Chapter 9

6 6 0
                                    

Kisses POV

11:30 a.m

Social night na! Whiiiii!
Syempre walang klase para may time para mag-ayos.

Kami ni Heaven ay nagpunta muna sa isang parlor para magpaayos. Inabot din kami ng 4 oras bago kami matapos ayusan ng buhok,make-up. Hehehe. Chaka namin.

6 p.m ang start ng ball or social night. Mga siguro 3 p.m na rin nung makaalis kami sa parlor na yun. Tagal naman kaming ayusan nun. Pfftt.

Pero worth it naman kasi ang ganda namin. Ay mas gumanda pala kami. Bwehehew.

"Maganda na ba ako,Bes?" si Heaven

Ganyan makapagsalita si Heaven. Paano inililihim na may crush pala kay Joao. Tssss. Naku ayaw pang umamin,malay niya may crush din pala si Joao sa kanya. Tss. Siya rin magsisisi sa huli. Pfft

Harry's POV

3 p.m nung nagstart kami ni Joao mag-ayos. Dito na siya sa bahay namin nag-ayos para sabay kami pupunta sa school. Excited si Joao habang ako naman itong kinakabahan.

Bakit?

Kasi di ko alam kung pagagandahin ko ba mukha ko dahil nga sa nagpapanggap ako. Oh magpapapogi ako :3 Kagabi ko kasi napag-isipan na ngayong araw na ito ang araw na aamin ako kay Kisses,kung ano talaga ako. Halong takot at kaba ang nararamdaman ko sa ngayon.

Tulong!!!

Hindi ko alam ang gagawin ko! Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh

Pero wala na akong magagawa. Ayaw ko na patagalin tong inililihim kong ito.

Walang lihim na di nabubunyag.

Pero desidido na ako. Handa akong tanggapin kung ano man ang mangyari.

Ilang oras na ang lumipas at ready na kami ni Joao para umalis.

Pagkarating sa school ay makikita mo na ang naggagandahang dilag na talaga namang pinaghandaan ang gabing ito.

Pero... di nahagilap ng mata ko si Kisses.

Nanjan na kaya siya? Hanggang ngayon ay di ko mapigilang kabahan...

Dahil sa paghihintay ay umupo na kami dun sa gym upang kapag dumating si Kisses at Heaven ay madali ko siyang makikita.

Pero maya-maya lang ay nabulabog ang aming katahimikan ni Joao ng may mga nagbubulungan at nagsisigawan.

Nagulat kami nung nakita namin yung dalawang babae na papalapit papunta sa direksiyon namin.

Tama ba ako sa nakikita kong ito?

Si Kisses at Heaven...

Woah,they look so beautiful tonight...

"Napakaganda niyo ngayong gabi mga binibini." ako

"Oo nga." sagot ni Joao habang nakanganga

"Matagal na. Pero salamat." si Heaven

Si Heaven napili na i-date ni Joao.

At ako naman si Kisses,since na hindi siya papayag na magkaroon ng partner na lalake, ako ang pinili niya.

8 p.m nung nagstart na yung sayawan.

Eto na...

Eto na...

By year ang mga sumasayaw, nauna ang mga Grade 7 at kami ang pinakahuli ang Senior High School.

Habang papalapit ng papalapit ang mga year ng mga nagsasayawan e mas lalo akong kinakabahan.

Surreptitious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon