Reminiscing II

22 0 0
                                    


Naglalaro ako sa computer shop habang ka chat sya. Wala akong kamalay malay na dadaan sya sa pinaglalaruan ko. Galing sya ng school non at gabi na sya umuwi, nabigla ako ng may nagsalita sa likuran ko ng babe napalingon ako at napangiti nung sya yung nakita ko. May tinatago sya sa likuran nya na agad naman nyang inabot sa akin, si Jing Jing (pangalan ng teddy bear) sabi nya magbihis ako at kakain kami at nagmadali na din syang umalis para magpalit. Monthsary ata namin ng araw na yon hindi ko matandaan pero tandang tanda ko lahat ng nangyari.

First time ko sopresahin ng ganon at sa computer shop pa. Sa totoo lang nahihiya ako tanggapin yung gift nya kasi kahit kelan di pa ko nakakareceive ng ganon sa mga naging boyfriend ko. Grabe yung pagkapula ng mukha ko non.

Tumayo ako agad, umuwi at nagbihis dahil nga sabi nya kakain kami. Madalas kami kumain sa mcdo o sa karinderya, madalas namin orderin doon tapa. Yung mga paborito nya naging paborito ko na din. Lahat naman ng gusto ko gusto nya din.

Niregaluhan nya na din ako ng kwintas tsaka slippers. Yung pendant, susi. Tinanong ko sya bakit susi? Yung sagot nya natawa na kinilig ako sabay ngiti. Sabi nya kasi naka padlock yung puso nya at yung kwintas yon yung susi. Ako lang daw yung makakapag bukas non :)

Naalala ko pa nung nawalan ng net sa computer shop walang katao tao puro bata lang mga naglalaro ng offline games. Naghabulan kami sa loob ng shop di ko alam bakit. Hindi ko maalala ang naaalala ko lang masaya ako nung mga araw na yon. Binato ko pa sa kanya yung slipper di sya tinamaan kinuha nya sabay itinakbo nya. Nainis ako kasi di ko sya maabutan kaya binato ko sya. Tawang tawa ako sa mukha nya habang inaasar ako parang bata na sinapian kaya nabaliw mga ganon haha.

Tsaka kinantahan nya din ako sa comp shop yung kanta ni iyaz. Iniba nya yung lyrics tapos yung mga naglalaro nakatingin sa kanya tapos ako kinikilig lang ngingiti ngiti hahaha.

Tapos dati nasuspinde pa ata sya sa school nya, paano ba naman nagpa henna sya ng pangalan ko sa leeg pa nya. Tinanong ko bakit nya ginawa yon sabi nya; para pag may nagtanong kung sino mahal ko tuturo ko lang leeg ko. Ang sweet pero ang lakas ng tama nya hahaha.

Naalala ko yung nag paayos sya ng buhok sa parlor, ang landi no? Dinaig pa ko. Nasa loob ako ng kwarto non at naka unlock yung pintuan dahil alam ko dadating sya. Lagi naman kasi kaming nagkikita at nagkakasama. Dirediretso sya non sa kwarto ang ganda ng ngiti nya proud na proud sya sa buhok nya haha sabi pa nya ang gwapo ko no? Ang pangit mo kaya, sagot ko. Totoo? Sabi nya habang nakangiti at nagpapa cute haha. Sa totoo lang ang gwapo nya lalo sa buhok nya. Si Ian hindi maputi, maitim sya, sa sobrang itim nya kaya nyang mag iwan ng finger prints sa uling haha joke lang.

Magkasundo kami sa mga bagay bagay. Yung pagsasama namin sa araw-araw naging dahilan ng closeness namin at lubos na pagkilanlan sa isa't isa. Alam namin yung ayaw at gusto, pwede at hindi pwede.

Pero hindi nawawala yung pagtatalo at tampuhan. Yung away namin hindi tumatagal ng 15mins. Pinupuntahan nya kasi ako sa amin para makipag usap at makipag ayos. Pero ngitian nya lang ako, makita ko lang sya okay na kami. Ako yung madalas na makipag away sa kanya. Papansin ako e gusto ko nilalambing nya ko, pinupuntahan para suyuin. Gusto ko kasi syang nakikita palagi kasi kahit segundo pa lang na mawala na sya sa paningin ko namimiss ko agad sya.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now