Chapter 48

1.4K 62 0
                                    

Mingyu's POV

Sya nga si Jisoo.

Sya nga yung babaeng mahal ko.

Sya nga yung nerd na minahal ko.

Sinundan ko sya hanggang sa room.

Nakita ko syang nakaupo lang na para bang nabobored.

Tinignan naman nya ako tsaka ngumiti.

Ang ganda nya.

"Hi Mingyu!!" bati nya.

Agad naman akong lumapit sakanya nang makatayo sya at agad ko naman syang niyakap.

Niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"Jisoo, alam mo bang hinanap kita?!"

"Alam mo bang sobrang nag alala ako sayo ha Jisoo?!"

"Dahil simula nung nagbirthday si Jiwon dito di na kita nakita?!"

"At alam mo bang umiyak ako ng malaman kong nabunggo ka ng sasakyan?!" Lahat yan tinanong ko sakanya.

Ei sa Miss na miss ko tong babaeng to ei

"Miss na miss kita Mingyu."sabi nya sakin.

"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam, hindi ko din naman inaasahan na pupunta na pala akong ibang bansa para magaral at makalimot ei, pero Hindi ko kayo kinalimutan nila Jennie, dahil sobrang mahalaga kayo sakin ei. Lagi ko kayong iniisip Mingyu."dagdag nya pa.

"Miss na miss na miss din kita Jisoo."

Humiwalay na kami sa pagkakayakap at kasabay nun ang biglang pagbukas ng pinto at iniluwa nun sila Jenni, Rosè at Lisa na halos umiiyak na dahil sa malaman nila.

Agad naman na lumapit silang tatlo kay Jisoo at niyakap.

Tukuyan nang umiyak yung tatlo.

Alam kong nakakabakla pero naiiyak din ako kaya sumama ako sa pagkakayakap nilang apat.








"Jisoo, saan ka ba nanggaling?!"tanong ni Rosé sa kanya.

"Sa Korea."sagot ni Jisoo.

"Ei ano namang ginawa mo dun?!"tanong ni Lisa.

"Nagaral, nakalimot at nag move on."sagot nya.

"Ei pano ka naman nahanap ng mga Kwon?!"tanong ni Jennie.

Oo sunod sunod sila.

"Pagkalabas kasi ng school, nabangga ako ng sasakyan at dinala ako sa Hospital ng magasawang Kwon."

ITUTULOY.

𝑇ℎ𝑒 𝑁𝑒𝑟𝑑'𝑠 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒 [𝐾𝑝𝑜𝑝 𝐹𝐹] [𝑖𝐾𝑂𝑁𝑥𝐵𝐿𝐴𝐶𝐾𝑃𝐼𝑁𝐾]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon