Makati to Tarlac to Makati (Reminiscing IV)

12 0 0
                                    


Ipinaalam nya ko kay mama na isasama nya ko sa tarlac dahil nagpapasama sya sakin sa dentista nya para sa braces nya. At para ipakilala kela kevin, nina, at ralph.

Pinayagan ako ni mama.

Pag uwi nya pa lang galing school dumiretso na sya sa amin at sinundo na ko naka uniform pa sya nung nagbiyahe kami.

Nung nasa bus kami sa dulo kami nakaupo. Sabi ko sa kanya nangangawit paa ko, ibaba mo kasi gaya ng akin sabi nya. Sinilip ko yung paanan nya kung saan nakatungtong. Grabe abot nya kasi yung pinagtutungtungan ng paa nya. Nung binaba ko paa ko di ko sya tinitignan. Nilingon nya ko sabay tingin sa paanan ko balik sya sa pagkakasandal nya natatawa nanaman nilingon ko sya tinanong ko bakit tumatawa sya sabi nya ang liit mo di mo abot yung sahig hahaha. Nakalutang paa ko non kailangan ko pa lumiyad para maabot yung lapag ng bus.

Bumaba kami sa hacienda luicita ata. Tumambay saglit nag aantay ng text ng mga kaibigan nya.

Nung nagkita kita na sila, syempre kasama ako. Nag aya si Ian na pumunta sa may paborito nyang sisigan dahil sabi nya masarap daw sisig don. Sumakay kami ng jeep papunta sa sinasabi nya doon nya na din ako pinakilala sa mga kaibigan nya. Nahihiya ako kasi first time ko lang din yon. Lalo na yung hawakan nya ung kamay ko sa public habang naglalakad pa. Ramdam ko sa sarili ko na natagpuan ko na yung lalaking hindi ako kinakahiya at ipinagmamalaki ako kahit na simple lang yung buhay na meron ako at di ganon kagandahan. Doon ko napatunayan na mahal nya talaga ako. :)

Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa pwedeng mag inuman. Hindi ko matandaan yung pangalan ng inuman na yon. Maganda sya, simple, may banda at di magulo. Si Ian hindi sya nag iinom ng alak isang bote lang ng san mig light lasing na yon e, yosi lang talaga bisyo nya. Malakas si Ian magyosi pero nung naging kami sya mismo kusang nagbawas sa paninigarilyo nya.

Wala naman kami pwedeng tuluyan sa tarlac kaya nag hotel kaming apat dahil si kevin umuwi na.

Kinabukasan nanood muna kami ng The Breaking Dawn sa cinehan at kumain sa labas bago umuwi.

Halos araw araw ata kami nagdadate kahit na nasa bahay lang nila kami o na kahit saan man.

Pagbalik namin ng Makati nagpahinga agad kami sabay nagkita ulit kinabukasan halos buong araw magkasama kaming dalawa kaya nasanay din akong nasa tabi ko lang sya palagi.

Mahirap pag nakasanayan mo yung andyan lang sya sa tabi mo. Kasi hahanap hanapin mo talaga sya palagi.

Kasama ko syang nag christmas at bagong taon. Well masaya naman ako kahit na iniwan ako ni mama sa makati pero masakit sakin kasi ang tagal ko ng gusto magkaroon ng family picture.

Mabuti na lang andyan sya kaya hindi naging malamig yung pasko ko at maligaya ang bagong taon ko :)

Tsaka first time ko magkaroon ng date nung feb. 14 hindi ko na kukuwento. Basta magkasama kami yon yun hihi.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now