''Hihihi tila mayroong mga munting bisita''
ISANG BOSES SA KANILANG LIKOD NA NAGTULAK SA KANILA UPANG LUMINGON''Sino kayo?''
GULAT NA TANONG NI LESTER SA ISANG HINDI NILA MAWARING NILALANG, NAPATINGIN SI DANIEL KAY KARA NA SUMENYAS GAMIT ANG MUKHA NIYA NA KUNAN NG LITRATO ANG NILALANG AT NA GETS NAMAN NI KARA AGAD ANG PAHIWATIG NI DANIEL KAYA'T DALI-DALI NIYANG KINUNAN NG LITRATO, NAPA TAKIP ANG NILALANG SA KANYANG MUKHA AT HUMALAKHAK NG NAPAKALAKAS.
''HAHAHAHAHA HINDI KAMI ISANG ITIM UPANG MATAKOT SA ILAW NG KATAUHAN''
NALITO ANG TATLO SA KANYANG SINABI.
''Ha? anong itim? Ilaw ng kaliwanagan? Pwede mo bang I-ipaliwanag saamin?''
NAGUGULUHANG TANONG NI KARA.
''Oo naman! Ipapaintindi namin sainyo ang lahat kaya't sumama kayo saakin.''
~
KARA'S POV
Sa simula ay natakot ako sa nilalang pero ngayon magaan na ang loob ko sa kanya, hindi siya katulad ng dating mga nilalang na nakasulobong naming nakakapag papatayo ng aming mga balahibo at pwedeng atakihin kami sa puso. Kung mailalarawan ay tila isang unano ngunit parang hindi.
*MALAKI ANG MGA TENGA
*KULUBOT ANG BALAT NGUNIT MAPUTI
*SUOT NIYA'Y KULAY BROWN NA BISTIDA
*MAPUPUTI ANG KANYANG NGIPIN
*AT PALAGI SIYANG NAKANGITI KAYA MEDYO ANG CUTE NIYANgayon ay dinala niya kami sa isang munting kaharian at ngayo'y kami ay nandito na hindi ko mawari ang aking nararamdaman ganun rin sina Lester at Daniel nang makita namin ang isang napakagandang lugar, may mga nagsasayawan , nagkakantahan, at ang iba'y gumagawa ng alak at tinapay, sadyang iba ito sa aming dating nadadaanan, iba ito sa BRAGONZON na aming dating nasilayan.
''Isang alak ang aming handog sa tatlong bisitang mortal''
Sambit ng isang nilalang, tao ang kanyang itsura ngunit tila ang kanyang buong katawan ay kumikinang
''Sino ka?''
Tanong ko sa kanya sapagka't ako parin ay naguguluhan .
''Ako ang hari ng liwanag sa lupa ng bragonzon, ang tanging kapangyarihan ko ang nagpo-protekta sa lahat ng nilalang dito.''
Tugon niya saaking katanungan ngunit sinagot ko sya ulit ng isang katanungan.
''Ngunit sino ang mga elementong naka itim sa lugar na aming pinanggagalingan nais kaming patayin? Kauri niyo ba sila?''
Napangiti siya saakin at sinagot niya ako
''Hindi, sila ang kampon ng kadiliman tawag namin sa kanila'y itim dahil mapanakit sila at naghahasik sila ng lagim, ang mga kaluluwang kanilang dinukot ay hindi na mabilang, ang mga kaluluwang yun ay ang mga dating mortal na naninirahan sa bragonzon. ''
Sa gitna ng kanyang pagpapaliwag ay biglang lumakas ang hangin, hindi natural na hangin dahil habang lumalakas ito ay lalong dumidilim ang paligid.
''Ang kadiliman ay naririto na! ihanda ang mga sandata!''Sigaw niya sa kanyang mga nasasakupan habang kaming tatlo nila Daniel at Lester ay hinila ng isang unanong kawal at dinala sa likod ng isang malaking kumikislap na bato, saka ko napagtanto na takot ang tinatawag nilang kampon ng kadiliman sa mga ilaw na kumiskislap o gumagalaw.
''Anong nangyayare?''Naguguluhang tanong ni Daniel sa akin.
''Wala tayong ibang gagawin kundi ang manatili dito, mas alam nila kung paano ang tamang paraan ng paglaban sa Itim na mga yan!''
BINABASA MO ANG
Kaba (One Shot Horror Stories)
HorreurHumanda sa kagimbalgimbal na kwentong katatakutan. Samot saring kwentong katakot-takot ang hatid ng mga kuwentong ito.