Chapter 6 - First Conversation

7 0 1
                                    

*Kyle's POV*

Kanina nung nalaman kong classmate ko yung babaeng nakabunggo ko, parang sumaya ako ng walang dahilan. Alam mo yung feeling na may aasarin na naman ako buong school year. Ayun! Time passed by like a flash. Di ko namalayan na uwian na.

Pag-kauwi ko, wala na namang tao. So, I decided to hang out with Tristan. Nag-bar kami, pero uminom lang kami. Remember, good boys. Di naman masyadong matapang ininom namin. Nagbeer lang kami.

As usual, di na kami nagtaka kung bakit madaming babaeng nakakandarapa ang mga babae samin. Sabi ko nga sa inyo, gwapo kami. Yun ang totoo at hindi ako nagyayabang lang.

"Nakakainis talaga 'tong mga babaeng 'to." Sabi ko kay Tristan nung nakadalawang bote na ko.

"Hayaan mo na, Pare. Di ka na nasanay." Sabi niya at tumatawa-tawa pa.

"Sana ma-realize nila na isang araw, ang pangit tingnan nung ganon. Yung tinatapon na nila yung sarili nila satin." Sabi ko, at kumuha ulit ng isa pang bote.

"Ganyan talaga, pare. We we're born with amazing looks, and, in return, that's what we get." Sabi niya. Umandar na naman ang pagkamahangin nito.

Binatukan ko siya at tumawa. "Bahala ka nga. You are such a arrogant man."

Tapos, uminom na lang kami. Nung nahihilo na ko, nagpaalam na ko kay Tristan.

"Alis na ko, Pre. Bahala ka na magbayad. Mayaman ka naman, diba?" Sabi ko, sabay naglakad na palayo. Kuripot ko, no?

Nung pauwi na ko, may nadaanan akong bilihan nang french fries. At dahil namangha akong may french fries pa ng ganitong oras sa daan bumili ako at kinain yun habang naglalakad.

Nung makarating ako sa may kanto ng park, napagdesisyonan kong umupo muna sa swing. Wala naman kasing magagalit sakin kahit anong oras ako umuwi. Tapos, nakita ko yung nakabunggo ko kanina. Tulala siya, tapos umiiyak. Ang ganda niya pa rin. Pero, nakakainis pag umiiyak siya. Inisin ko kaya. Bwahaha! Binato ko siya ng french fries, wala lang. Haha!

Nanlaki yung mata niya. "ANO BA!" sagaw niya.

"Tsk. Ang ingay talaga." Sabi ko tapos umupo sa katabing swing.

"Ano bang problema mo? Lagi mo na lang akong tinatapunan ng kung ano-anong pagkain! Kainis!" Sabi niya tapos, pinupunasan yung noo at luha niya.

"Lagi ka naman kasing tulala, o kaya naman di naka-focus sa ginagawa, eh." Sabi ko, tapos tumingin sa kanya. "Pwede wag kang maingay?"

Yumuko siya, tapos nagsalita. "Sorry. Nagulat lang ako." Di pa rin niya inangat yung tingin niya.

"Ok lang, kasalanan ko naman. Ako nga pala si Kyle, Kyle Matthew Flores." Sabi ko, tapos inalok niya makipagkamayan. Nung kukunin niya na, inalis ko. Sarap asarin, eh. Haha!

Nanlaki yung mata niya. "NAKAKAINIS KA TALAGA!" Tapos tinawanan ko siya. "BWISIT!"

Tumawa pa ko, tapos nung nakarecover na ko, nagsalita ako. "Eto na talaga, seriously." Sabi ko, tapos inalok ko ulit siya ng shake hands.

Tiningnan niya yung muka ko, tapos tinignan sa mata. Ang ganda ng mata niya, kaso parang ang lungkot. "Patricia Anne Mercado, Pat na lang." sabi niya tapos tinanggap niya yung shake hands.

"Is that how everyone calls you?" Tapos tumungo siya. "Well, I'll call you Patricia." Sabi ko. "Ako lang tatawag sa'yo nun, ha?" Sabi ko tapos nginitian ko siya. Namula siya bigla, ang cute niya talaga. Ang gay ko na pakinggan.

"Ok. Kung yan gusto mo." Tapos, tumingin siya sa baba. "Yung kamay ko..."

Napabitaw ako bigla. "Ayy, oo nga, sorry." Sabi ko, tapos kinain na ulit yung fries. "Gusto mo?"

Napangiti siya, tapos kukuha na sana. Tinapik ko yung kamay niya. "Bumili ka kung gusto mo."

Nalungkot na namn siya. "Kainis ka talagaaa!" Sabi niya tapos, nagiwas ng tingin, at nag-tsk.

"Eto na, oh! Biro lang, eh." Sabi ko, tapos kinalabit siya. Pero di pa rin ako pinapansin. "ano ba kasing problema mo? Bat ka umiiyak?"

Tapos, biglang humihikbi na naman siya. "hey, tahan na. Tahan na." Tapos, kinandong ko siya at hinagod yung likod. Di ko din alam kung bakit ko ginawa yun. Basta ang alam ko, ayoko siyang makitang umiyak kung hindi ako ang dahilan.

Tapos, nagsimula siyang magkwento. "Yung ex boyfriend at bestfriend ko kasi, niloko ako. Ganto kasi yun..." Tapos kwinento niya na lahat. Iyak siya ng iyak. Tapos, hinahagod ko lang yung likod niya. Nung natapos siya, biglang tumunog yung tyan niya. Ngumuso siya.

Ang cute, bwisit. -,- "Gusto mong kumain?" Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sakin, tapos bigla siyang napatayo. Ngayon lang siguro niya napansin yung posisyon namin. Namula siya, tapos yumuko agad. "Hindi na. Alis na ko. Salamat sa pakikinig." Sabi niya tapos, tumakbo papalayo.

Naiwan ako dun, at di muna umalis. Ano kayang nangyayari sakin? Nagkakagusto na kaya ako dun sa babaeng yun? Hindi, hindi. Siguro naka-inom lang ako, kaya ganto. Makauwi na nga. Bahala na bukas sa school.

*Pat's POV*

Shit! Anong nangyare. Nakakainis. Bat ba ko nakakandong sa kanya. Nakakahiya, baka nabigatan yun sakin. Tapos, aasarin ako bukas. Tsk. Pero, naamoy ko siya. Amoy alak, pero, mabango pa din. Kung hindi lang nang-aasar ok na, eh.

Di ko namalayan na nasa gate na pala ko. Buti na lang di ako masyadong umiyak. Di na nila mapapansin yung pag-iyak ko. Pagpasok ko, andun pa din si Kuya sa garden.

"Oh, Pat! Ok ka ka lang? May ginawa ba yung lalaking yun sa'yo?" Sabi niya at tiningnan yung mga braso at muka at paa ko (buong katawan. Haha!) kung may pasa. Over protective, eh!

"Hindi, Kuya. Ayos lang ako. OA mo. Sana pumasok ka na. Magkasakit ka pa, eh." Sabi ko, tapos nginitian siya. "Tara! Gutom na ko, eh." At, hinila siya paloob.

"Osige na nga. Hahayaan kita ngayon. Mukang ayaw mong ikwento, eh." BUti naman na-gets niya. "Tara, sabay na tayo."

Nanlaki yung mata ko. "Di ka pa kumakain?!"

Umiling siya. "Hinintay kita, eh." Sabi niya tapos ginulo yung buhok ko. "Tara na." Tapos, naghain na siya.

Kumain lang kami ng tahimik. Una, dahil masarap yung ulam. Pangalawa, gutom ako. At, lasty, inaantok na ko. Feeling ko, sobrang haba ng araw ko ngayon.

Nung natapos ako, huhugasan ko na sana yung pinagkainan kaso nagreklamo siya. "Ako na, Pat. Tulog ka na dun. Maaga ka pa diba?"

Niyakap ko siya. "Iloveyou, Kuya. So much. Thank you, for being the best brother." Tapos, kiniss ko siya sa cheeks. "Good night kuya, akyat na ko."

"Iloveyoutoo, Pat! Good night." Sabi niya habang nagliligpit.

Pagpasok ko, nagbihis na lang ako sa sobrang pagod at nahiga. "hayyyyy." Napabuntong hininga ako ng malalim sa sobrang pagod. Inisip ko muna yung nangyare sa park. Ano kaya yun? Wala lang siguro yun, no? Nakainom lang siguro siya. Makatulog na nga. Bahala na nga bukas. Zzzzzzzzzzz.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Enemy is My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon