Bye Makati (Reminiscing V)

11 0 0
                                    


Ang daming pang yayari na hindi ko makakalimutan. Bakit? Kasi minsan mo lang mararanasan yung tunay na masaya ka sa isang tao.

Andyan yung may nag aalala sayo, iniintindi kung anong nararamdaman mo, alam kung paano ka papasayahin kapag malungkot ka, yung may pupunas ng luha mo, mag aalaga sayo kapag may sakit o wala, yayakapin ka kapag hindi mo na kaya, nakikinig sa kadramahan mo, tumatawa sa mga corny jokes mo, yung sinusuportahan ka, yung inaalalayan ka sa mga gagawin mo, taga payo mo, taga kontra kapag may mali kang ginagawa, yung komportable ka sa kanya at lahat lahat na.

Hindi ko inaasahan yung araw na magagalit sa amin si mama na hindi namin alam kung ano yung dahilan. Hindi ako pinapayagan ni mama na makipag kita kay Ian o makipag usap kahit sa cellphone man lang. Grabe wala naman kaming ginagawang masama o nagawang masama sa kanya.

Kaya hanggang text lang muna kami non. Nagpaalam sakin si Ian na pupunta silang tides ng mga kaibigan nya yung mga nakakalaro din namin sa dota. Nung pauwi na sya sumabay na sya kay kuya vhan dahil sinundo na si kuya ng mama nya. Nagtext si Ian na magkita kami sa tapat ng grocery, magkakasama silang tatlo. Pagkakita namin nagyakap agad kami sabay sabi nya namimiss nya na ko. Nakalabas lang ako non dahil sabi ko bibili lang ako ng pagkain at babalik din agad. After non nauna na kong maglakad pauwi. Sinisilip ko sya sa labas kasi gusto ko pa syang makita kaya inabangan ko sya. Nag flying kiss sya non, naiyak ako nung sinalo ko. Isipin nyo andyan lang sya pero parang ang layo nya na.

Hindi namin kaya na hindi magkita't magkasama dahil nga nakasanayan na namin yung ganon. Ikanga namin sa isa't isa you and me against the world. Kaya ginagawa namin lahat ng pwedeng paraan para magkasama kami. Iikutin namin yung isang street papunta sa kanila mag iistambay kami don kahit 30mins. Ayaw namin yung namimiss yung isa't isa nalulungkot kasi kami parehas. Pag napapagalitan kami natatawa na lang kami sa kasalanang nagawa namin. Wala e yung pagtakas ko para makita sya, yon yung nagpapasaya samin.

Sa katigasan ng ulo ko nag away kami ni mama. Pinaglaban ko yung nararamdaman ko para kay Ian kasi alam ko yon yung tama. Hanggang sa pinauwi nya na ako ng olongapo.

Bago ako bumalik nagkita kami ni Ian pinayagan kami ni mama magsama bago ako umalis kinabukasan. Tang ina naiiyak ako pag naaalala ko. Habang naglalakad kami binalikan namin yung mga araw, bagay, pangyayari na magkasama kami yung mga kalokohan namin, yung pag aaway namin, at lahat. Pagkatapos, kumain kami sa PRC Mcdo nag order ng happy meal kasi gusto ko ng spongebob na laruan kaya binilihan nya ko. Umupo kami malapit sa counter habang kumakain nakatitig lang sya sakin. Tinanong ko sya bakit ka ba nakatitig sakin? Sabay ngiti na natatawa ako na kinikilig na ewan. Sagot nya ayoko kasi makalimutan yung mukha mo pag umalis ka na. 💔

Buong araw kaming magkasama non hindi kami naghiwalay. Sinusulit namin yung last day na magkasama kaming dalawa.

Matapos yung araw hinatid nya na ko pauwi. Magkatext kami at magkausap sa phone. Nagpuyat kami dahil bitin yung isang araw na pagpapaalam namin sa isa't isa. Nangako naman sya sa akin na pupuntahan nya ako sa gapo, alam naman nya kung paano magbiyahe papunta sa amin. Kaya di ako masyadong nag alala pero nalulungkot ako sobra dahil di naman pwedeng araw araw magbiyahe sya papunta sa amin e.

Kinabukasan ng umaga paalis na ko tinetext ko sya't tinatawagan. Para sana makita ko sya bago ako umalis. Ang tagal nya bago sumagot nag papanic na ko na ewan ayokong hindi sya makita. At thank god sumagot na sya!

Sabi ko babe paalis na kami puntahan mo ko please. Sagot nya sige sige saglit lang. Inantay ko sya sa labas, paglapit nya nagyakap kami agad ng mahigpit hindi ko mapigilang hindi umiyak, ayokong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya ayokong magkalayo kami hindi ko kaya mahirap at masakit sakin.

Lumabas na si mama umupo si Ian sa may hagdan. Pumara na si mama ng taxi at sumakay na kami lumingon sya saglit sabay hindi na. Nagtext ako sa kanya bakit hindi na sya lumingon, sagot nya ayokong nakikita kang umiiyak kasi naiiyak din ako. Hanggang pagdating namin ng olongapo tumutulo yung luha ko hindi ko alam bakit ayaw tumigil.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now