"Knock!Knock!Knock!"biglang bumukas ang pinto...
"Hoy babae,gumising ka na jan!Ano ka ba!Unang araw ng klase,mala-late tayo?" sabi ni Heaven.
Unti-unti ko nang tinanggal ang kumot ko,pero di ako agad nakatayo dahil masakit ang katawan ko,dulot siguro ng malamig na aircon kagabi.
"Eto na oh tatayo na. Teka nga,ano na bang oras at aligaga kang pumasok?" sabi ko.
"Oras na para tumayo ka jan,kumain ka at maligo!" pasigaw na sagot ni Heaven.
Ako nga pala si Kisses Samonte,19 years old. Simpleng babae lang na may prinsipyo sa sarili,sabi ng iba ma-appeal daw ako,matalino at maganda. Kaya nga naman sobra ang alaga sa akin ng aking mga magulang.
At eto naman ang baliw pero matalik kong kaibigan na si Heaven Del Monte,19 years old na rin siya. Kalog pero may maiibuga naman pagdating sa katalinuhan at kagandahan. Galing siya sa mayamang angkan,kaya naman e medyo spoiled siya.
Grade 4 pa lang e matalik ko nang kaibigan yan si Heaven kaya naman marami na ang pinagsamahan namin. At alam ko lahat ng sikreto niyan,dahil sa akin lang siya maluwag na nakakapagsabi ng kanyang mga isinisikreto. Kahapon nga lang e nung kachat ko siya e may bago na namang crush ang loka loka.
Mabilis akong tumayo at nagpunta na sa CR para maligo. Ilang minuto lang ay natapos na agad ako dahil sa nagmamadali ako at first day ng klase baka ma-late kami.
2 kilometro layo ng school namin sa mga bahay namin bago makarating sa school. Habang nasa kotse ay nagkwentuhan kami kung sino kaya magiging bagong classmates namin. Sa medyo mahaba habang kwentuhan namin e nakarating na kami sa school.Dali-dali kaming lumabas sa kotse,papasok pa lang kami ay hinarangan na agad kami ng security guard. "Late na kayo ah." sabi ni Kuya Guard. "Pasensiya na po."sabay naming sagot ni Heaven.
Pagkarating sa classroom e nakatingin na lahat sa akin mga bago kong classmates. "You're late,Ms. Samonte!" sabi ng teacher ko. "Sorry po, ma'am." pagkasabi ko habang nakayuko. "Next time na malalate ka e,hindi na kita papapasukin sa aking klase."sambit ni ma'am.
"Yes po." sabi ko habang naglalakad papunta doon sa bakanteng upuan sa likod Ang saklap dahil hindi ko kaklase si Heaven T.T
Pagkalipas ng dalawang nakakaboring na klase ay recess na!!! Habang naglalakad papuntang cafeteria biglang may humawak sa dalawang braso ko sa likod. Pagkatingin ko ay si Heaven pala.
"Uy buti nalang nanjan ka na" nakakabored kasi sa dalawang klase namin dahil wala pa akong ka-close pagkasabi ko. "Uy alam mo ba yung sinasabi ko sayo na bago kong crush e kaklase ko pala! Kenekeleg ako bes!'
Pagkadating palang ss canteen e um-order na kami.
--after 15 minutes--
Babalik na kami sa aming kanya kanyang classroom , ako naman e napabili muna sa canteen ng burger dahil kinulang ako dun sa kinain namin at kakainin ko nalang ss classroom. Habang kumakain e,napansin kong nakatingin sa akin yung tatlo kong kaklase na yung tingin ba na "may ginawa kang mali look". Hindi ko na lamang pinansin baka awayin pa ako. Hindi naman ako warfreak.
Maya-maya lang e dumating na yung pangatlo naming teacher,si Sir Magpayo teacher namin sa General Math. Sa loob ng isang oras na yun,tinalakay lang namin ang Laws of Exponent,sumunod naman ang Earth Science.
Nasa Grade 11 na pala kami at ako ay nasa STEM track kaya naman di kami magkaklase ni Heaven ay dahil nasa ABM track siya,Accountancy kasi balak niyang kunin sa college at ako naman ay MedTech.
BINABASA MO ANG
Surreptitious Love
RomanceSi Harry Reyes na isang tipikal na lalake at hahamakin ang lahat para lamang sa kanyang nagugustuhan. At si Kisses Samonte naman na isang "manhater" at nangakong hindi iibig sa kahit na sinumang lalake,pero paano kung nagbago ito? Tuluyan kaya siyan...