Chapter 4 - New Friend

6 0 0
                                    

*Pat's POV*

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin kanina. Paglapit niya, nagulat ako. Bakit dun ko lang na-realize na sobrang gwapo pala niya? Matangos na ilong. Mahabang pilikmata. Brown eyes. Perfect teeth. Sobrang bango ng hininga. I mean, siya mismo, mabango. Makinis yung muka niya. I wonder how sexy he is? Sheez! Bakit ko ba 'to naiisip?! Kainis! Bakit ko ba sinasayang oras ko sa pagdedescribe ko sa kanya?! Eh, inis nga ako sa kanya! Biruin mo yun? Panget daw ng boses ko?! Bwisit! Pangarap ko pa naman maging singer! Ughh.

Honestly, natulala ako dahil sa paglapit niya at sa mga sinabi niya. Una, iinisin ako dahil sa mga panglalait. Tapos, sasabihing maganda ko. I mean, sinong hindi magugulat dun, diba? Tas, pagtitripan din yung namumulang pisngi ko. Tsk. Ayun. And, then, I lost it. Tapos, tinawanan niya ko at umalis. WALANG HIYA TALAGA YUN! Nakakainis! I'm thinking that this year will give me head ache, especially him. Ughh.

Nung naka-recover na ko, pumunta na ko sa room kahit alam kong maaga pa. Humanap ako ng magandang pwesto, at umupo na. Maya-maya, may tumabi sakin na babae. Maganda siya, mas matangkad sakin ng konti. Mistisa, mukang mayaman. Napatitig ako sa kanya. Siguro napansin niya, kaya tumingin siya sakin at ngumiti.

"Hi, I'm Ysabella Fuentes. Ysa for short." tapos, she offered her hand.

Nakangiti kong tinanggap yun at sumagot. "Hello, my name's Patricia Anne Mercado. Pat na lang."

"Great! May new friend na ko!" sabi niya, at pumalakpak na parang batang nakakita ng ice cream. Ang cute niya, sobra. Promise. Para siyang Korean. Nags-stand out siya, kahit simple lang yung suot niya. Ang kinis ng balat niya, tapos singkit siya. Yung parang laging nakapikit. Sexy sya, tapos ang ganda nung cheekbones nya. Haha!

"Hey! Stop staring! It's creepy." sabi niya sakin.

Napatitig na naman pala ko?! Kahiya! "Sorry. Ang cute mo kasi, di ko na namalayan." Napayuko ako. For sure, namumula na naman ako neto. Madali kasi kong mamula, lalo na pag nahihiya.

"It's ok. I get that all the time." Sabi niya at ngumiti.

"Bakit parang hindi kita nakita kanina? Irregular student ka?" sabi ko. Konti lang kasi kami kanina, eh.

"No. Na-late lang ako ng gising. So, I decided na sa next subject na lang umattend." Paliwanang niya. Tumango na lang ako. "Anong ginawa niyo kanina?" dagdag niya.

Nanlaki mata ko, nagulat ako. Shit! Pano 'to?! Di ako nakinig kanina?! "Uhmm. Hindi ko alam, eh." Sabi ko nang nakayuko. Nahihiya kasi ako, eh. "I was thinking of something elsa kaya I was mentally absent. Sorry." dagdag ko.

"Ahh, ganon ba? Ok lang yun. No need to say sorry. Bakit? Ano bang iniisip mo? May boyfriend ka no? Share naman! Di ko ipagsasabi, PROMISE!" parang interested na interested niyang sabi, sabay taas nung right hand niya.

"Kasi, ano, uhmm.." Sasabihin ko ba, o hindi?! AISHH! New friend din 'to, oh! Saka feeling ko, magkakasundo kami, eh. Hayy, bahala na. Sige na nga.

*KRINGGG*

Nung binuka ko na yung bibig ko, biglang nagring yung bell. Napatingin ako sa paligid at medyo madami nang tao. Buti na lang, hindi ko natuloy. Hinarap ko ulit siya. "Mamaya na lang, after class. Kung gusto mo, bonding tayo." tapos, ngumiti.

"Great idea! Sige, sige." sabi niya at ngumiti na din.

Dumating na yung teacher at nag attendance. Tapos, narinig ko yung pangalan nung Kyle, naisip kong tingnan. Baka kasi yung nakabungguan ko yung lalaking pinaguusapan nung mga babae sa CR kanina. Paglingon ko, nakatingin siya sakin. SERIOUSLY?! CLASSMATE KO SIYA?! I'M GONNA DIE! Tapos, nginitian niya ko at lumabas sa muka niya yung humanda-ka-saken look. Dali-dali akong lumingon at sumubsob sa desk ng upuan ko.

Seriously! Anong gagawin ko?! Ehhh. Mag-shift na lang kaya ako ng course. Ehhh. Huhu. Gusto ko 'to, eh. Ayoko. Pero, pano 'to?!

Tapos, may kumalabit sakin. "Huy, Pat! Ikaw na tinatawag!" si Ysa pala.

Nagulat ako kaya tinaas ko yung kamay ko, at sumigaw ng "PRESENT!"

Tinawanan nila ko, napalakas ata yung sigaw ko. Hala! Nakakahiya naman. Tss.

"Pat, may problema ba?" Sabi niya na parang nag-aalala.

"Ha? Ahh. Hindi, wala. Sabihin ko na lang mamaya." Sabi ko, at nagpilit ng ngiti. Ang totoo kasi, gustong gusto ko nang sabihin sa kanya. 

"Osige. Basta, don't let your mind fly somewhere else. Just let it stay here, ha?" sabi niya.

Ngumiti ako, at tumango. I'm thankful na may bago akong kaibigang katulad niya.

Tapos, nakinig na kami ulet sa teacher namin.

3 hours 'tong klase namin. Major subject kasi, at once a week lang. Wala naman masyadong ginawa. Nagpa-activity lang yung teacher ng getting-to-know-each-other activities, and wala namang interesting na nangyare. Tapos, nagbigay din ng introduction yung teacher about sa subject. Di ko nga mapigilang isipin kung anong mangyayare sakin dito, kasi nandito yung Kyle at si Miko. Kanina kasi, nung nag-attendance, tinawag din si Miko kaso absent siya. Nacu-curious nga ako kung bakit wala siya, eh.

*After 3 hours*

"Pat, tara. Dun tayo sa park. Tapos, bili tayo nung tuhog-tuhog. Masarap yun!" sabi niya habang inaayos yung gamit niya.

"Oo nga, tara. Masarap nga yun!" sabi ko, tapos umalis na kami agad. Baka kung ano pang mangyare dito, eh.

Natutuwa ako kay Ysa, kasi hindi siya tulad nung mayaman na sobrang arte. Nasabi niya kasi kanina na yung Papa niya may-ari ng isang company at yung mama niya naman tumutulong sa papa niya. So, I'm guessing na mayaman sila.

Pagdating namin dun, bumili kami ng maraming tuhog-tuhog, assorted. Ang sarap kasi, eh. Tapos, kumain na kami at nagkwentuhan.

"So, bakit ba lumilipad yung isip mo kanina?" Sabi niya.

"Kasi nga..." tapos kwinento ko sa kanya lahat simula kay Miko, pati dun sa nakabungguan ko na si Kyle na classmate din namin.  "Ayun lang. Iniisip ko lang kasi kung kakayanin ko bang makasama sa iisang room yung ex ko at yung lalaking nang bubwisit sakin." dagdag ko tapos kinain nang pa-inis yung pagkain ko.

"Eh, ano naman?! You could ignore them, and just enjoy your college life!" sabi niya sabay buntong hininga nang nakangiti. "Saka, isa pa, nandito naman ako. I got your back."

Tapos, niyakap ko siya. Feeling ko, kakilala ko na siya dati pa. Tapos, kumalas na. "Ayy! Sorry!" Tapos, nagtawanan. "Teka nga, ikaw?! Di ka ba magkukwento? Ano bang nangyayare sa buhay mo?"

"Hmm. Wala. I should be taking up business kasi ako daw magmamana nung company ni Dad. Pero, ayaw ko nun. Ang gusto ko IT. Kaya nandito ko ngayon, kausap mo." Sabi niya at ngumiti, tapos nagsalita ulet. "Yun lang ang problema. Wala naman akong love life, eh. I like playing around kaya wala akong serious relationships. Pero, if ever I can find someone worth it, why not, diba?" Sabi niya. Feeling ko, kuntento na siya kung anong meron siya ngayon.

Biglang nag-ring yung phone ko. "Wait lang, ha?" Sabi ko kay Ysa, tapos tiningnan ko kung sino tumawag. Si Kuya pala, kaya agad kong sinagot. "Kuya? Bat ka napatawag?"

"Pat, ano ba naman?! Tingnan mo nga kung anong oras na?! Umuwi ka na!" sabi niya, parang galit na galit kaya napa-oo na lang ako. Tapos, binaba ko na.

"Ysa, have to go. Next time na lang ulet, ha? Ikaw naman magkwento. Bye!" sabi ko kay Ysa, tapos niyakap ko ulet siya.

"Oo, sige. It was nice meeting you." Sabi niya tapos niyakap din ako. Tapos, umalis na ko.

Pagdating ko sa bahay, parang gusto ko na lang umalis ulit dahil sa nakita ko.

My Enemy is My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon