Chapter 2 - Past

18 0 0
                                    

First day, late na late na ako. Nakabangga ako ng lalaki na sobrang sikat yata kaya delikado na ako. Natapunan ako ng juice. Not bad for a freshmen, huh? Good luck naman sakin! Basta, kailangan kong makapagtapos! Fighting!

Bago ako lumabas ng banyo, chiceck ko muna kung wala na sa labas yung mga babaeng war freak. Nung masiguro ko, nakayuko akong mabilis na naglakad papunta sa room.

Pagdating ko sa room, 30 minutes na kong late. Hindi na ako pinagalitan nung teacher kasi first year, and first day ko naman. Tinuro niya yung bakanteng upuan sa likod at pinaupo ako dun. Hindi ko nagustuhan yung sunod na nakita ko. Yung seatmate ko, nakatingin sa akin na may mala-demonyong ngiti sa muka. For Pete's sake! Bakit sa lahat ng tao, siya pa?! Sino?! Si Miko Dominguez lang naman, yung ex boyfriend ko! For sure, namumula na ko sa halo-halong emosyon. Galit, hiya, at kung ano-ano pa!

Nung maka-recover ako, naglakad ako papunta sa upuan ko. Nagsimula na ulit magsalita yung teacher sa harap. Nakinig akong mabuti, pero wala. Pumasok at lumabas lang sa tenga ko. Walang pumasok sa isip ko. Kasi, iniisip ko kung paano ako makakatagal sa ganitong sitwasyon. Naiinis ako, SOBRA! Feeling ko, nakatitig siya sakin. Pero, hindi na ako umasa. Naalala ko na naman tuloy! Aishhh!

*FLASHBACK*

"Pat, magbreak na tayo." Sabi ni Miko na seryosong seryoso yung muka.

Tumawa ako nang malakas, pero sa totoo lang, kinabahan na ko. "Sige lang!" Nginitian ko siya.

"No, Pat. I'm being serious here." Sabi ko na, eh. Pipigilan ko yung luha ko. Pipigilan ko 'to!

"H-ha? A-anong sinasabi m-mo?" Di ko na napigilan. Unti-unti nang tumulo yung mga luha ko.

"Naka 6 months na naman tayo, diba? Tama na yun. Nagsasawa na ko." Tapos, niyakap nya ko na parang yun na yung pinaka-huling beses na makikita niya ko.

"S-sige na nga." Kunyare, masaya ako. Kaya pinilit kong tumawa. "Kung yan ang makakapagpasaya sa'yo." Nginitian ko siya at naglakad nang palayo.

"Pat, wait lang!" Sigaw niya pero di niya na ko sinundan o hinabol pa.

"Hindi! No need. Ok na ko sa 6 months! Thank you, sa lahat!" Sinabi ko yan nang nakatalikod. Nag thumbs up pa ko sa kanya.

Tsaka tumakbo papalayo. Di ko na kinayang tingnan siya. Humagulgol na ako sa sobrang iyak. Putek! Ang sakit! Tarantado siya! HAYUP! Yun?! Yun lang yung dahilan niya! Pumunta na siyang impyerno! Ughhhh! Tumakbo ko papuntang CR at dun nilabas lahat ng sama ng loob.

*END OF FLASHBACK*

*KRINGGGGG* Buti na lang nag-bell na! Nangingilid na yung luha ko nun, eh. Syempre, masakit pa rin. Pero, hindi na masyado. Hindi na katulad nung dati. Kinalimutan ko muna na kasama ko sa iisang room yung ex boyfriend kong nang-iwan at pinagsawaan ako. Pagkalabas nung teacher, sumunod na din ako agad. Hinanap ko yung garden at dun tumambay. Di pa ko tapos sa flashback, eh. Buti na lang, 2 hours break pa ko.

Di niyo pa pala kilala si Miko, no? His full name is John Miko Domiguez. We've known each other since gradeschool. Crush nga namin isa't isa nun, eh. Tapos, we went to the same school nung high school. Parang fate, ASTIG! Pero, during the first three years, di kami nagkaroon ng contact sa isa't isa. We were like strangers. Pero, crush ko pa din siya nun. And nababalitaan ko na he feels the same. I guess, he just wanted to focus on his studies. And then, niligawan niya ko nung fourth year. 1 month lang siya nanligaw, hindi na masyadong ma-effort. Crush ko yun, eh. Tapos, ayun. Nagbreak kami. I guess, totoo yung kasabihang 'Ang mga bagay na madaling nakuha, madali ding mawawala.' Malaki yung pinagbago ni Miko. Nung grade school, sobrang mahiyain, mabait, down to earth niya. Tapos, bigla siyang naging mayabang, siguro dahil sa kasikatang tinatamasa niya.

