Reminiscing I

41 1 0
                                    

Apat na taon na kong nagkukulong sa nakaraan ko, masaya ako e kahit na masakit.

Kay Ian ko naranasan yung maging masaya, kiligin, yung excitement, yung pakiramdam na importane ka na espesyal ka, na may kakampi ka kapag inaapi ng mga sana paligid mo at yung maging malungkot at masaktan ng sobra.

Hindi ako nagsisi na nakilala ko sya. Sa kanya ko nakilala yung sarili ko, sya yung naging dahilan ng mga ngiti at tawa ko. Nagbigay rason para mag mahal ulit ako.

Lahat ng mga alaala nya sakin nag iwan ng marka sa puso ko.

Tandang tanda ko pa kung paano nya ko niligiwan. Sa lahat ng lalaki sa kanya ako bumilib. Ipinakilala nya yung sarili nya sa magulang ko sinuyo nya para makuha yung loob ng mga to. Hanggang sa makuha nya yung pag sang ayon nila mama ko, tsaka nya ko niligawan.

Isang buwan bago ko sya sinagot. Ganon pala mainlove magpupuyat ka para lang makausap't makatext sya. Hindi ka makatulog kasi iniisip mo sya. Yung masasabi mong sana umaga na para makita mo at makasama ulit sya. Yung wag na lang sana matapos yung umaga na andyan sya sa tabi mo, kapiling mo, hawak mo yung kamay nya, kayakap mo, kausap mo, katawanan mo at lahat na.

October 2, 2012 unang araw na nakasama ko sya, akala ko nung una magkakailangan pa kami. Akala ko Kj sya, hindi pala. Naglaro pa kami ng pitik bulag at jack 'n poy ang corny pero ang saya halos nabuo yung kalahati ng araw namin. Unang beses din na kinantahan nya ko yung boses nya ang gaan sa pakiramdam sobrang lambing, yung ngiti't tawa nya nakakamiss. Habang pinagmamasadan ko sya ng mga araw na yon mas lalong nahuhulog yung loob ko sa kanya.

October 3, 2012 kinantahan nya nanaman ulit ako. Grabe ang ganda ng boses, ng mga mata nya at yung buka ng bibig nya. Hindi ko makakalimutan tong araw na to na pinakilig nya ko. At ito yung unang araw na nakasabay ko sya kumain, nakaharutan, nayakap at nahalikan.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now