nagising si Mariz kung saang puwesto siya natumba kanina , bumangon siya at lumipat sa kama hindi siya humiga kundi umupo lamang siya nakatunganga , iniisip parin kung bakit nagpapakita sa kanya yung babae, sometimes napapaisip rin si mariz kung may gusto yatang ipahiwatig ang multong babae na nagpapakita sa kanya ng madalas o kung trip lang talaga nitong manakot sa kanya . ''hayyy , nakakatakot naman dito , sasamahan ko nalang kaya si mama sa kwarto niya tutal pareho naman kaming matatakutin ehh haha'' sabi ni Mariz sa sarili niya . kumuha na si mariz ng kumot at unan at pumunta na sa kwarto ng mama niya pero akma palang niyang buksan ang pintuan hindi na niya ito mabuksan , hindi siya makalabas sa kwarto niya .
Mariz POV***
Nagpagpasyahan kong sa kwarto ni mama ako matutulog , sasamahan ko siya dun takot na kasi akong matulog mag-isa dito , papunta na sana ako sa kwarto nila mama pero hindi ako makalabas ng kwarto ko hindi ko alam kung bakit, at ang mas nakapagtataka ehh hindi naman ito naka lock . mas worse pa ata nung tumayo balahibo ko sa leeg at mga braso ko , biglang umihip ang malakas na hangin at namatay lahat yung ilaw . nakakatakot dba ?
''LORD PLEASEE ! DONT LET THIS HAPPEN MUKHANG MAHIHIMATAY NA NAMAN AKO ULIT .''
mababaliw na ata ako . nanginginig na mga tuhod ko at nagwalling nalang ako gamit yung pinto may hawak akong unan kaya tinakpan ko nalang mukha ko , gusto ko mang sumigaw kaso walang lumalabas sa bibig ko . so ayun nga tinakpan ko mukha ko gamit ang unan . a few minute later parang biglang huminto ang hangin at bumalik ang mga ilaw sa room ko kaya dahan-dahan kong tinanggal ang unan sa mukha ko pagtanggal ko nakabungad na sakin isang babaeng may mukha na , sobrang nakakatakot parin , puro dugo mukha niya at pulang-pula na ang mga mata , sobrang lapit na ng mukha niya saken daig pa eye to eye namin ng boyfriend ko . kaya sumigaw ako ng sumigaw ''AHHHHHHHHHH !!! AHHHHHHHH!!!!'' itinakip ko ulit yung unan sa mukha ko pero may humawak sa paa ko at hinila ako papunta sa ilalim ng bed ko , sa sobrang lakas ng pagkahila na untog ako sa isang kahon na nasa ilalim ng kama ko , ang sakit , sigaw parin ako ng sigaw pero parang walang nakakarinig saken . namatay uli yung mga ilaw at nakita ko ulit yung nakakatakot niyang mukha pero ngayon mahinahun na ito , at may itinuro siya , yung kahon nasa ibabaw ng ulo ko pagkatapos nun naglaho siya na parang isang usok . ako naman etong sobrang kinakabahan at di nakayanan kaya nahimatay at sa ilalim pa talaga ng kama.
END OF POV***
ABANGAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KABANATA <3

BINABASA MO ANG
Kaba (One Shot Horror Stories)
HorrorHumanda sa kagimbalgimbal na kwentong katatakutan. Samot saring kwentong katakot-takot ang hatid ng mga kuwentong ito.