*Kyle's POV*
Girl 1: KYLE?! PWEDE PA PICTURE?!
Girl 2: OO NGA! AKO DIN!
Girl 3: GUSTO MO SUMABAY SAMIN MAG MERYENDA?!
Yan yung mga babaeng kailangan kong pakisamahan araw-araw. Nagsisigaw sila na parang baliw na parang naiihi. Ahh, ewan. Nakakainis talaga. Yung parang tinatapon na nila yung sarili nila sa taong gusto nila. Hindi ko nga alam kung bakit kilala nila ko, eh. First day pa lang naman ngayon. Bunch of stalkers.
Hindi ko na sila pinansin at naglakad na papunta sa garden habang kumakain ng french fries. Ang hirap kayang bilhin nito dun sa canteen, daming tao, eh.
Pagdating ko sa garden, may nakita akong babae. Nakatingin siya sa malayo, at umiiyak. Parang siyang baliw. HAHAHA! EPIC TALAGA! Teka lang. Parang namumukaan ko 'to, ah? Hmm. Ahh! Siya yung babae kanina! Yung natapunan ko ng juice! Wala naman talaga akong pake, eh. Kasalanan niya kaya nabunggo ko siya at natapunan ng juice. Kaya di ko na siya pinansin, at naglakad na. Kaso, tinawag niya ko. Nakakatawa nga din yung muka niya nun, eh. Maganda siya, mas maganda siya kapag galit. Tatawanan ko na nga sana, kaso naisipan kong pag-tripan muna. Pinilosopo ko siya para lalong mainis at umalis na.
Ngaon, nakita ko na naman siya. Pero, iba na yung sitwasyon. Umiiyak siya. Hindi ko alam, kung ano nangyare saken. Binato ko siya ng fries sa noo. It's like an automatic action of mine. Di ko din alam.
Sumigaw siya, "ANO BA?!", tapos tinignan niya ko at biglang nanlaki yung mata.
"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" tapos umupo ako sa tabi niya at kumain ako ng fries.
"Ikaw! Lumayo ka sakin!" sabi niya sabay umurong ng pwesto.
"Ano ba yan! Bat ba lagi kang sumisigaw! Kainis yang boses mo!" sigaw kong pabalik sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Letse 'to, ah!" sabi niya tapos lumapit siya at pinalo ng pinalo ang braso ko. "Grabe ka magsalita! Ang kapal mo! Akala mo, perfect ka?!" sabi niya habang pinapalo pa din ako.
Nung una, hinayaan ko lang. Pero, nung nasasaktan na ko, di na ko nakapagpigil. Hinuli ko yung dalawang braso niya at nilapitan siya. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Sabi ko sa kanya habang papalapit ng papalapit.
"A-ano bang ginagawa mo?" Sabi niya habang umaatras. Namumula na din siya.
Malapit na kong tumawa. HAHAHA! Wait lang! "Hindi bagay sa'yo. Ang ganda mo, pero ang ingay ingay mo." Hinawakan ko yung pisngi niya. "Namumula kana, oh."
Binitawan ko na siya at tumawa ng malakas. Pano ba naman kasi? Natulala na siya dun. HAHAHA! Maka-alis na nga! Hindi magiging boring ang school year na 'to para sakin.
Ayy! Gusto niyo ba kong makilala? Pwes, kung hindi, wala kayong magagawa. Gusto kong magpakilala, eh. My name is Kyle Matthew Flores. Everyone calls me Kyle. 18 na ako, first year college, IT student, and I'm very rich. I mean my parents are rich. Lahat ng gusto ko, binibigay nila. Only child ako, kaya mag-isa kong tinatamasa ang lahat ng yaman. Pero, ang kailangan ko, hindi nila mabigay. Tulad na lang ng oras at pagmamahal nila bilang magulang. My life sounds so cliche, right? Kaya nga bored na ko, eh. Pero, isa lang ang kinaibahan ko sa cliche stories na nababasa nyo. Alam niyo na yun, yung mga bad boys na nagiging good boy because of the girl, yung cassanova type na ma-iinlove sa bidang babae. Kasi, in the first place, I don't want to hurt girls and play around with their hearts.
Mabait ako, pero masama. Ang gulo, no? Pero, yun ang totoo. Pumapasok ako sa school, I don't cut classes. Well, sometimes, pero pag kailangan lang.I respect girls, ONLY if they have respect for themselves, too. Siguro naman, gets niyo yun? Wala akong time to explain such simple things. Suplado daw ako, sabi nung mga taong hindi ako kilala. In the first place, why would I give them attention when I don't even know them. Sasabihin ko 'to dahil yun ang totoo, at hindi dahil sa pagyayabang. Gwapo ako. Pano ko nasabi? Hindi dahil maraming humahabol sakin. It's simply because my mom and dad looks awesome so I got it from them. Lastly, I'm trying to find a girl that will make my heart skip a beat and rock my world. Para hindi na ko mabore sa buhay at maging masaya na.
Habang naglalakad ako sa hallway ng school, nakita ko si Tristan. Normally, sabay kami lagi. Pero, dahil bumili pa ko ng fries sa ma-taong canteen, nauna na siya.
"Kyle, tara na! Male-late na tayo sa next class!" sigaw niya. OA. kainis. GC (Grade Conscious) kasi yan, eh.
"Eto na nga, oh." Tapos, binatukan ko siya. Wala lang, trip ko lang. Tinignan niya lang ako ako ng masama.
Sa mga hindi na kakakilala, he's Tristan Enriquez. Best friend, kababata, kapatid, lahat na. Mayaman din dila, kaya bata pa lang magkakilala na kami. Parehong walang oras ang mga magulang ni Tristan sa kanya, tulad ko. But, instead of crying about it, hinayaan na lang niya. Shempre, ako din. We both live our lives na parang walang nangyayare sa buhay namin. IT din ang kinuha ni Tristan kaya classmates kami. This might sound so gay, but Tristan;s a perfect guy. Every girl would want to be with him just by first sight. Pero, he's not yet looking for a serious relationship, unlike me. Gusto niya daw muna kasing maging successful sa buhay. Buti na lang, he still knows how to have fun, kaya natitiis ko pang makasama yung lalaking yan kahit sobrang boring niya. Pero, honestly, buti na lang nandyan si Tristan. He's the only family I have. AND, we should stop this drama.
Di kami nakapasok ni Tristan ng first subject kasi MEDYO na late kami ng gising. Pagdating namin sa room, umupo agad kami sa bakanteng upuan sa likod. Dumating na din yung teacher after a few minutes. Nag-attendance siya. I looked at the faces of my classmates one byu one kung may interesting ba. Tapos nakita ko yung babaeng binato ko ng fries at natapunan ko ng juice. I've never felt so entertained, or happy. Then, unknowingly, I smiled.
BINABASA MO ANG
My Enemy is My Savior
Novela JuvenilNahulog ako sa kanya. As in, yung bagsak na bagsak. Sinalo niya ko. Ako na yata yung pinakamasayang babae nun. Pero, after a short period of time, natauhan siya. Kaya binitawan niya ko. Ayun, nasaktan tuloy ako. Sobrang sakit, kaya ang nagawa ko na...