"Hay Salamat!!" sabi ko sa sarili ko kasi vacant na namin. As usual kapag walang teacher e nandun na yung mga kaklase mong maiingay! Nakakairita kapag sobrang ingay. Pero sa kabila ng ingay at harutan na yun e may biglang sumigaw ng "Aray!" si Sophie pala yun.
"Sino yung bumato ng papel sa'kin?!" pasigaw niyang sabi. "Ang OA naman neto,para papel lang eh. Tch." pabulong kong sinabi pero hindi ko akalain na narinig niya pala ako...
"Anong sabi mo?! Siguro ikaw yung bumato sakin no?!" sabi niya sa akin
"Huwag ka ngang magbintang nang hindi mo naman nakikita,at hindi ako yun.Tch." sagot ko sa kanya.Pagkatapos nung sinabi kong yun ay bigla siyang lumapit sa akin at bigla kinuha ang bag ko at inihulog lahat ang laman nun."Yan ang bagay sayo!" sabay tawa kasama ng mga kaibigan niya,parang mga abnormal. Tch.At dumating na ang teacher namin. Naku buti nalang at dumating na yung teacher namin. Kung hindi ay naku! Nakakagigil! sabi ko sa isip ko pero dahil hindi naman ako nagtatanim ng galit e pinabayaan ko nalang.
Ring!Ring!Ring!
---Lunch break---
Buti nalang at lunch break na,kanina pa nag krukrukru ang tiyan ko.
"Hoy Samonte! Akala mo palalampasin ko nalang ng ganun ganun yun ah! Hindi pa tayo tapos!" Narinig ko sa likod ko habang naglalakad.Kinabahan ako dun sa sinabi niyang yun ni Sophie.
Ay naku! Nasan na ba si Heaven baka bugbugin ako neto.
Sophie's POV
Tatangkain ko na sanang sabunutan si Kisses ng biglang may umakbay sa kanya
"Hi bes! Tara gumorabells na tayo at maglunch!" nagtataka kong pagkadinig sa sinabi ni Harry. Ano daw?! Bat ganun siya magsalita! Parang bading! Iww.
"Teka sino ka?" pagkasabi ni Kisses na para bang nakakita siya ng stranger. "Ako pala si Harry" malanding sagot ni Harry. "Bitawan mo nga ako! Nakakabastos ka ah!"---Flashback---
"Uy pare!Nakita mo ba yung babaeng yun?" sabi sa akin ni Joao sabay turo dun sa babaeng naglalakad dun sa hallway. "Ah oo kanina ko pa siya nakita dun sa canteen nakasabay ko. Ang bango nga ng buhok niya e *.*"
Gulat namin dalawa ni Joao ng biglang may sumigaw mula dun sa likod namin.
"Hoy! Bestfriend ko ba pinag-uusapan ninyo?!" sabat nung babae dun sa likod namin.
"Ah. Bes mo ba yun?Tulungan mo naman ako,ilakad mo ako sa kanya." sabi ni Harry."Sorry! Wala kang chance sa kanya dahil manhater yun! Bleeh! :P Sige na aalis na ako." sabi ng babae dun sa likod namin. "Alam ko na pare! Magpanggap kang bading tapos lapitan mo siya dali!" Sabi ni Joao. "Seryoso ka pare?Sige na nga!
---End of Flashback---
BINABASA MO ANG
Surreptitious Love
RomanceSi Harry Reyes na isang tipikal na lalake at hahamakin ang lahat para lamang sa kanyang nagugustuhan. At si Kisses Samonte naman na isang "manhater" at nangakong hindi iibig sa kahit na sinumang lalake,pero paano kung nagbago ito? Tuluyan kaya siyan...