Chapter 5 - Confrontation

7 0 0
                                    

May nakita akong kotse. Kilala ko 'tong kotseng 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Miko 'to. Pero, hindi. Imposible. Bakit naman siya pupunta dito? Wala nang dahilan. Matagal na siyang nagsawa.

Pagpasok ko ng gate, nakita ko si Kuya, naghihintay sa may garden. Sa sobrang sweet neto ni Kuya Jek, feeling ko natalbugan niya na yung chocolate. Sayang, kapatid ko pa siya. Gwapo at matalino yan. And, siguro naman, napapansin niyong family-oriented siya. He respects our parents, me, and even those who respect him. The reason? Simply because he wants everyone to respect him the way he respects himself. Pero, don't get me wrong. I love Kuya, 'cause he's the best Kuya. I idolize him. Sana makahanap ako ng someone na katulad niya.

"Jericho Mercado!" tawag ko sa kanya. He snapped his head na parang wala nang bukas, kaya natawa ko ng malakas. Tapos, tiningnan niya lang ako. Nung nakarecover ako, tinabihan ko siya sa bench. "Ano bang iniisip ng perfect kong kuya?" sabi ko, tulala kasi siya kanina, eh. Parang may iniisp na malalim.

"Ha? Wala, wala. Bakit ngayon ka lang umuwi?" sabi niya, tapos ginulo yung buhok ko.

"Bayan, Kuya! Yung buhok ko, oh!" Sabi ko habang inaayos yung buhok ko. "Lagi na lang yung buhok ko, eh! Bat nga pala dito ka pa naghintay sa labas, pwede namang sa loob?" Sabi ko. Syempre, concerned ako.

"Wag mo ngang sagutin yung tanong ko ng tanong din! Bakit ngayon ka lang?" sabi niya tas sumandal sa upuan.

"Para naman 'tong tatay. Nagbonding po kasi kami n ung bago kong kaibigan dun sa park, Tay. Getting-to-know-each-other stage and stuff. Ok na po ba?" Tapos, sumandal din ako. "Ano bang iniisip mo, Kuya?"

"Wala ka na dun! Haha! Pakielamera neto!" Sabi niya tapos akbay sakin. "Pat, pag may nagpa-iyak sa'yo, mapapatay ko." Sabi niya. May pinagdadaanan siguro 'to.

Tumawa ako. "Bat naman ang seryoso mo dyan, ha? Tapos, kung ano-ano pa sinasabi mo. Haha!"

"Yung ex boyfriend mo po kasi, nandun sa loob. Kanina pa nga, eh." sabi niya.

"Yun lang naman pala, eh." Sabi ko tapos pumikit. WAIT?! WHAT?! DID HE JUST SAY THAT MY EX WAS INSIDE MY HOUSE?! Napatayo ako agad. "KUYA NAMAN! BAT NGAYON MO LANG SiNABI?! KAINIS KA! TSK."

"Wala lang, namiss lang kita. Minsan na lang tayo makapagbonding, eh." sabi niya, tapos yumuko. "Kaya nga ko lumabas dito, eh. Naiinis ako dun sa lalaking yun. Kung alam lang nila Mama't Papa kung ano ginawa nun sa'yo, baka kanina pa yun kinaladkad palabas." sabi niya, tapos inangat yung ulo niya na magkasalubong yung kilay. "Sige, pasok na."

"Thank you, Kuya. For keeping that from them. And, sorry sa sakit ng ulo." Sabi ko, tapos ngumiti at tumalikod na. "Tatapon ko lang yung kalat na nasa loob ng bahay, ha? Babalik din ako." Sabi ko, tapos naglakad na papasok.

"Sige. Basta, kahit anong mangyare, I'll always be here, Princess." sabi niya, feeling ko nakangiti siya nun.

Humarap ako ulet. "Thank you ulet Kuya, for everything." Sabi kong nakangiti at tuluyan nang pumasok.

Nakita ko sila sa may dining table, kumakain habang nagtatawanan.

"Ma, Pa, andito na po ako." sabi ko, tapos lumapit sa kanila at kiniss sila sa cheeks.

"Pat, anak, kain ka na dito." Sabi ni Mama.

"Mamaya na po, Ma. Kailangan na po kasing umuwi ni Miko. Saka, may pag-uusapan pa po kami sa park. Diba, Miko?" sabi ko at tumingin sa kanya na parang um-oo-ka look na may pekeng ngiti.

