Chapter 1

5.3K 162 18
                                    

Typo errors ahead.

——————

Jisoo's POV

Hi, I'm Jisoo Song, 16 years old. Nag-aaral sa YGUniv. At katulad ng iba, isa 'kong nerd.

Mahirap lang rin ako, hindi ako 'tulad nung mga schoolmates kong naliligo sa pera.

Mas'yado pang maaga pero hindi gano'n kaaga kaya ito, nag-aayos ako papasok. Ayokong ma-late, hindi uso sa akin 'yon. Kumain na ako ng breakfast na hinanda ni Nanay para sa 'kin.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Nanay at naglakad na papuntang school, tutal walking distance lang naman 'to.

-

At katulad sa mga istorya, kapag nerd ka laging ganito.

Bulong-bulungan sa paligid. Anong gagawin ko? Ano pa bang bago?

"Omyghad, si Nerd eww."

"Yuck, she's ugly."

Hindi ko sila pinansin.

Hindi ko ba alam sa ibang tao. Sila mismo 'yong mga taong nagangaral sa kapwa nila na masamang mag-judge sa isang tao o bagay. Pero kadalasan, sila din 'yong mga nagja-judge sa napakasimpleng bagay.

Hindi ko sila pinakialaman at dumiretso lang sa paglalakad.

Dumiretso na ako sa room at pagbukas ko ng pinto ay wala pang tao, as usual, ako ang nauna.

Umupo na lang ako sa pinakadulong upuan at nag-basa ng librong hawak ko.

Maya-maya pa ay parami na nang parami ang mga nandirito. Hindi ko nga alam kung dapat pa ba akong kabahan o matakot dahil d'yan sa mga bully na 'yan.

Nagsimula na nila akong pagtripan.

Binato ako ng crumpled paper at tumama sa ulo ko, tinitigan ko lang iyon. Nanatili akong nakayuko habang sila ay patuloy parin sa pagbabato ng kung anu-ano.

Nagulat na lang ako nang may biglang kumuha ng bag ko.

Si Cassey, ang feeling Queen Bee ng school.

Shit.

Binuksan nya ang bag ko at itinapon sa lapag ang mga laman nito.

Dahan-dahan akong lumuhod sa lapag para kunin ang mga gamit pero 'yong iba, pinagsisipa niya dahilan para malayo ito.

Natigil ang lahat nang biglaang mag-bell. Sakto ding naayos ko na ang mga gamit ko at bumalik sa upuan.

Hudyat na papunta na ang Teacher sa kani-kanilang room. Sakto din namang bumukas ang pinto.

Pumasok na ang teacher namin at pumunta na sa harap.

"Hi Im Park Seulgi and I'll be your adviser para sa buong taon. Magsimula na kayong magpakilala sa isa't isa. Pwede ba 'yon?!" saad ni Ma'am. Agad naman silang nag-ayos para sa sasabihin nila.

Ano? Graduation Ceremony?

May honor ka?

Ang OA.

Nagsimula na sila sa pagpapakilala hanggang sa med'yo malapit-lapit na ako.

"I'm Kim Jennie."

"Park Rosé here!"

"I'm Lisa Manoban."

Ang gaganda nila, nakaka-inggit.

"Kim Donghyuk."

"Song Yunyheong."

"Jung Chanwoo."

"Koo Junhoe."

"Kim Jinhwan."

"Kim Hanbin here." sabay wink kaya naman nagsitilian ang mga babae.

"Kim Jiwon." malamig na saad niya, imbis na matakot sila, mas lumakas pa ang tilian.

"I-I'm Song Jisoo" nahihiyang pakilala ko.

Hindi na bago sa akin 'to, magpa-kilala ka lang, 'pag-tatawanan ka na.

Dahil ba nerd ako? Oo, hahaha.

Agad akong umupo at inintay nalang na matapos ang ginagawa namin.

Tutal ay first day naman daw ngayon, wala kaming mas'yadong gagawin. Ang karamihan ay umuwi, 'yong iba, tumambay.

Nanatili ako sa loob ng room at inilabas 'yong libro ko.

"Psst!"

Sino 'yon?

"Psst!"

Hindi ko 'yon pinansin dahil baka ibang tao ang tinatawag, istorbo.

"Psst!!!" Hindi ko na napigilang lumingon.

Nakita ko Si Jennie, Rosé at Lisa na nakangiti.

"A-ako ba yung s-sinisitsitan n-nyo?!" nauutal na tanong ko.

Agad naman silang tumango at lumipat sa mga bakanteng upuan sa tabi ko.

"Gusto lang naming makipagkaibigan sayo Jisoo, 'tsaka dont worry hindi kami plastik like others." sabi ni Jennie.

Dapat ba akong maniwala?

"Jisoo, hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong maniwala or what. Basta, gusto ka naming maging kaibigan." sambit ni Lisa.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tinanguan ko na lamang sila.

Mahaba-haba din ang mga naging usapan namin, ang saya nilang kasama.

TBC.

DONT FORGET TO VOTE/COMMENT/FOLLOW.

THANKS FOR READING.

𝑇ℎ𝑒 𝑁𝑒𝑟𝑑'𝑠 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒 [𝐾𝑝𝑜𝑝 𝐹𝐹] [𝑖𝐾𝑂𝑁𝑥𝐵𝐿𝐴𝐶𝐾𝑃𝐼𝑁𝐾]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon