Harry's POV
It's already 7pm kailangan na namin magpunta kung saan kami magkikita-kita."Pare, 7pm na tara puntahan na natin sila." ako
Tumingin naman sa oras si Joao
"Oo nga no. Naku tara na baka naghihintay sila doon."
Nagpunta nga kami doon at sakto nakita namin sila Kisses at Heaven na papunta rin sa Blue Magic.
"Oh ayan na rin pala sila e." si Joao
"Hi mga bess! Ssss hahahaha" ako
"Oh ayan na rin pala sila oh!" Heaven
"Tara na baka wala na tayong masakyan niyan. Hehehe" si Kisses
Umalis na nga kami agad sa mall. Nagkanya-kanya na kaming uwian sa ngayon. Oras na kasi at may mga assignments pa pala kami.
Lumipas ang maraming araw na napaka-ayos naman. Lagi kong kasama sila Kisses,Heaven at Joao. Mas lalong lumalim ang samahan namin.
Habang lumilipas din ang mga araw, e napapaisip ako sa mga maaaring mangyari kapag nalaman ni Kisses ang totoo. Ang hirap ng sitwasyon na ito. Loko kasi itong Joao na ito e,mag-bakla ba naman ako. Ako naman tong si uto-uto,pumayag sa sinabi niya. Tsk. Mas mabuti pa atang umamin ako na lalake ako kaysa sa nagpanggap pa akong bakla. Hayst. Baka nakagawa pa nang paraan para maging close kami. Ano kayang dahilan kung bakit naging manhater siya? May naging ex na kaya siya,tapos sinaktan siya kaya ngayon naging matigas ang puso niya? Uupakan ko yung lalakeng yun kung sakali man o kaya naman talagang manhater lang siya? Tinamaan na ako ng todo sa kanya, sa araw-araw ko siyang nakakasama para akong naka-high sa sobrang saya. Di ko napipigilang kiligin sa bawat araw na kasama ko siya.
Siya ang nagiging inspirasyon ko sa araw-araw. Hehehe. Bakit ko nasabi yun? Dati kasi,hindi naman sa sobrang baba pero sakto na para makapasa ako sa bawat subject. Pero ngayon, ang tataas, nainggit si Joao sa akin dahil napakataas ng grades ko ngayon hahaha. Wala kasi siyang inspirasyon. Di niya kaya ligawan si Heaven, alam ko naman na type ni Joao si Heaven. Pft. Maganda naman si Heaven, sa pagkakaalam ko sumasali siya sa mga pageant at tyaka matalino pa. Oh diba? Pero ewan lang kay Kisses talaga ako mas na love at first sight. At tyaka halata na gusto nila Joao at Heaven yung isa't-isa,ayaw lang nila magkaaminan. Tsk.
Kisses POV
Lumipas ang maraming araw at nagiging busy ang school. Malapit na rin kasi ang intrams at dito magaganap sa school yung ibang sports. At tyaka kasi officer ako ng SSG kaya naman isa ako sa mga busy na tao ngayon. Kailangan namin pagandahin ang school lalo na't nariyan din ang darating na Social Night. Ako man ay excited din, ngayon lang kasi magkakaroon ng ganito sa school. Ang alam ko lang, magsasaya dito , sayawan. Di ko pa pala nasabi, pinayagan na ako nila Papa at Mama. Alam ko kasi kung paano sila lalambingin para mapapayag sila kapag may ganito.
BINABASA MO ANG
Surreptitious Love
RomanceSi Harry Reyes na isang tipikal na lalake at hahamakin ang lahat para lamang sa kanyang nagugustuhan. At si Kisses Samonte naman na isang "manhater" at nangakong hindi iibig sa kahit na sinumang lalake,pero paano kung nagbago ito? Tuluyan kaya siyan...