"Ahh. O-oo nga po pala. Tito, Tita, labas lang po kami saglit, ha?" sabi niya ng naka-ngiti sa kanila. "Hatid ko na lang po pabalik si Pat."

Pagkatapos niyang magsalita, hinila ko na siya sa braso palabas. "Be right back, Ma, Pa." Wala na kong pake sa iisipin nila ngayon. Basta kailangan ko nang mapa-alis si Miko.

"Nak, dahan-dahan!" Sabi ni Mama. "Bumalik ka kaagad, Patricia!" sabi ni Papa.

"Opo, Ma." sigaw ko pabalik at nakalabas na kami ng pinto. Nakita ko si Kuya na magsasalita kaya inunahan ko na. "Talk to you later, Kuya! Bye!"

Pakalabas namin ng gate, binitawan ko na siya. Naglakad ako papunta sa likod ng sasakyan niya at sumunod naman siya.

"Dito tayo. Matatagalan pa tayo kung pupunta tayo sa park." Sabi ko ng pataray sa kanya.

"Pat, can we talk?" Sabi niya na parang nalulungkot. Hindi niya ko maloloko.

"Ano pa bang ginagawa natin ngayon?" sabi ko at tinignan siya na puno ng inis. "Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin para makaalis ka na."

"Pat, sorry sa lahat." Sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko. "Patawarin mo ko."

Marahas kong hinila yung kamay ko. "Talk all you want, pero wag mo kong hahawakan."

"Sorry, Pat. Alam ko, sobra kang nasaktan sa mga ginawa ko. Naguluhan lang naman ako, eh. Yung best friend mo ang may kasalanan ng lahat. Nilalandi niya ko, she was so sweet. Natukso lang ako. Tapos, nung isang gabi, nagulat na lang ako, may picture kaming magkahalikan, sigurop nung time na nalasing kami sa bar. Pinakita niya sakin yun to threaten me. Pag hindi daw ako nakipag-break sa'yo, ipapakita niya yun sa'yo." Sabi niya. His eyes started to water. "Ayokong masira yung pangalan at pagtingin mo sakin, Pat. Kaya mas pinili kong hiwalayan ka." Sabi niya at tuluyan nang tumulo yung luha niya. "Pero, nagsisisi na ko, Pat. I'm sorry. I did not mean to hurt you."

Nasampal ko siya sa sobrang inis. "Don't you dare blame this all to my ex best friend! I know she has a fault, pero wag mong ibigay lahat ng sisi sa kanya. You cooperated with this shit you both did! Si Luisa pa, BULLSHIT! Naguluhan, nilandi, natukso! Fuck yourself, Miko! Kung kuntento ka na saken, kung minahal mo talaga ako, kahit gano kasarap pa ang pagkaing ihain sa harap mo, ako ang pipiliin mo! No doubts included! Mapapatawad naman kita, eh. Sana sinabi mo saken. Sana nagtiwala ka. Pero, anong ginawa mo? You chose your stupid name over me. Kaya wala ka nang babalikan, Miko!" sabi ko sa kanya. Siguro namumula na ko sa galit ngayon.

"Umalis ka na, Miko." Sabi ko sa kanya at tinulak siya. 'Hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya,' I kept saying this to myself now.

"I'm really, really sorry, Pat. I know there's still a chance for 'us.' Kaya, hinding hindi ako titigil hangga't hindi mo ko binibigyan ng chance, Pat." sabi niya with conviction. Parang desididong desidido siya. Well, fuck him. Pinaharurot niya yung sasakan niya.

"LETSE KA, MIKO! YOU PIECE OF CRAP!" sabi ko, tapos naglakad papunta sa park. Bigla na lang kasing tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I tend to cry when I'm mad. Pero, ito, halo-halo na. Hatred, Love, Hurt, Confusion. Basta! Sa park ako pupunta kasi ayokong makita ng pamilya ko kung anong epekto ng ginawa sakin ni Miko. Isa pa, ayoko silang masaktan sa mga katangahang ako lang ang dapat naaapektuhan. Lalo na si Kuya. Ayokong magkagulo sila. Ayokong magkagulo.

Pagdating ko sa park, umupo ako sa swing. Dito ako madalas tumambay. Gustok ong mag-isip at mapag-isa, eh. Ang sarap ng hangin. It helps me think clearly.

*TING!* (sound effects ng chicheryang tumama sa noo) Shit! Ano ba yan?! Kailangan kong mag-isip, eh. Kainis naman 'to. Istorbo! "ANO BA!"

My Enemy is My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon