At, ako, paano ko ba idedescribe yung sarili ko? Mabait, 'cause I don't see any reason to be a bad person. Maganda sa paningin ng pamilya ko. Maliit. Matalino daw ako, pero, para sakin, nag-aaral lang ako kaya nakakasagot ako sa school. I love singing, it's my passion. And, my favorite band is Paramore. Ang galing galing nila, diba? Boyfriend, wala. Let's not talk about my love life. AYYYYY! LATE NA KOOO!
Habang tumatakbo ako papunta sa room, nagvibrate yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino. *BOOGSH* MAY NAKABANGGA AKO! Lucky, huh?! Tapos, may dala syang sobrang lamig na juice! Natapon sakin! This happened and it's my first day! Luckier, right?! Tapos, napaupo ako sa sahig at nagkalat yung mga gamit ko! At, eto pa! Hindi man lang ako tinulungan nung nakabanggaan ko! I am the luckiest girl on earth! Tapos, Globe lang pala yung nagtext sakin. EPIC FAIL!
Nung napansin kong naglalakad na yung nakabanggaan ko, sinigawan ko siya. "HOY! IKAW!"
Lumingon siya at tinuro yung sarili niya na parang walang nangyare. "Ako?"
"AY HINDI! YUNG DAMIT MO!" Tanga neto! Malamang siya. Tss.
"Wala oras yung damit ko para sa'yo." Sabi niya at naglakad na ulet papalayo.
SHEEEZ! Late na nga ako, eh! Bakit ba kasi ngayon pa nangyari 'to, eh?! Hayaan ko na nga lang! Makikita ng lalaking yun! Gagantihan ko siya! Buti na lang may extra shirt ako dito. Natagalan pa ko kasi hinanap ko pa yung CR. Nung nahanap ko na, pumasok ako.
Pagpasok ko, may dalawang babaeng nagtsitsismisan. Pumasok ako sa cubicle, nagbihis, at pinakinggan sila. (Tsismosa ako, eh)
Girl 1: Huy, may nakabangga daw si Kyle kanina?!
Girl 2: Oo nga daw. New girl daw, eh!
Girl 1: Oo nga! Sinigawan pa nga daw si Kyle, eh!
Girl 2: Oh? Tara! Hanapin natin! Kahit natapunan sya ng juice, wala siyang karapatang sigawan si Kyle ko!
Tapos, narinig kong tumunog na yung pinto, hudyat na nakalabas na sila.
Paglabas ko ng cubicle, tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Hindi ako yung pinag-uusapan nila, diba? Pero, imposible namang may kapareha ako nang kapalaran ngayong araw! "Shit! Ano 'tong gulong pinasok ko?"
BINABASA MO ANG
My Enemy is My Savior
Teen FictionNahulog ako sa kanya. As in, yung bagsak na bagsak. Sinalo niya ko. Ako na yata yung pinakamasayang babae nun. Pero, after a short period of time, natauhan siya. Kaya binitawan niya ko. Ayun, nasaktan tuloy ako. Sobrang sakit, kaya ang nagawa ko na...