June, 2013 (Reminiscing VIII)

9 0 0
                                    


Alam nyang mag aaral ako kaya ang dami nyang payo sakin. Nag iisip din sya ng mga imposible, tulad ng baka daw makahanap ako ng iba doon at makalimutan ko sya. Oo madaming lalaki dyan pero sa bilyong bilyon na lalaki sya lang yung pipiliin ko at wala na kong balak maghanap ng iba. Andyan na yung makakasama ko habang buhay papakawalan ko pa ba at ipagpapalit? No way!

Bago ako mag start ng klase kinabukasan, kinuha nya yung mga cellphone number ng tita ko at ng ate ko just in case na malate ako ng uwi dahil baka mag gala daw ako. Pag sinabi kong una't huli na yon at di ko na uulitin papanindigan ko yon.

Ayaw ko ng mag away kami. Natatakot na din akong magalit sya sakin. Ayoko ding baka yun na yung maging huli. Ayokong matapos yung relasyon namin dahil lang doon.

First day of class. Hindi ako nakikipag usap kahit kanino. Gusto ko kasi sundin mga sinabi nya sakin ayoko na syang suwayin. Gusto ko gawin yung mga sinabi nya kahit na hindi nya ko nakikita. Mahigpit pero okay na din yon. Nasanay naman na din akong hindi makipag usap sa kahit kanino maliban sa kanya.

Alam nya yung oras ng klase at uwi ko. Maliban ata sa break time namin. Kakasabi lang ng prof namin na isilent o ivibrate yung cellphone namin at sagutin lang yung tawag kapag importante. Tapos ayon sakto bigla syang tumawag. Nag excuse ako sa prof ko sabi ko na lang si papa saglit lang po. Buti na lang pinayagan akong sagutin. Sabi naman kasi pag importante doon lang sagutin, e importante sakin si Ian. Sabi ko nga lang si papa hahahaha.

Una at pangatlong araw maaga pa yung uwi namin hindi saktong 9:30pm. Kaya nakakauwi ako before mag 9:30pm. Nasa usapan namin ni Ian na uuwi ako ng sakto sa oras, kaya pag uwian nakikipag siksikan talaga ako sa jeep naghahabol ako sa oras. Naninigurado pa yon kung nasa bahay na ba talaga ako, magtetext o tatawag yan sa ate o sa tita ko.

Isang beses na late ako ng uwi mga 15mins late lang naman. Galit na galit na sya sakin naipaliwanag ko naman yung dapat kong ipaliwanag sa kanya na uwian ng estudyante yon madaming sumasakay sa jeep. Napagod na din kasi ako makipag siksikan at tumakbo sa sakayan ng jeep. Ang dami na nyang sinabi sakin non baka daw nagiging bitch na ko. Nasaktan ako nung sinabi nya yon. Grabe nya ko pag isipan hindi nya nakikita yung ginagawa o nangyayari sa akin araw araw lalo na yung paghihirap ko pag umuuwi.

Malungkot nga din ako sa school kasi wala akong naging kaibigan sa isang buwang mahigit na pagpasok ko doon. Hindi ko naman pinagsisihan yon. Sya lang talaga iniisip ko sa lahat ng gagawin ko alam ko kasi yung ayaw nya.

Hanggang sa late na talaga ako nakakauwi. As I said before una at pangatlong araw maaga yung nagiging uwian namin. School at bahay lang naman ginagawa ko noon. Bahala na kahit na magalit sya kung late ako nakakauwi, e madaming nasakay ng jeep di din naman ganon kalapit yung school na pinapasukan ko non. Napapaliwanag ko naman kaso nakakainit ng ulo tsaka masakit sa puso mga binibitawan nyang salita. Lagi nya kasi akong pinag iisipan na nanlalaki na ko na baka nagiging bitch na ko. For him information hindi ko inugali maging kaladkarin, basta nag aaral lang ako. Puro na sya maling hinala sakin kaya sinagot ko sya ng baka gawain nya!

Lagi na kaming nag aaway. Hirap na hirap na ko hanggang sa mag hiwalay na lang kami. Nakakalungkot pero pinipilit ko maging masaya isipin na wala akong Ian na nakilala dahil nahihirapan ako mag focus sa pag aaral ko.

Naalala ko pa nung nag away kami sinabihan nya ko nang ang galing ko ng sumagot siguro may nagtuturo sakin. Lahat naman ng sinabi ko galing lahat sakin. Sa totoo lang doon ko lang sya natutong sagot sagutin. Marunong naman pala akong lumaban at ipagtanggol sarili ko. Ang sakit kasi ng sinabi nya yung lalaki daw na makakapulot sakin mahilig sa tira. Pag naaalala ko yan wala lang sakin I just feel numb.

Then august nagka text ulit kami. Hindi naman ako nagpalit ng number non kasi umaasa pa din ako na baka magtext sya o tumawag pag naisipan nya. Pero kinalimutan ko na yung ganon alam ko namang wala na akong aasahan.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now