Siguro, dahil dun, kaya hindi na ko masyadong nasasaktan ngayon. Because, he turned out to be someone he promised he never would be. Kaya lang naman ako nasasaktan ngayon dahil sa best friend ko siya nagkagusto.

*FLASHBACK*

Pag-uwi ko nung araw na mag-break kami, nagkulong ako sa kwarto. I cried to sleep that night. Hindi ko na napansin sila Mama, Papa at Kuya Jek. Kinabukasan, binuksan ko yung facebook account ni Miko. Alam ko kasi yung password niya, eh. Nagtingin ako ng mga pictures namin. I also read all our old and sweet conversations that slowly turned into cold as ice conversations. After a week or two, may napansin ako. Yung conversation nila nung best friend kong si Luisa. May nagtutulak saking buksan yun, kaya yun ang ginawa ko. Naiyak ako sa nakita ko. As in, napahagulgol ako. Sobrang sweet nila. Hindi naging ganto si Miko sakin. He was saying such sweet and cheesy pick-up lines. Nung tumagal na, Miko's saying ILOVEYOU to my best friend. My gosh, ganto ba ko ka-manhid? Or worst, ganto ba ko ka-tanga?! Nabaliw ako nung nakita kong gustong ligawan ni Miko si Luisa. Seriously?! 'Ex boyfriends are not allowed to fall in love with the best friend.' I don't believe in that shit. If they have really do love each other, why not? Hindi ko sila pipigilan. Hindi ako masamang tao. Pero, masakit pala. Pero, kailangan kong tanggapin. Dati ko pa napapansing nagiging close na sila, di ko lang pinansin kasi alam kong friendly si Luisa. Pero, nangyari na, eh. Aayusin ko na 'to. Naghanda ako para sa pagpasok.

Pagdating ko sa school, hinanap ko kaagad si Luisa. Nakita ko siya sa may cafeteria. "LUISA!"

"Bes, ano nangyari?! Bat grabe yang eye bags mo?!" Sabi niya na parang alalang alala.

"Break na kami ni Miko, 1 week na." Sabi ko sa kanya.

Hinila niya ko papunta sa may gilid at dun kami nag-usap. "HAAA?! ANONG NANGYARE?!"

"Ok na daw yung 6 months, sawa na daw siya." Sabi ko na  walang gana.

"OMG, Bessy! Hayaan mo na! Madami pa namang iba dyan! Kaso, sayang si Miko." Sabi niya at sumimangot.

"Luisa, may gusto ka ba kay Miko?" Seryoso kong tanong. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Bessy! San mo naman nakuha yan?!" Bigla syang hindi mapakali.

"Nabasa ko sa FB ni Miko. Wag ka nang magsinungaling, Bessy. Kilala na kita. First year pa lang, magkasama na tayo, eh." Sabi ko sa kanya, tapos niyakap siya.

"Sorry, bessy. Hindi ko alam, eh. Ewan ko." Sabi nya na humihikbi.

"Ok lang, Bessy. Naiintindihan ko. Ok lang sakin na maging kayo, I'm happy for you. Lalayo na lang muna ako, ha? Masasaktan pa kasi ko, eh. Kapag naka move on na ko, kakausapin na lang kita ulet, ha? Iloveyou! Bye!" Bumitaw na ko sa pagkakayakap at nginitian sya. Tapos, umalis na ko.

Nakatulala lang siya at bumulong. "Sorry, Bessy. Di ko sinasadya."

*END OF FLASHBACK*

Sa sobrang sakit, umiyak na naman ako. Nasa garden ako, nagpapahangin, at umiiyak. Ito naman yung lagi kong ginagawa, eh. Natural na sa tao na masaktan at umiyak, pero nakakapagod din. Sana sumaya na ko.

Maya-maya, may bumato sakin ng french fries sa noo. "ANO KA BA NAMAN?!"

Pag harap ko, yung lalaking nakabunggo ko kanina, nakangiti siya na parang demonyo.

My Enemy is My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon