March, 2013 (Reminiscing VI)

8 0 0
                                    


Isang buwan na lang birthday ko na!

Alam ko dadating sya. Alam kong magkikita ulit kami hindi na ko makapag antay na mag April 7 na.

Hindi ako makatulog dahil matatapos na yung buwan ng march. Excited na ko!

Bago mag April 7 nag text si Ian na hindi sya makakapunta.

Nalungkot ako nawala yung pagka excite ko, sana di na lang ako mag birthday sabi ko sa sarili ko hindi din naman kasi sya dadating.

Kaarawan ko na pero nakahiga lang ako sa kama maghapon. Katext lang sya, tinatawagan ko sya pinapatayan nya ko ang dami nyang dahilan sakin kaya hinayaan ko na lang sya.

Kapag may humihinto ngang tricycle sa tapat ng bahay napapasilip ako sa bintana. Malay ko dumating sya hindi ba? Ilang tricy na yung humihinto sa tapat namin nagsawa na ko sumilip silip hindi naman sya dadating. Pinaka nakakalungkot na birthday ko nung year 2013 sana!

May last tricy na huminto. Hindi ko na sinilip yon maya maya may tumawag sa pangalan ko. Hindi ako magkakamali na boses nya yung narinig ko, tumakbo ako palabas at niyakap ko agad sya hindi ko na nga napansin yung dala nyang bulaklak e haha. Inaya ko agad syang pumasok sa bahay tapos tinanong nya ko kung naaalala ko pa ba yung nag d'drawing sya habang magkatext kami at sabi nya ipapakita nya sakin yon sagot ko oo, bakit? Andyan nakaipit sa bulaklak sabi nya. Hinanap ko wala, sabi nya baka nahulog kaya lumabas ako hinanap ko and oh my nakita ko pa yung drawing. Yung drawing na yon pinagawa nya sa pinsan nya binakatan nya lang ng ballpen haha.

To yung drawing na sinasabi ko. Natanggap ko nung birthday ko  tsaka nag thank you ako sa kanya. Best birthday ever e! :)

Sa totoo lang sobrang effort ni Ian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa totoo lang sobrang effort ni Ian. Masasabi ko na talagang sya yung lalaking deserving sa pagmamahal na ibibigay mo walang sayang, walang tapon. Sya yung ideal guy talaga, nasa kanya na lahat lahat kaya nga masaya ako nung naging kami kaya nga hanggang ngayon e.

Nung pabalik na sya ng makati. Itinanim ko yung rose na binigay nya. Tumubo naman sya kaso mga ilang araw pag gising ko nawawala na sinira pala ng lola ko. Galit na galit ako non inaalagaan ko yon gumigising ako ng maaga para diligan at kausapin yung halaman tapos sisirain lang! Hindi ko man lang nakita yung pagbuka ng bulaklak non grabe.

Tara move on! Next part na.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now