Chapter 5

18 13 1
                                        

Harry's POV
Sus! Kainis naman si ma'am ang aga-aga nangbabadtrip,nag-overtime. :3 Bitin nanaman niyan ang recess.
Pero kasalanan ko naman, di kasi ako nakikinig e. Tsk.
(Biglang dumaan si Kisses).
"Uy Dayy! Pupunta akong canteen tara recess tayo", sabi ni Kisses kay Harry.
"Osige tara na Day!"
Habang papunta sa canteen ay nakita ko si Sophie. Napa-isip ako, ang tagal ng nagkakagusto sa akin ni Sophie pero...
"Hi Harry!" pagbati sa akin Sophie

Wala na akong nagawa kundi ang pansinin din siya...

"Hi Sophie!" bati ko rin pabalik...

"Kaklase ko yun e,close pala kayo nun?" bigla akong napatingin kay Kisses na biglang nagbago ang reaksyon niya.

"Ah oo. Pero hindi naman ganon ka-close. Bakit naman?" sabi ko

"Hindi naman sa galit ako sa kanya, pero kasi ang sungit niya, nung minsan nga may nagbato sa kanya ng papel, tapos nung nakita niya ako,ako daw ang may kasalanan, ngekngek niya. Nanahimik ako dun sa classroom e,tapos ako agad?" pagdedepensa niya na animo nasa debate

Nakarating na kami sa canteen ng di namin namamalayan

"Kalma lang,Day! Mas maganda ka naman di hamak sa kanya, tyaka halatang masungit yun, pati nga yung iba sinusungitan nun kapag sa umpisa pa lang di na niya gusto" pagkakasabi ko rin.

"Ah so close nga kayo?Bakit alam mong masungit sya? Tyaka parang alam mo lahat sa kanya?" tanong niya...

Tae! Ano isasagot ko neto? Grabeng tanong to. Parang nasa hotseat ako whoooo.

"Ah mas mabuti pang um-order na muna tayo." Pagpapalusot ko na lamang...

"Ahm, yung tanong ko pala Day! Di mo pa sinasagot!"

Nabigla ako sa kanya

"Ah yun ba? Oo close kami dati,dati yun. " sagot ko

"Oh, I see. So paano kayo naging close?" pagtanong niya ulit

Ay buset! Baka hanggang mamaya mabuking ako nito na nagpapanggap lang ako. Pfffttt.

"Ay day,wag mo na alalahanin yun tara kumain nalang tayo baka di pa natin to matapos"

"Calling all the students of this campus for an announcement.Thankyou"

Ano kayang announcement yun?

"Tara Day punta na tayo sa gym para marinig natin yung announcement." pagyayaya sa akin ni Kisses

"Tara Day!"

Nang makumpleto na kami gym

"Nandito na ba lahat?" Pagtatanong ng speaker dun sa stage

YES!

Sabay sabay naming sagot

"So hindi pa man nga nangangalahati ang school year,pero napag-isipan namin na magkaroon ng Social Night na gaganapin next Friday.Excited na ba kayo??!!!"

"Alright!"

"Yes!"

"Super excited!"

Sigawan ng mga students sa kabilaan
Ako din excited hehehehe. May naisip nanaman ako!!!

"Day! Mag-aattend ka ba?" Pagtatanong ko

"Di ako sure e. Magpapaalam muna siguro ako." sagot niya naman

Ayst. Sayang naman. Pano kung di siya payagan? Pero wag dapat akong nega. Di pa naman sure e.

"Ah ganun ba? Papayagan ka sure yan. Ihahatid nalang kita ng gabi nun kung gusto mo hehehe" pagsusuggest ko

"Ganun ba, titignan ko pa rin Day. Alam mo naman babae ako hehe" sagot niya...

"May point ka naman jan Day. Sigesige."

Surreptitious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon