Kisses's POV
Pagkarating sa bahay,nagpahinga lang ako sandali at dumiretso na sa banyo para maligo. Pagkatapos nakita ko si Mama nandoon sa kusina, naku napaka bango talaga magluto nitong si Mama,amoy pa lang ulam na,at habang si Papa nandun sa sofa nagbabasa ng newspaper. Ganito lagi ang nadadatnan ko sa tuwing umuuwi ako ng bahay."Oh anak nandiyan ka na pala,halika na rito sa lamesa at kakain na." Sabi sa akin ni Mama nung makita niya ako "Pakitawag na rin pala ang Papa mo dun sa sala."padugtong niya
Gulat ko nung nakita ko doon si Papa sa sofa at hinahabol ang kanyang hininga.
(&//$5^^&7#
"Mama si Papa sinusumpong na naman ng asthma! pagkasigaw ko kay mama kaya naman dali daling pumunta dito sa sala kung saan kami naroroon.
"Bilisan mo na anak at kunin mo ang nebulizer."napatakbo nalang ako sa kwarto ni Papa.
Naku si Papa kasi hindi na naman binuksan ang electric fan,ayan tuloy.Pagkatapos niyang ma-nebulizer ay pinagpahinga muna namin siya kaya kami nalang muna ni Mama ang sabay kumain.
Pagkatapos kumain pumunta na agad ako sa kwarto ko para gawin ang mga assignments. Pagkatapos kong tapusin ang assignments ay napatingin ako dun sa ginagawa ko story sa wattpad. Naging hobby ko na ang pagsusulat sa wattpad noong Grade 9 pa lang ako,siguro dahil sa nai-inspire ako sa mga authors ng story na binabasa ko.
Namalayan ko nalang na nasa kama pala ako pagkagising ko
@.@
Bigla nalang may kumatok sa pinto ko,nagmumuni-muni pa ako e. Tch."Pasok..."sabi ko.
"Naku malalate na naman tayo ata bes!" kumain na muna ako sandali at naligo na. Mabilis na kaming nakarating school at nakita ko agad ang baklitang si Harry.Kataka-taka ang baklitang ito,lalaking lalaki kung manamit at infairness dahil kung lalake siya ay gwapo siya.
Pero hinde! Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya!Tch! Ngekngek niya...hanggang namalayan ko nasa harap ko na pala siya...Iba ang dating niya sa kahapon sa ngayon. Tch! May pakiramdam ako dito!Pffft! Wag lang sana dahil kung hindi...
Harry's POV
Nasa klase ako nang biglang sumagi sa isipan ko si Kisses,kataka-taka ang mga tingin niya sa akin. Hindi kaya nakakahalata na siya sa akin?Naku wag naman sana,hindi pa ako ready umamin sa kanya,may panahon para sabihin ko sa kanya ang totoo.
---flashback---
Lalapit na sana ako kay Kisses nang may inilabas siyang lipstick.
Wag niyang sabihin na lalagyan niya ako nun?!!! LANGYAAAAA
At siya ring lumapit sa akin at nilagyan ako ng lipstick -.-
Wala na akong nagawa kundi ang lagyan niya ako. Mukha daw kasi akong lalake dahil wala akong postura sa mukha. Pffft!
---end of flashback---
Nagulat ako nang nakita ko ang teacher namin na nanlalaki ang tingin sa akin.
"Mr. Reyes!!!" pasigaw niya sa akin "I called you three times pero hindi mo ako naririnig! Ano ba yang nasa isip mo at lutang ka?! Answer me!" padugtong niya.
"Yes ma'am?" sagot ko.
"I said give me example of organ that is found in plant cell!" nanggagalaiti niyang sabi sa akin. "Ma'am hindi ko po alam."sabi ko sabay yuko
"My God! Anyone else?" sabi ni ma'am
Hanggang sa natapos ang klase at recess na...

BINABASA MO ANG
Surreptitious Love
RomanceSi Harry Reyes na isang tipikal na lalake at hahamakin ang lahat para lamang sa kanyang nagugustuhan. At si Kisses Samonte naman na isang "manhater" at nangakong hindi iibig sa kahit na sinumang lalake,pero paano kung nagbago ito? Tuluyan kaya siyan...