Jisoo's POV.
"Jisoo, sinong gumawa nyan sayo?!"tanong agad ni Mingyu ng makalapit sya saakin.
Hindi ako sumagot.
"Jisoo sabihin mo sino?!"medyo lumalakas na yung boses nya.
Hindi parin ako nagsalita at nanginginig parin ako sa takot.
"Si Cassey ba?!"tanong nya kaya dahan dahan akong tumango.
Alam kong galit na sya dahil nanginginig na din sya. At dahil yun sa galit.
Hinila nya ako patayo at buti nalang walang masyadong tao dito dahil uwian na.
Nakita naman namin sila Cassey na kasama yung iKON tapos nakakapit sya sa braso ni Jiwon.
Bakit parang nasasaktan ako?!
Ang sakit talaga ei.
Nakita kong hinalikan ni Cassey si Jiwon sa pisngi tapos ngumiti naman si Jiwon.
Bakit parang winasak nito yung puso ko?!
Siguro nga.
Mahal ko na si Jiwon.
Nakita ko namang lumingon sya sa direksyon namin ni Mingyu.
Kaya agad namana kong yumuko.
Naramdaman ko tumatakbo sya.
Hinigpitan ni Mingyu ang pagkahawak sa balikat ko.
Di ko alam pero naiiyak ako nung makita ko si Jiwon na ngumiti dahil kay Cassey.
May kamay naman na hinawakan ang baba ko (A/N: HINDI YUNG BABA AH BAKA KUNG ANO INIISIP NYO, BABA AS IN CHIN HINDI BABA AS IN YUNG ANO...)at inangat ang mukha ko.
Nakita ko naman si Jiwon na nakatingin sakin habanh chinecheck yung mukha ko.
"Jisoo, anong nangyari?!"tanong nya na kunyari nagaalala.
Tinanggal ko ang baba ko sa kanyang kamay.
Hindi ko na sya pinansin at naglakad kasama si Mingyu.
Galit ako kay Jiwon. Galit na galit ako sa kanya. Siguro nga tumibok na yung puso ko para sa kanya pero ayokong ipagpatuloy ito.
Dahil pag dumating na yung araw na umamin sya sakin na di nya ako mahal, masasaktan lang ako.
Kaya ngayon kahit alam kong di nya ako mahal lalo pa at tumibok na yung puso ko para sa kanya, pipilitin kong baguhin yung tibok ng puso ko.
ITUTULOY
DONT FORGET TO VOTE/COMMENT/FOLLOW.
THANKS FOR READING~

BINABASA MO ANG
𝑇ℎ𝑒 𝑁𝑒𝑟𝑑'𝑠 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒 [𝐾𝑝𝑜𝑝 𝐹𝐹] [𝑖𝐾𝑂𝑁𝑥𝐵𝐿𝐴𝐶𝐾𝑃𝐼𝑁𝐾]
Fanfic❴💭❵ ❝Hyung, 1st anniversary na.❞ I smiled. Bitterly. I miss her, so damn much. I want to be with her, again. And I need to do this. I'm sorry, but I can't live without her. She's my life, my love, my happiness, my baby, my bestfriend, my everything...